Trip #6

52 3 0
                                    

Kinuha ko na ang in-order kong burger sa mcdonalds at umupo sa tabi ng bintana. Ang tahi-tahimik ng paligid. Ako lang ang tao sa loob ng mcdonalds. Ni hindi ko nga napansin kung sino ang nagbigay sakin ng burger.

Nagulat nalang ako ng biglang dumilim ang langit. Gabi na pala, hindi ko napansin.

Kakainin ko na sana ang burger ko ng magulat akong nagkakagulo ang mga tao sa labas.

Magulo sila ngunit unti unti ay papalapit na sila sa kinaroroonan ko. Nakatingin lang ako sakanila at unti unti ay pumapasok na sila sa mcdo.

Habang papalapit sila sakin ay may tumutunog na Ikaw Lamang.

"Oi!" sigaw ko ng bigla nilang hinablot ang burger ko sakin. Nakakapagtaka nga lang ay may hanggang ngayon ay may background music padin na Ikaw lamang.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ako makatayo. Ready-ng ready nakong gerahin sila dahil ayun na lamang ang makakain ko dahil narin sa wala nakong pera.

Halos magwala ako ng hinati-hati nila ang burger at kinain ito. Lumapit sila sakin.

"Di ko maintindihan ang nilalaman ng puso" kanta nung isang lalaki sa harap ko. Sa isang iglap ay bigla ng lumiwanag ang paligid at patuloy parin sila sa pagkanta.

Nagising na ako dahil sa pag-ring ng phone ko. Kinuha ko ito sa ilalim ng unan ko, "Ano?"

(Goodmorning din, Kim!) masiglang bati ng tumawag sakin. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at si Thea pala ito.  Kinusot ko ang mata ko, tinanggal ang muta pero nakapikit pa rin. 

(Guess what?) 

"Umm..." 

(I'm back! Fresh from the Baguio parang yung mga inuwing strawberries ko para sayo!) nagising nanaman ako dahil sa pagtaas ng tono ni Thea. Naka-idlip na pala ako langya.

"Ok. Bye" pinatay ko na ang phone ko at binato iyon sa kung saan. Tumagilid ako at niyakap ang unan ko. Kailangan ko pang ipaglaban ang burger ko! Mga patay gutom!

Mga ilang minuto pa ay nagising nako ng tuluyan. Tumayo nako sa kama at tinalian ang buhok ko. Naghilamos ako at nagtoothbrush.

Lumabas nako sa kwarto ko at bumaba na. Nanunuod ng tv si papa sa sala. "Pa, wala kang work?" tanong ko sakanya matapos ay ni-kiss siya sa cheeks.

"May date kami ng mama mo ngayon, bhe. PBB Teens muna kami" sabi niya habang nakatuon parin ang tingin sa tv.

"You're not teens anymore, dad. And stop using facebook! Kung ano ano na ang sinasabi mo! You even called me "bhe" so disgusting" ayan, nasabi ko na. Nakakainis kasi nung isang araw niya pa akong tinatawag na bhe! I've heard that endearment many times at school. Pati ba naman sa bahay?

"Ok, bhe" ang aga mang-asar neto ni papa! Inirapan ko nalang siya at dumiretcho na ng kusina.

Nagulat ako dahil pagkapasok ko ay nakatayo na doon si mama at nakatingin pa sakin. "The feeling is mutual, daughter." Wika niya habang nakatingin kay papa.

"He's also calling me bhe for pete's sake! We should stop you're dad from using facebook bago pa tayo ma-invade ng endearment na yan" seryosong sabi ni mama at dumiretcho na papunta kay papa. I'm glad dahil kaugali ko si mama.

Kaugali ni papa ang kuya ko. At mabuti nalang at minsan lang siya umuwi dito dahil sumasakit ang ulo namin ni mama. Pero mas mabuti kung lagi siyang nandito dahil mas feel mo na family talaga kayo.

Umupo nako sa dining table at kinain na ang almusal na hinanda ni mama. Sinangag, egg, hotdog with ketchup and hot chocolate. Yum!

Ng tapos nakong kumain ay ininom ko na ang hot choco. "Kim!" halos mabuga ko na yung hot choco dahil sa pagsigaw ni Thea.

Nilingon ko siya. Naka floral dress siya habang may hawak na tupperware. Laman nito ay strawberries.

Napansin niya sigurong tinitignan ko iyon kaya inangat niya ito at lumapit sakin.

Kinuha niya ang tinidor sa pinggan ko at ginamit yon panusok sa strawberry. "Try it! Fresh from the baguioooo~"

Napaface-palm ako. "Kaibigan ba talaga kita, Thea?"

"Of course! Since grade 3!" Sagot niya at tinapat na sakin ang strawberry habang nakanganga.

"Then bakit hindi mo alam na ayaw ko sa strawberries?" Napahagikgik naman siya.

"Oh, haha. I'm just trying you, Kim! Baka nagbago na pala ang pananaw mo"

Humagikgik pa uli siya. "Tara! Mall tayo!" Masiglang sabi niya at tumayo. "Tita! Maglalandi kami ni Kim sa mall, ah?" Rinig kong paalam ni Thea kay mama.

Napa-face palm nalang uli ako.

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon