Trip #18

14 2 0
                                    

Pinatay kong muli ang alarm clock kong kanina pa nag-a-alarm. 7:00. 7:15, 7:30, 8:00, 8:15, 8:30, 9:00. Napagdesisyonan ko ng gumising dahil 8:15 na. Sabado ngayon pero dapat gumising ng maaga kasi lalamig na yung lulutuing champorado ni mama kapag tanghali pako gigising.


Ngayon nalang uli nag-champorado si mama no!


Tinatamad na bumangon ako ng kama at nag-streching saglit. Sinuklay ko ang magulo kong buhok at tinalian iyon. Pumasok na ko ng cr para maghilamos at magmumog. Matapos ay bumaba nako.


Pagkababa ko e agad akong binatukan ni mama. "Di ba sabi ko sayo mumog lang pagkagising?" sabi niya matapos ay dumiretcho na ng kusina.


Ang logic niya? Magtatanggal lang naman daw ng muta, maghihilamos pa.


Sumunod nako sakanya papunta sa kusina. Pagkapasok ko ay amoy na amoy ko na ang champorado at pandesal. Agad akong umupo sa tapat ng mesa at kumuha ng champorado.


Hiniwa ko ang pandesal at nilagyan ng butter sa loob.


"Sarap!" (MrCFOS: kagutom! -,-) sinimulan ko ng kumain.


"Pagkatapos mo jan kumain ayusin mo yung isang kwarto ah." utos ni mama sakin habang pinagnanasaan ko yung champorado.


Napatigil ako sa pagnanasa. "Bakit?"


"Dadating sila Carla mamaya. Pabisita lang daw." hindi nako sumagot at tumango nalang. Pero bakit kaya hindi sinabi sakin ng bruha nayon na pupunta sila dito?


"Bhe bat mo sinabi? Yari ka kay Carla. Surprise nga daw e." sabi ni papa pagkapasok niya ng kusina.


"Oh I forgot. Pero dapat hindi mo na sinabi. Mas pinalala mo lang yung sitwasyon." sabi ni mama sabay irap kay papa.


"Eto naman! Ang sungit sungit! Hindi naman ako naghilamos bhe e." paglambing ni papa.


Tinapos ko na agad ang pagkain ko sa champorado dahil naglalambingan nanaman ang mga magulang ko.


"Maglilinis nako sa taas. Kadiri kayo ang aga aga!" sabi ko sakanila pero hindi man lang natinag, patuloy parin sa lambingan. Naiiling akong umalis ng kusina at umakyat na para linisin yung isang kwarto.


Hindi naman siya madumi talaga. Onting ayos lang tsaka palit ng mga punda.


Kinuha ko ang cellphone ko tinext si Carla.


To: Carlabruha


Oi bruha. Anong oras kayo pupunta dito?


Tinanggal ko na yung cover ng kama pati ng unan. Tiniklop ko na sila at kinuha uli yung phone ko nung nag-vibrate yon.


From: Carlabruha


Anong anong oras pupunta? Di naman kami pupunta jan ah!


To: Carlabruha


Wag ka ng mag-sinungaling pa! Sinabi ni mama sakin. Eto na nga inaayos ko na yung kwarto niyo. Sunduin ko kayo sa terminal ng bus tapos gala tayo!


From: Carlabruha


Napaka non ni tita! Sabi ko surprise e! Ayusin mo ng maayos yang kwarto namin ah! Ge gala tayo ng di makita nila tita kung pano kita bugbugin.


To: Carlabruha


I'm scareeeed. Kaya nga inaayos para maayos diba? Kala ko ba bruha ka lang? Di ko alam na shunga ka din pala. Anong oras nga kayo pupunta?


From: Carlabruha


Gago. Ite-text nalang kita. Ayusin mo na kwarto namin!


Binalik ko na yung phone ko sa bulsa ko at nag-ayos na muli ng kama.


__


"Oi bruha! Nasan ba kayo? Nandito nako sa terminal! Sabi mo nandito na kayo?" di ko mapigilang mapasigaw pagkasagot ni Carla sa phone. Nakakatamad kaya maghintay! Kakabura ko pa lang naman ng mga laro ko sa phone.


(Traffic lang saglit. Maghintay ka jan leche. Baka makita mo na forever mo jan. Ge, bye.)


Inis na binalik ko yung phone ko sa bulsa. Bwisit talaga yon. Nandito na daw sila kanina pa eh kanina pako naghihintay.


Tapos traffic lang daw saglit. May traffic bang saglit? Tapos forever ko makikita ko dito? Eh wala na atang naniniwala sa forever ngayon eh. Ang bi-bitter na ng mga tao. Hindi nako bitter wag kayong ano jan! Tsaka may forever! Ipaglalaban ko to.


"Ui Kim!" napalingon ako sa gilid ko. Nakanam talaga ng timing bat nandito to?


"Ui! Ginagawa mo dito, Floyd?" umupo siya sa tabi ko.


"Uwi lang akong Angeles. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"


"Sunduin ko lang mga pinsan ko." tumango lang siya at tumayo na ng may dumating ng bus. Tumayo narin ang mga tao sa paligid namin at naglakad na papunta sa bus.


"Una na ko, Kim." tumango lang ako at ngumiti. Naglakad na siya papunta bus.


"Ingat!" pahabol kong sigaw.


Ngumiti siya at tumango. Umakyat na siya papasok sa bus at umupo kung saan pwede niya kong makita. Paalis na ang bus ng may sinabi pa siya,


"I love you, Kim."

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon