Trip #16

39 1 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at medyo nasasanay nako sa presensya ni Floyd. Ang hindi nga lang ako sanay, sa pagiging makulit nila Thea at panay kwento kay Floyd.

Hindi ko padin alam kung pano ko sasabihin sakanila. Ang hirap kumuha ng timing lalo na kung bukang-bibig nila si Floyd. Minu-minuto, may update ako kay Floyd. Para lang akong nag-like ng fanpage ni Floyd at bawat minuto eh may post.

Nasa news feed ko tuloy.

"Kim! Punta kami sa bahay mo mamaya, ah?" Tinaas taas niya pa ang kilay niya. Kela Floyd yan pupunta!

"Ayoko nga! Matutulog ako, wag kayong manggulo!" Masungit kong sabi.

"Eeeh! Dali na Kim! Eto naman parang hindi friend eh!" Nakangusong sabi niya habang tinutulak tulak yung braso ko gamit yung braso niya.

Napabuntong hininga ako matapos ay inayos ko yung salamin ko.

"Oo na. Wag lang kayong magtatagal ah. Tatapusin ko pa yung binabasa ko."

Napa-palakpak siya at medyo lumayo na. "Kaya love ka namin ni Sharmaine eh!" At yinakap ako.

"Thea! Hindi ako makahinga!" Grabe kasi talaga to mang-akap. Parang wala ng bukas.

"Sorry" natatawang sabi niya at inalis na ang yakap sakin.

Lumiko na kami papasok ng room ng bigla akong mabangga sa isang poste.

"Sorry. Ayos ka lang?" Nagtatakang inangatan ko ng tingin ang nagsasalitang poste.

Napaayos agad ako ng salamin ng makitang si Floyd pala yon. Sa buong linggo, ngayon nalang ulit kami nagkausap. Palaging sila Thea ang kausap niya. Kinikwento pa ngang introvert daw ako.

Medyo lang naman.

"A-ah. O-oo ayos lang ako." Nauutal kong sabi at umalis na sa harap niya. Kaagad namang sumulpot si Thea sa gilid ko.

"Kyaaaah! Ang pogi talaga niya. Ang swerte swerte mo talaga Kim! Nung nakaraan lang, natitigan ngayon nayakap pa!"

"Anong nayakap! Nabunggo ko lang, nayakap na? Napaka-exage mo talaga Thea!"

"Psh! Ganon na din yon! Pero ang pogi niya talaga. Tapos hindi pa siya nagkakaron ng girlfriend tapos ang bait niya pa. Grabe talaga! Kyaaah!" Halos nangunot ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi ni Thea. That boy is really good at lying. Technique niya ata para maka-kuha ng babae.

Desperate jerk.

"I believe that you're in the school and not in the market, Ms. Tison." Napa-upo kami kaagad ni Thea ng marinig namin ang boses ni Maam Dela Cruz.

"Sorry po." Paumanhin ni Thea. Tumango lang siya at nagsimula ng mag-lesson.

Nakaka-limang hikab nako ng bigla akong nakaramdaman ng sakit sa noo ko. Tinignan ko kung ano ito at chalk pala.

"Magkaibigan nga talaga kayo ni Ms. Tison! Isang palpak pa ay palalabasin ko na kayong dalawa!" Onti nalang ay uusok na ang ilong ni Maam Dela Cruz sa inis.

Manenermon pa sana siya kung hindi lang nag-bell. Eto na ba ang tinatawag nilang, "Saved by the bell"? If it's like that, Thanks bell. Hahaha.

"We don't have our classes tomorrow so ngayon kayong dalawa pupunta sa office ko. Come with me. And for the rest, goodbye." I heard their sigh of relief ng lumabas na si Maam. And I heard our sigh of frustration.

Di ko alam kung magta-thank you bako dahil hindi na pupunta sila Thea sa bahay o maiinis dahil mapapagalitan nanaman ni Maam. Kaya nakakatamad ng pumasok eh!

Kaagad kaming sumunod ni Thea kay Maam. "Ang laki talaga ng galit satin ni maam! Hindi naman masyadong malala ginawa natin. Hikab at onting sigaw lang eh." Bulong ni Thea sakin.

"Hayaan mo na. Baka may problema lang at tayo ang pinagbuntungan."

"Ang daya kung ganon. Bakit tayo kapag may problema, hindi sila pwedeng pagbuntungan? So unfair."

"That's different, dear. Tsaka ano bang problema mo? Wala naman diba?" Hindi na siya nakasagot dahil nasa tapat na kami ng office ni maam.

Kumatok kami at agad ding pinapasok. "Sit." Utos ni maam at tinuro ang dalawang upuan sa harapan niya.

"I won't let you do heavy tasks. Ang gusto ko lang ay ipa-xerox ang mga papel na to at kailangan ng ibalik sakin bukas. You may go." Pagtataboy niya samin at tinuonan ng pansin ang laptop niya.

Lumabas na kami ng office ni Maam at napagplanuhang sa tapat ng school nalang namin ipapa-xerox.

"Grabe talaga si maam!" Reklamo ni Thea habang tumatawid kami.

"Won't let you do heavy tasks daw! Ano to?"

"Pa-xerox po." Sabi ko don sa nagmamanage ng shop at nilapag na ang mga papel sa table.

"Intindihin mo nalang kasi si maam! Malay mo nasa menopausal stage na yon!" hindi na napigilan ng bunganga ko na sabihin ang laman ng nasa isip ko.

Agad namang tumawa si Thea dahil sa huling sinabi ko. "I love you talaga Kim." natatawang sabi neto.

Matapos naming magpa-xerox ay kaagad kaming umuwi. Nagkahiwalay na kami ni Thea ng landas at tinungo na ang bahay ko.

And there I saw Floyd standing outside our house.

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon