Prologue

95 4 0
                                    

Pumasok nako sa school at dumiretcho sa bulletin board para hanapin ang classroom ko. Bago pako makarating sa room ay nakasalubong ko ang dati kong classmate kaya't mas madali nalang ako nakapunta sa room.

Bagong araw nanaman bilang estudyante. Bagong classmates at teachers. Hays. Magpapakilala nanaman.

Pagkadating namin sa room ay nakaupo na ang lahat ngunit medyo maingay sila.

"Kim!" nagulat ako ng may biglang dumamba sakin at muntikan pa kaming matumba.

"Ui Thea! Hahaha wait lang di ako makahinga!" sabi ko sakanya. "Ay, sorry. Haha namiss lang kita!"

Umupo siya sa harapan ko at umupo ako don sa isang bakanteng upuan na na nasa likod niya katabi ni Bea. Agad silang nagsiharapan sakin.

"Bakla adviser natin," mahina at natatawang sabi ni Bea.

"Talaga?"

"Oo, ang arte nga at may pamaypay pa!" nagrereklamong sabi niya.

"Ganun talaga! Mainit kaya dito sa Pilipinas!" natatawang sabi ko sakanya kaya tumawa rin siya.

"Ay! Kim! May pogi! Transferee," nakangiting sabi ni Thea sakin.

"Ay, oo! Grabe! Ngayon nalang ulit nagkaron ng pogi dito sa school!" nagulat kaming tatlo ng biglang sumali si Sharmaine sa usapan. Ngiting-ngiti ang mata at onti nalang ay magkaroon na ito ng puso.

"At eto pa! Since mga basagulero ang classmates natin dati hanggang ngayon, ibahin mo 'to" proud na proud na sabi ni Sharmaine, Nakatunganga lang kami nila Bea sakanya dahil mukhang nainlab na 'tong babaeng 'to.

"At dahil don, crush ko na siya"

"Heh! Wag kang magulo! Ako nauna!" paglaban ni Thea.

"Ako!"

"Ako!"

"Ui si sir!" biglang sabi ni Bea kaya't natapos na sa bangayan yung dalawa.

Tumahimik bigla ang mga taong nagdadaldalan at tahimik na pinagmasdan ang bago naming adviser na ngayon ay inaayos ang desk niya habang ang isang kamay ay may hawak na pamaypay. Tama ka nga, Bea. Pero mainit naman kasi talaga sa Pinas kaya normal lang, diba?

Tumingin siya samin, "Sandali lang, may nakalimutan ako," matapos ay lumabas na muli ng room. Nagsimula na ulit magbangayan si Sharmaine at Thea tungkol dun sa lalaking pinagtatalunan nila.

"Sino ba kasi yung lalaking 'yon? Patingin nga at ng magka-alaman na!" tanong ko kay Bea na pinagtatawanan ang dalawang kaibigan niya.

Lumingon siya ng natatawa sakin at lumingon sa harapan, "Ayun oh" turo niya kaya't nilingon ko.

Pinagpatuloy niya ang pagtawa kela Thea. Biglang lumingon yung lalaki sakin at sabay naglakihan ang mata namin.

OMG.

My friends are drooling over my ex!

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon