Trip #1

95 3 0
                                    

"Ineng!" nagulantang ako ng may biglang lalaking sumigaw sa harapan ko.

"Ito na ang last stop! Gumising na kayo jan at kayong dalawa nalang ang nandito," sabi ni manong pagkatapos ay naglakad na palabas.

Tatayo na sana ako ng nakaramdam ako ng bigat at pagkamanhid sa balikat ko. Meron palang manong ang nakasandal at natutulog sa balikat ko. Hindi ko siguro napansin kanina dahil sa pagka-gulantang ko at dahil narin sa pagkamanhid nito.

Dahil mabango siya at na-curious ako ng onti ay sinilip ko na kung sino 'to.

OMG!

Nagulantang nanaman ako kaya't nalaglag siya. Nalaglag ang beanie ko sa lapag dahil parin sa pagkagulantang ko. Nakita 'kong naka-ngiwi siya kaya't tinulungan ko agad siyang tumayo.

"Hala! Okay ka lang? Sorry, 'di ko sinasadya. Nagulat lang ako" rason 'ko.

"Pwede mo naman akong gisingin nalang. 'Di mo nako kelangang ilaglag" sabi niya matapos ay yumuko para kuhanin ang beanie 'ko matapos ay pinagpag ito at binigay sakin.

"Thank you," sinuot ng muli ang beanie. Ngumiti ako at ngumiti lang siya ng tipid.

"Ano?! Hindi pa ba kayo bababa?! Extend pa?" rinig 'kong sigaw ni manong na kani-kanina lang ay sinigawan ako.

Naglakad na si Floyd pababa kaya't nagsimula na rin akong bumaba.

Si Floyd ay dati 'kong kapit-bahay at lagi 'kong kaaway. Lagi kasi siyang nandadaya noon kapag naglalaro kami ng patintero. Lagi siyang lumalagpas sa linya! Eto si ako at gusto 'ko ng fairness sa buhay kaya lagi 'ko siyang inaaway at ayun naman siya, nakikipag-away sakin.

10 years na simula nung huli kaming magkita. Lumipat kasi sila sa ibang lugar at mula 'non ay hindi na kami nagkita. Masaya rin ako nun dahil wala na 'kong kaaway.

"Anong lugar na po ba 'to?" rinig kong tanong ni Floyd dun sa manong na megaphone.

"Ah? Nasa Tarlac na tayo, iho! Aba'y kung magpapabalik ka sa Manila ay hindi!" sigaw ni manong megaphone tapos nag-walkout. Napakamot ng ulo si Floyd at lumingon sakin.

Umiwas ako ng tingin sakanya at nilingon lingon ang paligid. Probinsyang probinsya ang dating niya. Puro puno 'di tulad sa Manila. Kakaunti lang ang tao dito at medyo padilim na ang langit.

"Oi" napalingon ako sa gilid ko at tinignan si Floyd na nakatingin rin sa mga puno. Ako ba kausap nito? O yung puno?

Hindi ako sumagot at hinintay 'kong sumagot yung mga puno sakaniya.

"Wala na 'kong pera" nakita 'kong lumingon siya sakin kaya lumingon na 'din ako sakanya.

"Pautang muna. Babayaran kita sa Manila"

Sinilip ko ang bag ko para tignan ang wallet ko. Halos ilabas ko na lahat ng nasa bag ko pero wala yung wallet ko. Nilingon ko si Floyd na nakatingin lang sakin.

"Umm... ano kasi. Ah... 'di ko mahanap yung wallet 'ko" sabi ko sakanya at yumuko. Pano kami uuwi nito?

Tumakbo ako paakyat sa bus na sinakyan namin kanina para hanapin kung nandun yung wallet ko.

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon