Trip #11

29 3 0
                                    

"Opo. Nasa bus na."Sabi ko kay mama sa phone. Pupunta nanaman akong Pampanga. Sana wala ng mangyaring kakaiba.

(O sige. Magtext ka kung malapit ka na. Susunduin ka ng tito mo.)

"Ok po. Bye." Nagba-bye na rin siya sakin at pinatay na ang tawag. Napagpasyahan ko ng pumunta.

Nabwisit kasi ako sa tv namin. Walang magandang mapanuod.

Kaya lumayas nalang ako ng bahay at napagpasyahang puntahan ang mga pinsan ko. Tutal isang buwan na ang nakaraan matapos ko silang bisitahin.

Tsk. Wag na nga natin balikan yan. Nabi-bwisit ako.

Sinuksok ko na sa tenga ko ang earphones ko at nilagay na ang phone ko sa loob ng bag. Madrama kong tinuon ang pansin ko sa labas.

Kunwari daw music video. Magugulat daw ako bigla kasi bigla daw namin nadaanan yung ex ko. Worst, kasama niya yung babae niya.

Putcha. Inis akong lumingon sa ibang lugar. Napakagaling talaga ng tadhana. Kabilib grabe!

Ang sweet nila grabe! May papisil pa ng ilong si Floyd kay Chloe. Onti nalang at sana may hawak akong kamatis at binato ko sila. Ay grabe para akong nanunuod ng drama. Ang saya pala maging kontrabida kung sakali.

Nung unang dalawang araw ay hindi niya ako tinigilan. Tinext, tinawagan, chinat sa fb, tinawagan din sa fb, nagpost sa wall ko, etc.

Gusto kong magpatawad kaso pangalawang beses na yun eh. Alam niyo yun? Hindi mo alam kung kanino ka magagalit. Sa sarili mo o sakanya. Sa sarili mo kasi nagpaloko ka o sakanya kasi manloloko siya.

Sa huli, pinili ko ang dalawa. Kaya mas lalong masakit kasi kahit sarili ko may pagkakamali. Eh anong magagawa ko? Nagmahal lang naman ako.

Napalingon ako sa gilid ko ng may kumalabit sakin. "Ticket ho." Sabi ng konduktor habang nakalahad ang kamay sa harap ko.

Iniabot ko na sakanya ito at ibinaling na uli ang tingin ko sa labas.

"Oi! Gumising na!" Nagising ako ng may biglang tumapik sa balikat ko at dahil narin sa pagsigaw neto.

Halos manlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang gumising sakin.

———

Wala padin naman si Floyd. May cameo lang! Hahaha.

MrCFOS

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon