Trip #17

17 2 0
                                    

"Samahan niyo ko sa canteen guys!" Pagyayaya ko kela Thea. Wala yung teacher namin, may sakit daw. Wala daw nakuhang substitute kasi busy na sa paggawa ng exam.


"Kaya mo na yan matanda ka na" sabi ni Thea habang nilalagyan ng pulbo yung papel. Naglalaro sila ng unggoy-ungguyan. Matalo, pulbo.


"Akin na ang baraha!" Binigay na kay Bea yung baraha at nagsimula nanaman silang maglaro. Di ako sumasali kasi allergic ako sa pulbo.


Inirapan ko sila at lumabas na ng room. "Samahan na kita." Napalingon ako sa gilid ko ng biglang sumulpot si Floyd.


"Okay" simpleng sagot ko at patuloy lang na naglakad.


"Ayaw ka nila samahan?" Paasar na sabi niya. Nilingon ko siya at inirapan.


"Di porket bati na tayo pwede mo na kong ganyan ganyanin" natawa siya ng mahina.


Oo, bati na kami. Sinabi niya sakin lahat ng kasalanan at katotohanan nung gabing nagpunta siya sa bahay.


Inamin niyang gago siya at sumang-ayon ako ng bongga. Hindi niya daw sinadyang saktan ako. Nung time na nasa Tarlac kami, inaasar niya lang daw ako.


Ang alam niya daw kasi, galit na galit ako sakanya at kahit kelan e hindi ako magkakagusto sakanya.


"Oi Floyd pre. Basketball mamaya?" Biglang may lalaking lumapit kay Floyd kaya napahinto siya. Huminto rin ako para hintayin siya.


"Di pwede pre. Exam na sa Friday."


"Ah. Oo nga pala. San ka pupunta?" Tanong nung lalaki sabay tingin sakin.


"Samahan ko lang to sa canteen." Nagtanguan lang sila at naglakad na uli kami.


"Wag niyong galawin! Nagse-sex yan!" napatingin kaming dalawa ni Floyd sa tatlong grade 7 na naglalaro sa hagdan. Tinitignan nilang tatlo yung dalawang insektong magkapatong.


Nagpatuloy lang kami ni Floyd bumaba sa hagdan at ng malagpasan na namin yung mga bata, nagtawanan kami.


Nang makarating kami sa canteen ay agad akong bumili. Paglingon ko sa likod ko ay nakikipag-usap nanaman si Floyd sa mga lalaki. Nagtutulakan pa nga sila habang pasimpleng patingin-tingin sakin.


"Eto sukli mo oh." kinuha ko na ang sukli ko at nilagay na sa wallet ko. Yayayain ko na sanang bumalik ng room si Floyd ng makita kong papunta sa pwesto ko si Thea.


"Kung di lang kita mahal, baka inisip ko ng inaagaw mo si Floyd sakin." pabirong sabi niya. Umalis kami ng canteen ng hindi man lang tinatawag si Floyd. Hinayaan ko nalang at kinain ko na yung binili kong footlong.


Pagkadating namin sa room ay agad bumalik si Thea kela Bea at ako naman ay umupo sa upuan ko at nag-earphones. Inubos ko na yung footlong ko at lumabas ng room para itapon yung plastic non.


"Iniwan mo nanaman ako." nagulat ako ng may biglang nagsalita sa gilid ko.


Naka-pout si Floyd habang naka-kunot ang noo.


"Yuck. Wag ka ngang mag-pout!" natatawang sabi ko sakanya at nilayo yung mukha niya. Tumalikod nako at bumalik ng room.


Pagkaupo ko sa upuan ko e biglang pumasok si Floyd sa room at nagsabi ng kainis-inis na kataga, "Nandito na si maam." nagsibalikan na sa kani-kanilang upuan mga classmates ko at inayos na ang mga upuan.


__


"Wag niyong kakalimutan ang assignment ah? Okay, goodbye." tinatamad na tumayo ako ng upuan ko at inayos na ang mga gamit ko.


"Kim una nako ah? Aalis daw kami sabi ni mama eh." sinarado niya na ang bag niya at sinukbit agad yon sa balikat niya. Akmang aalis na siya ng pinigilan ko siya.


"Wait lang. Sabay nako sayo palabas." tumango siya kaya binilisan ko na ang pag-aayos ng gamit ko at agad na hinila siya palabas ng room.


"San daw kayo pupunta?" tanong ko kay Thea matapos kong ayusin yung salamin ko.


"Di ko alam eh. Lam mo naman yun si mama bigla bigla nalang nagyayaya."


"Buti di ako sinasama?"


"A-ah? O-oo nga eh. Siguro nagsawa na sayo. Lagi ka na lang daw kasi naming kasama. Hahaha!"


Lagi kasi akong sinasama ng mama ni Thea kapag biglaan silang dalawa umaalis. Himala at hindi ako sinama ngayon.


Pagkalabas namin ng school ay agad humiwalay sakin si Thea.


Nilabas ko ang cellphone ko at sinaksak don yung earphone ko. Para malaman lang ng mga tao na ayoko makipagusap sakanila habang naglalakad ako. Hahaha


Kakasaksak ko palang ng earphone sa kaliwang tenga ko ng may biglang kumalabit sakin. Nilingon ko siya habang nakataas ang isang kilay.


Agad ko ding ibinaba ng makitang si Floyd pala yon.


"Bakit?" tanong ko at tinanggal na ng tuluyan yung earphones ko sa tenga.


"Sabay na tayong umuwi."


Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon