Trip #19

16 2 0
                                    

"Kanina pa tulala jang leche ka! Lagi ka nalang tulala kapag kasama mo ko!" bumalik ako sa ulirat ng sigawan ako ni Carla. Sino ba naman ang hindi kung si Carla sisigaw. Pwedeng gawing alarm clock.


Di parin kasi ma-proseso ng utak ko yung sinabi ni Floyd. Na-high lang ata ako sa mga usok ng sasakyan kaya ko naisip yon. Pwede ring mali ako ng pagkarinig dahil sa ingay ng mga sasakyan.


Ay ang gulo!


"Eh pano kasi! Ang tagal kong naghintay don! Nakaka-antok kaya! Kahilo pa yung mga usok mula sa bus!" sigaw ko sakanya pabalik. Tumawa lang siya.


"Oo nga. Kanina pa umalis yan si bhe." singit naman ni papa.


Lumabas na si mama mula sa kusina. May dala siyang orange juice. Sinalinan niya ko sa baso at agad ko namang ininom.


"Tita! Bat mo naman sinabi kay Kim? Surprise yon eh!" aba't sinigawan din si mama. Lumabas narin si Carlo sa kusina na may dalang gardenia. Umupo siya sa tabi ko at sinubsob yung tinapay sa bibig ko. Sinapak ko naman agad siya sa braso matapos kong tanggalin yung tinapay sa bibig ko.


"Aba! Matanda nako't makakalimutin. Hindi narin ako sanay sa mga ganyang trip. At wag mo nga kong sigawang bruha ka!" pabirong sigaw ni mama. Linya ko yon ah! Hahaha


"Hehehe joke lang. Labyu tita!" nawala nanaman ako sa ulirat dahil sa sinabi ni Carla. Ano ba naman yan, Floyd? Kung kelan nagmo-move on na ko!


"Ui!" halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng bigla akong tinulak ni Carlo. Agad niya namang sinalo yung braso ko.


"Bwisit ka!" sinapak ko nanaman siya sa braso.


"Eh nakatulala ka nanaman jan e." sabi niya tapos kumuha nanaman ng panibagong tinapay. Kinagatan ko rin ang tinapay na sinalaksak niya sa bibig ko.


"Ano bang ginagawa niyo dito?" tanong ko.


"Palalayasin ka na namin dito. Kami na titira dito leche ka" sabi ni Carla habang nagsasalin ng juice sa baso.


"Kawawa naman sila mama kung ganon. May kasama silang bruha" ganti ko.


"Kawawa pala sila tita, matagal na. May kasamang leche." ganti niya. Sinapak ko siya sa isip ko at nagsalin na din ng juice sa baso ko.


Napatingin ako sa paligid. Busy si Carlo sa gardenia niya, si Carla naman nauhaw ata kuha ng kuha ng juice, sila mama naman, lambingan. Sabi ko senyo may forever e!


Napaisip nanaman ako. Trip nanaman bako nun ni Floyd. Di na nakakatuwa ah. Nakakakilig na. Ay nako! Di ko na alam!


"Nagtatampo nako sayo." sabi ni Carla matapos niyang umupo sa tabi ko. Tinignan ko siya habang nakakunot ang noo ko.


"May problema ka pero ayaw mong sabihin sakin. Parang hindi friends! Hmp!" natatawang sabi niya.


Nilagay ko yung ulo ko sa balikat niya, "May tanong ako sayo... Friendship o lovelife?"


"Alam mo, hindi pako nagkakaron ng lovelife kaya hindi ko alam ang sagot jan. Pero sure ako madaming sasagot na friendship ang piliin mo. Kasi ang love, nanjan lang yan e. Ang true friend, mahirap hanapin yan. Kaya friendship ako." natahimik kaming dalawa.


Tama. Bat ko ba pipiliin si Floyd e sinaktan nako nun.


"Tungkol sa lalaki to no? Bakit aagawin mo ba sakin si Joshua?! Nako ha! FRIENDSHIP!!!" binatukan ko nga.


"Bruha ka talaga! Di ko type yang Joshua mo!"


"Uso kasi ngayon yung quote na, "Ahas... minsan nasa gubat, minsan kaibigan mo." tsk. Ingat tayo ah. Hahaha"


"Hugot pa nga kasi!"

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon