(chapter 38) " tell me "

201 3 4
                                    

On the way na kami ng driver nila para ihatid ako pauwi. Tulala lang ako sa byahe. Nakatingin ako sa mga dinadaan namin at nag iisip. Iniisip ko yung nangyari kanina. His face haunts me. Nadudurog ang puso ko pag naaalala yung itsura niya kanina. I know he doesn't want me to go pero wala na rin siyang magawa dahil ito ang gusto ko. Now, we already had a closure. It's official. We're done.

Nawala ang pagmumuni ko ng buksan ni Mang Kanor ang radyo.

" our next song is from Joey Alberts. Bagay na bagay para sa mga pusong nasawi at wasak. Relate kung relate ang mga broken hearted dyan ha. Senti mode muna habang lumalalim ang gabi. Here's the song tell me.stay tuned mga tambayers at mamaya maririnig na natin ang ating caller.mwuah mwuah tsup tsup " sabi ng DJ

♫  There are nights when I can't help but cry 

And I wonder why you have to leave me ♫

Aray.tagos naman yung kanta. Nananadya ba?

♫  Why did it have to end so soon 

When you said that you would never leave me 

Tell me where did I go wrong? 

What did I do to make you change your mind completely ♫

Bakit nga ba? Bakit ang bilis nalang matapos ang lahat? We both hoped for a long and strong relationship. Itong gabi na to..alam ko balang araw pagsisisihan ko rin. At natatakot ako dumating yung panahon na yun.

♫  When I thought this love would never end 

But if this love's not ours to have 

I'll let you go with your goodbye ♫

" gusto nyo po ba ilipat ko? O patayin ko? " tanong ni Mang Kanor na napansin yata ang pag iyak ko

" po?hindi po ok lang maganda naman po " 

" alam ko may problema kayo ni sir Drake pero sana maayos nyo pa " 

" hindi na po siguro " 

" mga bata pa kayo, mas madali pa ang magpatawad " 

" masyado ho malalim yung sugat. Kung pwede lang i-betadine para gumaling agad bakit hindi " 

" ma'am sa tanda kong ito, alam ko na ang pasikot sikot sa pag-ibig. Kung ano man ang dahilan nyan,pag usapan nyo sana. Pareho lang kayo mahihirapan at masasaktan. Mas magandang pairalin ang pagmamahal kaysa pride "

Pride....mapride ba ko?pride lang ba tong nararamdaman ko?

" si sir...masyado na yan nahihirapan. Madalas hindi na kumakain kaya nahihirapan na din ang mommy nya. Sa umaga magugulat nalang sila lasing si sir...at ikaw lang ang hinahanap. "

" ginagawa nya yun?! "

Kinilabutan ako sa narinig ko. Ganun pala ang naging pagtanggap niya sa mga sinabi ko

" sa nakita ko kanina, baka hindi lang yun ang gawin nya sa mga susunod na araw. " dugtong nya

Confessions of a Broken Heart *completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon