Trip #4

43 3 0
                                    

"Kim!" mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko ng marinig kong malapit na si Floyd sakin.

I'm angry. Really angry.

Kakabalik ko lang ng Manila. Me and Floyd had this 'LDR' thing na sa tingin ko eh hindi naman LDR dahil nasa iisang bansa parin naman kami! I was in Pampanga and he was in Manila.

I was roaming around the mall ng mahagilap ko si Floyd sa food court. Pupuntahan ko na sana siya ng may biglang babaeng umupo sa harapan niya at ngumiti sakanya. Medyo lumapit ako sakanila at nagtago, nakinig sa usapan.

"Come on! Ask me again" rinig kong pangugulit nung babae sakanya. Hinawakan pa neto ang braso ni Floyd at inalog-alog. I'm concluding things na pinsan niya lang yun or something.

I was about to approach them ng bigla ulit nagsalita yung girl, "Come on, ask me" ngumiti ito sakanya ng pagka-tamis tamis. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Floyd. Damn, I missed him.

Gusto kong marinig ang sagot ni Floyd kaya naghintay pa akong muli.

Ginewang gewang nung babae yung braso ni Floyd habang nakangiti padin ito at unti unti ng natatawa. Tumawa rin si Floyd, "Ok, ok" sabi ni Floyd at kinuha ang kamay nung babae.

Ilang segundo pa silang nagkatitigan. Floyd cleared his throat and said the most disgusting thing I ever heard, "Will you be my girlfriend?"

I'm angry. Really angry. Sino ba namang babae ang hindi?! So, hindi talaga siya seryoso sakin. Hah! Inaasar niya nanaman siguro ako. Like the old times. At kasalanan kong naniwala ako.

Lumayo nako sakanila ng marinig kong nagsabi ng "yes" yung babae at sabay silang nagtawanan. Damn, I'm so angry!

Lumingon ako sakanila bago pako makaliko. Nakita kong nakatingin si Floyd sakin at agad itong tumayo.

Inayos ko ang pagkaka-sukbit ng backpack ko sa likod ko at binilisan ko agad ang lakad ko.

Lumiko-liko pako para lang maiwasan si Floyd pero ilang sandali lang ay narinig 'kong tinatawag niya ako.

Lumingon ako sa likod at nakitang tumatakbo na siya papalapit sakin.

Lumiko uli ako.

Papasok sana ako sa jollibee pero mako-corner niya lang pala ako dun.

"Kim!" mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko ng marinig kong malapit na si Floyd sakin.

Nadaanan na naming dalawa ang pinakama-mahal kong national bookstore. Gusto 'kong huminto doon pero inis na inis ako dito kay Floyd.

ARGH! Bukas ko nalang babalikan ang National! Sa ngayon, kailangan ko munang iwasan 'tong Floyd na 'to. Inalis ko ang beanie ko sa ulo at tumakbo na.

Ng makita ko ang exit ay agad ako lumabas doon at agad ng sumakay ng jeep. Agad namang umalis ang jeep dahil ako lang naman ang sumakay mula sa lugar na 'yon.

I even heard Floyd calling me. I know, na kailangan ng trust mula sa isang relationship but I've heard enough. Pakisabi nalang sakanya, "Leche siya. PO!"

And how can I even trust him kung wala pang one month ang relasyon namin.

Pagkauwi ko ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. I opened my ipod then randomly picked a song. Sinaksak ko yun sa speaker sa kwarto ko.

I ponytailed my hair tapos kinuha ko na ang towel ko at dumiretso na sa cr.

Cold shower for me!

Naging ala Araneta ang banyo ko dahil bawat tugtog, eh sinasabayan ko. Tatlong beses ngang tumugtog yung "Ikaw Lamang" ng Silent Sanctuary eh.

Wonder if someone is calling me. Kapareha lang kasi 'yon ng ringtone ko kaya-- what?!

Nagmadali akong maligo para matignan kung sino yung tatlong beses na tumawag sakin.

At nanlumo ako ng makitang si Floyd pala 'yon. Ngayon lang nag-sink in sakin na nakipag-break pala ako. At ngayon ko lang naramdaman ang lungkot.

We shared plenty of fun memories. Kahit puro trabaho ang ginagawa namin sa Tarlac, ginawa namin 'yon habang nagsasaya. We even had a heart to heart talk with Manang and Manong. At kahit na may ganong pangyayari, eh hindi ko padin alam pangalan nila.

Nabalik ang kaluluwa ko ng mag-ring ulit ang phone ko. Pinabayaan ko lang siyang tumugtog at sinimulan ng magbihis.

Haaa~ ang sarap matulog kapag bagong ligo.

Kinuha ko na ang cellphone ko.

7 missed call from Floyd ♡

Bitter ako kaya binura ko na siya sa contacts ko but what's the use? Kabisado ko naman!

Nagvibrate ang phone ko at si Floyd ang nag-text.

From: +639xxxxxxxxxx

Hey. Sagutin mo naman ang tawag ko...

I was about to write my reply nung bigla ulit siyang tumawag. Napindot ko ang Accept dahil sa pagkagulat. Argh! Okay, fine. Hayaan na natin. Ni-loud speaker ko ito at nilagay sa paanan ng kama.

(Hey...) dumapa ako at hinarap ang cellphone ko. I heard him sigh.

(It's not what you think) inubob ko yung ulo ko sa kama at pinakinggan padin siya.

Nawala ang pagkainis ko kanina and I choose to listen to his explanation. Mahal ko eh.

(She's Chloe. We're just friends. I courted her years ago pero binusted niya 'ko. And we're just fooling around earlier. May boyfriend na 'yun and they love each other.) i looked at my phone na para bang si Floyd talaga ang kausap ko.

(Hey)

"Mm" tugon ko sakanya.

(We're fine, right?)

"Mm" sagot ko ulit.

Narinig ko ang buntong hininga niya na para bang nabunutan siya ng tinik, (I'll go there. Bye, I love you)

Sasagot pa sana ako ng bigla niyang pinatay. Tumayo nako sa kama ko at nagpatuyo ng buhok.

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon