Trip #8

37 3 0
                                    

Hindi ko iniwas ang tingin ko sakanila. Mas lalo ko lang silang tinitigan.

"Kim! Sa fitting room lang ako, ah?" Nag-ok sign lang ako sa kanya at patuloy paring tinitignan sila Floyd.

Napalingon naman si Floyd sakin dahil siguro sa pagtawag sakin ni Thea.

Hindi ako kumibo. Nagkatitigan lang kami hanggang sa hilahin na siya ni Chloe paalis.

Gusto kong malaman niya na nakita ko sila. Para malaman niyang tapos na kami. And I won't buy his lies again.

Pumunta nako kay Thea na ngayon ay binabayaran na yung damit na binili niya. Pagkatapos niyang magbayad eh nanuod naman kami ng movie.

Action ang pinanuod namin.

Bawat segundo ay iniinuman ko ang pineapple juice ko. Pinipigilan kong maiyak. Nakakainis na Floyd! Action 'to pero naiiyak ako!

Muntik ko ng mabuga ang juice na nasa loob ng bunganga ko ng nakita 'kong nakanganga si Thea at tulog. Tumatawa akong nakatingin sa screen.

Tawa lang ako ng tawa hanggang sa naramdaman ko nalang na umayos siya ng upo. Iba talaga ang kaibigan. Kahit hindi intensyon, mapapasaya ka talaga nila.

Natapos ang panunuod namin na puro juice ang laman ng tiyan ko. Lumabas na kami ng sinehan at naglakad-lakad lang saglit.

"Thea, cr lang ako ah?" Paalam ko sakanya. Di ko na talaga kaya. Ang dami kong nainom na juice tapos ang lamig pa sa loob.

Tumango lang siya sakin at pinagkatuunan na ng pansin ang tinitignan niyang mga sapatos sa isang store.

Nilabas ko na ang pinahatid ni nature sakin at lumabas na ng cr. "Kim" lumingon ako sa gilid ko at nakita si Floyd dun.

Umiwas ako ng tingin at sinimulan ng maglakad. Sa mga panahong ganto, hindi ko pa kayang makipag-usap sakanya.

Kailangan ko ng time mag-isip. Hindi ko kasi kayang magdesisyon ng mabilisan. Kailangan pa ng assurance.

"Ui" aniya sabay hawak sa braso ko.

Tinanggal ko iyon habang hindi parin lumilingon sakanya. Hinawakan niya ulit ang braso ko. "Ano ba Floyd?" Pinipilit tanggalin ang pagkahawak niya sa braso ko.

Sinusubukan niyang iharap ako sakanya pero ayoko. "Let me explain. Come on, look at me." Inis kong hinawi ang braso ko at humarap sakanya.

"I don't wanna hear it. Nakita ng dalawang mata ko kung pano mo siya tignan. At ang sakit kasi kahit kailan hindi mo pa 'ko natitignan ng ganon!"

Tumingin ako sa ibang direksyon para hindi niya makita na naiiyak nako. Naiinis ako sa sarili ko dahil dapat hindi nako pumasok sa isang relasyon at binabad nalang ang sarili ko sa mga libro.

"Please, let me explain." Pagpilit niya. Naramdaman kong mas lumapit siya sakin kaya bahagya akong napatingin sakanya.

Iniwas ko ulit ang tingin ko ng makitang nakatitig siya sakin. "Diba sinabi ko na sayo noon? Kapag may iba ka nang mahal, sabihin mo lang. Ako na mismo lalayo. Hindi yung ganto pa, Floyd. Ginagawa mo 'kong tanga."

"No, I love yo–" Tumalikod na muli ako. "Thanks for everything. Natuwa ako dahil bumalik ka sa buhay ko. Pero na-realize 'kong pinagti-tripan mo nanaman ako parang nung mga bata pa lang tayo. Thank you for lying, I appreciate it." I don't sound sarcastic, right?

"Kim—" Hinawi ko ang braso niya. "Ano ka ba Floyd? Wag kang mag-alala! Sana'y nako sa mga trip mo no! Immune kung baga." Natatawang sabi ko sakanya. Napabuntong hininga siya.

"We're done." Tumalikod nako at sinimulang maglakad. Tinatawg niya pa ko pero pumasok nako sa store na pinasukan ni Thea kanina.

Nang makita ko si Thea ay hinila ko na siya at lumabaskami sa kabilang labasan para hindi namin maabutan si Floyd.

"Uwi na tayo?" Tumango ako sakanya. "Ayos ka lang? Parang ang lungkot mo." Nag-aalalang tanong niya sakin.

"Ayos lang ako. Napagod lang ata ako ngayon." At ngumiti sakanya. "Okay. Pero bago pa man mahuli ang lahat, bumili na tayo ng cake para bukas. Hihi." Excited niyang sabi at hinila nako sa Red Ribbon.

Yep, Happy Birthday to me.

———

Hi guys! Gusto niyo ba ng onting storya? Haha. Ayos lang naman kung ayaw niyo basahin pero ganado ako ngayon at gusto ko magkwento.

Base 'tong kwento na 'to sa one sided love ko sa crush ko na may girlfriend na ngayon. Huhuhu. Ang sweet nila! Pero ayos lang naman ako. Promise! Tapos nagkaron ng what if's  sa utak ko kung naging ganto ganyan yung love story namin ni crush. Basta ang storya na 'to ang version 3.0 ng love story namin ni crush. Masyado kasing advance at malayo sa realidad.

Version 0.1 lang kasi yung sa totoong buhay kaya kailangan i-upgrade ng todo. Haha yun lang! Ciao.

MrCFOS

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon