Trip #12

43 3 0
                                    

"Manooong!" Tili ko at bigla siyang dinamba ng yakap. Muntikan na kaming matumba dahil hindi prepared si manong.

"Ikaw bata ka! Bitaw!" Bulyaw niya sakin habang tinatanggal ang mga braso ko sa leeg niya.

"Kyaaah! Namiss ko yung bulyaw niyo, manong!" Tili ko pang muli. Tinanggal ko na ang pagkakayakap ko sakanya at tumawa.

"Mabuti nalang at hininto ko muna itong sasakyan. May naiihi. Ikaw bata ka! Kung hindi lamang kita nakita at natanong kay Fred eh baka lumagpas ka nanaman ng destinasyon!" Bulyaw niya sakin. Imbes na lumukot ang mukha ko ay mas lalo pa akong nangiti.

Grabe namiss ko talaga ang bulyaw ni manong. "Grabe manong! Namiss talaga kita! Kamusta na si manang? Kayo ni manang?" Untag ko habang nakangiti parin.

"Ayos lamang naman kami." Unti ay nawala na ang pagkakunot ng noo ni manong. Mas lalo pakong nangiti.

Kunwari pa tong si manong! Namiss din ako neto.

Muli ko siyang dinamba ng yakap. "Manoooong!" Sigaw ko matapos ay tumawa.

"Bitaw!" Inis na bulyaw niya sakin. Tumatawang inalis ko ang mga braso ko sa leeg niya.

"Teka, pano niyo po nalaman kung saan ako pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"Nasa ticket iyon, iha. Hindi ka ba nagbabasa?" Onti nalang ay umirap si manong ng sabihin niya yan. Napatawa ulit ako. Pano kaya napaibig ni manang tong masungit na to? Hahaha

"Manong, pakisabi kay Manang miss ko na yung mga luto niya." Nakangiting sabi ko.

Tumango lamang siya sakin at nagmadaling bumalik sa harapan dahil dumating na uli yung mga naihi.

Nilalabanan ko ang antok ko at itinuon ang pansin sa mga halaman, hayop at langit. Mapayapa na sana ako ng maalala kong kailangan ko palang itext si mama. Medyo malayo kasi ang bahay namin sa pagbababaan ng bus.

Naitext ko na si mama at itinuon nang muli ang tingin sa labas ng bintana. Onti nalang ay makipagsuntukan ako sa antok ko dahil papikit-pikit nako.

Pampanga

Kita ko ang sign kaya't inayos ko na ang bag ko at isinukbit na iyon sa balikat ko.

Bago pako tuluyang lumabas ng bus ay nilingon ko si manong.

Nginitian ko siya, "Manong, ano nga ho uli pangalan niyo?" Nakita ko ang pagkatigil niya. Parang medyo nagulat sa tanong ko.

Marahil matagal na kaming nagkikita at nagkakasama pero hindi padin siya kilala.

Napa-ubo siya ng onti at tumingin ng seryoso sakin.

"Floyd ang pangalan ko, iha. Floyd."

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon