Trip #3

55 3 0
                                    

"Ang bagal!" bulyaw samin ni Manong. Naglalakad na kami ngayon papuntang bukid. At napaka-bagal naming maglakad dahil napaka-aga pa! Oo, bakasyon ngayon at nakakamiss ang school. (Ops! Dahil sa mga classmates 'yon!) Pero hindi nakaka-miss ang pag-gising ng maaga!

Alas kwatro pa lang ng umaga ngayon at eto kami naglalakad sa kung sang lupalop ng Tarlac. At malamig! Pano nakalimutan kong dahil yung jacket ko dahil bulyaw na ng bulyaw si manong.

Napalingon ako kay Floyd ng bigla siyang lumapit sakin at walang sabi-sabing isinukbit sa balikat ko ang jacket niya.

Hindi man lang siya tumingin sakin. Hindi pa nga ako nakakapag thank you eh tumakbo na siya papunta 'don kay manong at tinulungan sa mga dala niya. Nakakainis kang Floyd ka! Kinikilig ako!

Kanina pagka-gising na pagka-gising ko eh nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa tiyan ng nakita ko si Floyd. Nag-almusal na kami pero hindi padin naiibsan 'yon. Natae rin ako dahil mabilis ang metabolism ng katawan ko kaya tinae ko agad yung inalmusal namin.

At dun na nagsimulang magbulyaw ng magbulyaw si manong. At dun ko nakalimutan ang jacket ko dahil natataranta ako sa bulyaw ni manong. AT dun ko nalaman 'tong nadarama ko kay Floyd.

Dapat ay mainis ako sakanya! Ano ba naman yan!

"Aray!" nagulat ako ng bumangga ako sa isang matigas na bagay.

Inangat ko ang ulo ko at nakitang si Floyd pala yon. Huminto na pala sila at ako nalang ang hinihintay nilang makarating 'don.

Sinilip ko ang paligid at puro puno ang nakita ko, "Sundan niyo lang ako" sabi ni manong at naglakad na papasok sa loob ng bukid.

Nagkatinginan kami ni Floyd at sabay rin kaming nag-iwas ng tingin. Nauna nakong maglakad papasok sa bukid at sinundan si manong. Inayos ko at pagkaka-suot ng jacket ni Floyd pati narin ang salamin ko.

Medyo nakakatakot dahil madilim pa ang langit at ang tanging liwanag lang namin ay ang flash light. At si manong lang ang meron non. Habang pumapasok kami sa bukid ay mas lalong lumalamig.

"Itong bukid na ito ay pagmamay-ari ng matalik kong kaibigan na si Karding! Eh siraulo yon eh iniwan akong bigla!" kwento ni manong na medyo nagpawala ng takot sa solar system ko.

Naririnig ko ang mga yapak ni Floyd sa likod ko. Ang akward na namin. Di na 'ko makapag-act normal dahil sa sinabi niya kagabi.

Pero hindi aasenso ang buhay kung magbi-build ako ng wall sa pagitan namin. Minsan na nga lang magkita, ganto pa mangyayari? Hindi ganyan si Kim Raina no!

Lumaki akong medyo masungit pero hindi ko maatim na wag kausapin ang isang taong malapit sakin. Nahahabag ang inner cells ng body ko at maloloka ako neto.

"Ang nakakatuwa sa pagkakaibigan namin ay parehas kami ng pangalan! Minsan nga ay naguguluhan kami kapag may mga babaeng magaganda ang magtatawag sa pangalan namin"

Pero... iba pala yung ibig kong sabihin don. Babaeng kaibigan pala 'yon at hindi kagaya ni Floyd na nagya-yatigidig ang puso ko. Hays!

"Noong una naming pagkikita ay nayayabangan ako sakanya. Mayaman kasi iyong si Karding! Aba'y sino ba naman ang magkakaroon ng ganito kalaking bukid?! Ang mayayaman lang!" inalis ko na sa isip ko si Floyd at nakinig na lamang sa storya niya.

"Natatandaan ko pa 'non ng may nagustuhan akong babae! Hindi ko sinabi sakanya na may gusto ako don dahil natatakot akong mabanggit niya ito sa ibang tao at makarating dun sa babae. Aba! Torpe ako no!" lumusot siya sa isang mababang kahoy kaya't yumuko narin ako para sana lumusot na kaso bigla akong hinawakan ni Floyd sa braso.

"Ano?" tanong ko nung humarap ako sakanya. Nilagay niya sa ulo ko ang hood ng jacket niya at hinawakan ako sa ulo, "Pumasok ka na" sabi niya.

Lumusot ako sa kahoy na 'yon habang hawak ni Floyd ang ulo ko para hindi mauntog. Wala na! Nagiging kabayo nanaman ang puso ko! Kainis!

Pagka-angat ko ng ulo ko ay napaka-laking farm ang nakita ko. May taniman sa kanan at sa kaliwa naman ay may mga hayop. Sa gitna ay punong-puno ng magagandang bulaklak. Sayang at lowbat ang cellphone ko hindi ko mapi-picture-an ang kagandahan ng bukid ni manong.

"Una muna ninyong gagawin ay diligan at anihin na ang mga halaman. Pagka wala nang didiligan at aanihin ay kuhanin ninyo ang sako doon at magtanim na kayo." itinuro niya samin ang banda kung san magdidilig at mag-aani. Tinuro niya din samin kung nasaan yung sakong tinutukoy niya.

"Tawagin niyo ako kapag tapos na kayo. Nandun lang ako sa Garden" wika niya at umalis na. Nawindang naman daw ako sa garden!

"Ikaw na mag-dilig. Ako na mag-aani" sabi ni Floyd matapos ay binigay sakin ang hose na nanggagaling don sa maliit na bahay malapit dito.

Ginawa na namin ni Floyd ang trabaho namin. Sinimulan ko ng diligan ang mga halaman ni manong at sinimulan niya na ding mag-ani. Matapos non ay binalik ko na ang hose sa maliit na bahay at nagtanim na kami.

"Hay! Kapagod!" sabi ko tapos ay umupo na ng tuluyan kasama ang mga lupa. Umupo rin sa tabi ko si Floyd. Rinig ko ang habol na hinga niya sa gilid ko. Nag-ani pa eh!

Ilang sandali pa ay tumayo siya tapos ang naglahad ng kamay sakin, "Tara! Hugas na tayo ng kamay"

Inabot ko ang kamay niya at nagpahila patayo. Naglakad na kami papunta sa bahay. Binuksan na ni Floyd ang hose at kinuha ang isang kamay ko para mahawakan ang hose.

"Tignan mo 'to! Ako pa pinag-hawak!" reklamo ko sakanya. Hindi siya umimik at kinuha lang yung isa kong kamay na walang ginagawa.

Itinapat niya ito sa hose ay hinugasan gamit ang dalawa niyang kamay. Pinagpalit niya ang posisyon ng mga kamay ko at ang isa naman ang hinugasan. Ano ba talaga, Floyd?

Pinatay niya na ang hose at pinunasan ang kamay niya gamit ang t-shirt niya, "Punas mo din kamay mo dito" alok niya sa shirt niya.

"Wag na, dito nalang sa shirt ko. Madumi naman na 'to eh" sabi ko at sinimulan ng punasan ang mga kamay ko.

Nagulat ako ng bigla niyang hinigit ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya, "Alam kong may gusto ka sakin. At alam kong alam mo na may gusto din ako sayo" nanlaki ang mata ko sa confidence at confession ng lalaking 'to.

Really, Floyd? Really? "San mo nasagap yang balitang yan? Bat hindi ako updated?" pa-inosenteng tanong ko sakanya at umiwas ng tingin.

"I like you, Kim" nanlalaking matang napalingon ako sakanya.

Ano daw? Di ko narinig ang ingay ng puso ko!

"Sorry sa mga nagawa ko nung bata pa tayo. Ginawa ko lang yun dahil may gusto ako sayo. At hanggang ngayon, hindi pa nawawala 'yon" tumitig ako sa mga mata niya. Nakikita ko rito ang pagka-sincere niya.

Anong sasabihin ko?

"Wala kang dapat sabihin. Bigyan mo lang ako ng chance, sapat na sagot na 'yon" sabi niya at ngumiti sakin.

Wait lang, ha? Bigla-bigla ata!

"Wha--"

"Shh" paghinto niya sakin at bigla nalang akong niyakap.

Napabuntong hininga ako, "Okay. Let's try. Prove me, Gomez. That you deserve a chance"

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon