Trip #15

25 2 0
                                    

"Tignan niyo 'tong si Kim. Aagawan na ata kayo. Nakikipagtitigan na sa fafa niyo." Naiwas ko agad ang tingin ko kay Floyd ng biglang nagsalita si Bea na nakapagpa-pigil sa dalawa.

"He's not my type." Mataray kong sabi. Natawa lang si Bea habang sila Thea naman ay tinitigan nanaman si Floyd.

"Ang swerte mo, Kim. Natitigan ka na niya." Banggit ni Thea habang nakatingin padin kay Floyd. Umirap ako. Nahalikan pa nga!

Agad kong iniling ang ulo 'ko sa naisip kong 'yon. "Ayaw ata talaga. Umiiling pa oh." Pansin ni Bea sakin habang tumatawa.

"Ewan ko sayo." Nasabi ko na lamang at umubob sa desk.

Ilang sandali pa lamang eh dumating na uli ang bonggang teacher namin. Nagsimula na siyang magpakilala at magsabi ng mga gusto at ayaw niya sa buhay.

Gusto ko na talagang umubob muli sa desk kaso napaka-pangit namang first impression non. Meron ngang kasabihan, "Maging makulit na sa ibang teacher, wag lang sa adviser." Dahil sila ang kumakausap sa magulang kapag kuhaan na ng card.

At ibubuhos nila ng todo ang sama ng loob nila sayo sa magulang mo. Na jackpot ka pang sermon at sabunot mula sa nanay mo.

"For now, let's take a break. Mamaya ko na ibibigay ang schedules niyo. Mamaya na rin kayo magpapakilala isa isa."

"Matagal na kaming break!" Inis na sabi ko. Narinig ko ang pagsipol ni Bea sa gilid ko. Nilingon ko siya. Nakatinginn din siya sakin. Pati sila Thea. Pati ang adviser ko. Pati ang mga classmates ko.

Inirapan ko lang sila Bea at yumuko. Nakakahiya!

"Ok. Come back at 10:30" At rumampa na siya palabas ng room.

"Hahahaha! Langya, Kim! Ang sarap sarap mo talaga kasama!" Asar ni Bea habang may pahampas effect pa. Kamuntikan na ngang malaglag tong salamin ko. Inayos ko ito at dumiretso na palabas ng room.

"Di daw sila kakain. Kukulitin daw nila yung bago nilang fafa." Sabi ni Bea tapos ay umakbay sakin.

Hinayaan ko lang siya hanggang sa makarating na kami sa canteen. Pumila na kaagad kami para bumili ng pagkain. Pagkatapos kong bumili ay hinintay ko pa si Bea.

Kinausap niyang saglit ang babaeng nasa likuran niya na pinagtatawanan nang mga tao sa likuran din nung babae.

Matapos naming kumain ay dumiretso narin kaming agad sa room dahil dumami na ang tao sa canteen. Pagkadating namin doon ay nandoon sila Thea nakaupo at walang Floyd na nagpakita.

Umupo narin kami ni Bea at kaagad namang humarap samin sila Thea. "Grabe ang bait niya!" Bungad ni Thea.

Kumuha lang ako ng book sa bag at binasa yon. Binaliwala ang kwentuhan nila Thea. Kesyo lumipat daw dito sa school para daw mag bagong buhay. Bagong buhay his face! Magpapa-binyag ata. Bagong version, sa school.

"Tapos kahit daw bad boy siya, hindi pa daw siya nagkaka-girlfriend! Goooosh! Ako na yun! Akin na siya!" Napalingon agad ako kay Thea sa sinabi niya. Napaka-sinungaling. Nako.

Since dineny niya ko, I'll stick with it. Bahala siya sa buhay niya. Pero hindi lang rin naman ako ang naging girlfriend niya. Baka kasama sa pagbabagong buhay niya yan.

"Anong iyo?! Nandito pako no!" At nagbangayan nanaman sila.

Napalingon ako sa pinto ng magdatingan ang mga classmates ko. At classmates, kasama don si Floyd. Nagkatinginan kami pero sabay lang kaming nag-iwas ng tingin.

Gosh. Hindi padin nagsi-sync-in sakin na classmate ko siya. At ang mga kaibigan ko, may gusto pa sakanya. What the hell diba?

Ilang sandali pa lamang ay dumating na muli ang adviser namin kaya tinago ko na ang libro ko.

"Since I already introduced myself earlier, kayo naman." Narinig ko ang pag-angal ng mga classmates ko sa sinabi ni sir. Kahit ako ay umangal rin.

Poker face lang si sir at umupo na sa upuan niya. Tinuro niya ang babaeng nasa unahan na transferee. Argh! Nakakatamad!

I'm not really paying attention hanggang si Floyd na ang tumayo sa harap. My jaw dropped when he finished introducing his self.

Wth we're living in the same subdivision too?!

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon