(chapter 53) " #medyobastos "

150 1 2
                                    

Candice's POV

" Good morning " bati sakin ng security guard pagpasok ko sa gate

" good morning din kuya :) "

Sana nga maging good ang morning..ay hindi, ang buong araw pala.

Ito ang mahirap pag bagong salta ka sa isang lugar. Lalo na sa isang eskwelahan. Ang daming adjustments na dapat gawin. Pero mabait parin si Lord kasi nakapasok ulit ako as scholar. Malaki rin pala ang school na to. Sana maging maganda ang 1st sem ko.

Nako naman nasan na ba yung classroom ko? Kanina pa ko paikot ikot dito sa building pero wala.

Bumaba ako muli sa 2nd floor at sa wakas nakita ko na. Nasa sulok pala yung room kaya hindi ko nakita agad.tssss

May 10 minutes pa bago magsimula yung first subject namin. Yes hindi pa ko late. Muntik lang haha

Hindi ko inaasahan na medyo crowded pala kami sa klase. Pagpasok ko,parang huminto ang mundo nila. Lahat sila nakatingin sakin. Hindi naman ako late ah..anong problema nila? Ngumiti nalang ako habang naghahanap ng pwedeng maupuan

" miss dito ka nalang " alok nung lalake sa bandang likuran

" hay nako Jopet lalandi ka na naman! Girl,dito ka nalang samin " sabi naman nung isa na silahis yata

" letse bakla! " asar nya

" at least matalino hindi bugok! "

Mas pinili kong tabihan yung pangalawang nag alok sakin. May dalawa pa siyang kaibigan na kalapit ng upuan namin. Nasa bandang gitna kami.

" hi! Ako nga pala si Alicia! :) ano name mo? "

" hi..ahm Candice :) "

" nako siya si Lucio pag uwi sa bahay haha hi Candice ako nga pala si Dayne "

" syempre baka majombag ni ama kaya masikip man sa aking hinaharap kailangan ko magpanggap! "

" wala ka namang dede eh!hahaha ako naman si Cassandra. Cass nalang for short :) "

" hi :) ahm magkakaklase na kayo last year? " usisa ko. Mukhang mga kalog tong mga to ah

" eh bakit may dede ka rin ba Cass? Flat chested! Hahaha oo 2nd sem magkakasama na kami. Di ko nga alam bakit hindi ako nahiwalay sakanila kaloka! " sabi ni Alicia/Lucio

" at least totoong hinaharap! Eh sayo imagination lang! " depensa ni Cass

" ang ingay nyo! Ano bang pinaglalaban nyo? Obviously wala naman yan sakin noh! Ganyan talaga mga yan Candice pasensya ka na samin ha " sabi ni Dayne. Malaki nga hinaharap niya infairness.

" ayos lang. Ang sarap nga nila magusap..parang naglalambingan lang haha " sabi ko

" like ewwwww! " sabay na sigaw ni Cass at Alicia

Nakakaaliw naman sila haha parang asaran palang nila busog ka na

" is this a classroom? " sabi nung teacher namin pagpasok na pagpasok palang sa classroom. Napaayos at natahimik kaming lahat dahil sakanya

" what the f*ck?! Bakit siya prof natin?! " bulong ni Alicia kay Dayne na rinig na rinig ko naman

Ito ang arrangement ng upuan namin.nasa row 4 kami

Cass,Dayne,Alicia at ako

Hanggang row 6 ang arrangement at binubuo ng 7 columns

" ano ka ba sa Psych department talaga siya kaya malamang magiging prof talaga natin yan " sagot ni Dayne

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon