Trip #10

41 3 0
                                    

"Oh." Inabot sakin ni mama yung band aid. Kinuha ko ito at agad nilagay na sa daliri ko.

"Pasukan na ulit next next week. Ikaw nalang ba mag-eenroll?" Tanong ni mama habang nililigpit na yung mga sibuyas na hiniwa ko.

Tumango ako. "Ako naman palagi eh." Nilagay niya na yung chopping board sa sink at tinakpan yung mga sibuyas.

"Anong palagi? Netong nakaraang school year ka lang kaya nag-enroll mag isa." Pumunta na siya dito sa sala.

"Ganon na din yun eh." Napalingon kaming dalawa sa taas ng biglang may kumalabog.

"Nandito relo mo!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si mama. Napahawak pa nga ako sa puso ko. Hindi pa pala umaalis si papa.

"Saan ba pupunta si papa?" Tanong ko kay mama na ngayon eh nakatutok nanaman sa tv. "Sa mga pinsan mo. Susunod ako mamaya. May gagawin lang ako."

"Tatapusin mo lang yang korean nobela mo eh!" Napangisi lang si mama at tumingin na uli sa tv. "Ikaw? Ayaw mo bang pumunta?"

"Pag-iisipan ko pang mabuti." Seryosong sabi ko. Para kasing gusto ko pero ayaw ko. Alam mo yun?

"Doon kami matutulog. Kung hindi ka susunod, may pagkain naman jan sa ref."

Tumango nalang uli ako. "Asan ang relo ko bhe?" Napalingon ako kay papa na kakababa lang. Walang lingon-lingong tinuro ni mama yung relo ni papa na nasa ibabaw ng drawer.

Kinuha niya na ito at umupo sa tabi ni mama. "Magkano nga ulit balikan?" Tanong ni papa kay mama habang sinusuot yung relo sa wrist niya.

"Balikan?! Hindi na kami magkaka-balikan!" Mahinang bulyaw ko. Agad kong nilingon sila mama na napalingon din sakin.

Iniwas ko ang tingin ko. Tsk! Padalos dalos eh!

Napa-ayos ng upo at napaubo ng onti. Pinatay naman ni mama yung tv at tinuon na ang pansin sakin.

This is the moment of truth!

"Alam kong may mali." Panimula ni mama. "Sabihin mo lang samin, handa naman kaming makinig. Siyempre anak ka namin eh. Pero hindi ka naman namin pipilitin kung ayaw mo pa."

Napayuko ako. "Sinabi naman na samin ni Floyd noon. Nag-break na ba kayo?" Tumango ako habang nakayuko pa rin.

Nagulat ako ng biglang lumapit si mama sakin at niyakap ako. "Bata ka pa, anak. Madami ka pang mararating. Wag mong i-sentro ang buhay mo sa isang lalaki. Hindi kita pinapaasa pero kung kayo, kayo talaga."

Nakakainis naman! Pinapa-iyak ako neto ni mama eh!

Lumunok ako ng sunod-sunod para hindi ako tuluyang maiyak. Yumakap ako pabalik kay mama. "Thank you, ma."

Humigpit ang yakap niya sakin. "Pasali!" Singit ni papa. Agad siyang tumakbo samin at sumali sa group hug.

Napahiwalay kami sa isa't-isa ng makarinig kami ng hindi pangkaraniwang tunog.

"Ano ba yan pa!" Sigaw ko kay papa. Agad namang binatukan ni mama si papa. "You ruined the moment, Fernando!" Inis na sabi ni mama kay papa.

Oh, no. Nag-eenglish nanaman ang nanay ko. Yumakap lang sakanya si papa. Agad ng inilayo ni mama si papa sakanya.

Sabay kaming napatakip sa ilong ni mama. "Eeew!" Reklamo ko.

"Alis na ko." Nagmamadaling lumabas si papa ng bahay. Nagsisigaw pa si mama pero tuluyan ng lumabas si papa.

Ang baho ng utot ng papa ko!

———

Dahil inis tayo kay Floyd, wala muna siya ngayon, at sa mga susunod pang chapters. *insert evil laugh here*

MrCFOS

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon