Trip #7

34 3 0
                                    

"Grabe! Ang Pbb teens ng mga magulang mo!" bulyaw sakin ni Thea pagkapasok namin sa mall. Hindi ko alam ang plano ng babaeng to kaya sinundan ko nalang siya.

"May date nga daw sila ngayon. At gaya ng sabi mo, pbb teens daw muna sila ngayon" sabi ko habang pumapasok sa max's. "Sorry, gutom ako eh"

Nag-thumbs up lang ako sakanya. Umupo na kami at umorder na.

"Mabuti nalang pala at nilayas kita don"

"Mabuti nga. But I prefer home alone" ininom ang inorder naming pineapple juice.

Uminom na din siya. "I know that. Kaya nga sinama kita dito para mabwisit ka"

Inirapan ko lang siya at kinuha ang cellphone ko.

To: Floyd ♡

Happy Monthsary!

Yes, our very first monthsary. Simula nung nangyari last week, madalang na lang kami mag-usap ni Floyd. Nawala kasi ang cellphone niya kaya natagalan pa siyang bumili ng bago dahil may pinagawa pa daw ang tatay niya sakanya para sa cellphone.

"You're not listening, Kimmy" sabi ni Thea matapos takpan ang screen ng cellphone ko.

Pinatay ko na iyon. Hindi niya pa alam ang samin ni Floyd. I'll say it kapag ginanahan ako. Sa ngayon, tinatamad pako.

Nagkwento lang siya tungkol sa poging hot-boy-with-hot-dimples na nakita niya sa Baguio.

Para daw silang pinag-biyak na mansanas dahil napaka-dami daw nilang common interests. Pareho daw silang nag-crave sa strawberries habang magkausap sila.

She even blurted out that it's destiny. Mabuti nalang at natigil na siya sa pagkwento dahil dumating na yung order namin.

We ate silently.

Parang may dumaang mabagal na anghel sa harapan namin dahil pareho kaming tahimik sa buong pagkain namin.

Siya ang nagbayad ng kinain namin dahil siya naman daw ang nagyaya. Dapat lang dahil onti lang ang perang dala ko.

Pagkalabas namin sa max's eh naglakad-lakad muna kami. Bumili siya ng Dairy Queen. Siya lang. Ayoko eh.

Pumunta kami ng National. Hindi siya nakapasok dahil may pagkain siya.

Nilista ko lahat ng librong nakita kong mukhang maganda. Magpapabili ako non kay papa. Dahil binwisit niya ko sa 'bhe' niya.

Lumabas nako ng National at agad bumungad sakin si Thea. Ubos na ang DQ niya at hinila ako sa isang botique.

She scanned some clothes tapos kinukuha ang mga nagugustuhan niya. Nag-scan din ako. Lumayo ako kay Thea dahil puro taste niya yung nandon.

Nag-scan ako sa kabilang banda.

Hindi sinasadyang napalingon ako sa labas ng botique. Lumapit pako sa labas para lang makita kung siya talaga yon.

At hindi ako nagkamali. Si Floyd.

Kasama si Chloe. They're holding each others hands, smilling from ear to ear.

And looking at each other like they're the only persons in this world.

Till The Last TripTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon