Chapter 12

100 1 0
                                        

Defense

Nasa living room ako at kasalukuyang ginagawa ang thesis ko at di ko na alam kung anong mga tinatype ko dahil antok na antok na ko. Papikit na ang mata ko ng biglang pumasok si Kevin, kadadating lang from his office.

"You look like a zombie." He said at tinignan ko siya ng masama. I told you guys, okay na kame ni Kevin. Were friends na. He is a mysterious man pero madali palang pakisamahan at hanep kung mang-asar ang isang to pero kahit ganon, sobrang intimidating niya parin para saken at serious looking. CEO na CEO ang dating. Sa loob ng 2 months na magkasama kame sa iisang bahay, we can say na nagiging okay kame. Hindi na kame yung tulad ng dati na nagiiwasan, nagkakahiyaan at di nag-uusap or nagpapansinan. Maybe nasanay na rin ako.

"I hate thesis, I'm damn sleepy" i said at sinubsob ko ang ulo ko sa sofa at narinig ko ang hakbang niya palapit saken. Umupo siya sa kabilang side ng laptop at nakita kong tinignan niya ang laptop ko at biglang tumawa. Even his laughing voice is so manly. How come? Wait, he's laughing at my thesis? What the?

"Tinatawa-tawa mo diyan ha?" Tanong ko at tinaasan ko pa siya ng kilay kahit antok na antok na ko.

"You're joking Denise. You're the only student I know that will type 'I'm so sleepy that I wanna sleep and leave this thesis' and 'i hate you thesis' and 'suko na ko antok na ko' and many more on your thesis? Do you think you'll pass with these? Go up to your room and go to sleep" sabi niya habang nagpipigil pa rin ng tawa habang ako naman ay mukha na sigurong pato sa pagkaka-pout ko. Eh sa inaantok na nga kase ako kaya kung anu-ano na nata-type ko.

"I need to finish this thesis, malapit na ang reporting" Graduating ako kaya dapat matataas makuha ko or makapasa man lang. And one of my best strategies para makakuha ng mataas na grade or para makapasa is by the help of reporting.

"I'll finish this up, go Denise. If I let you do this thesis of yours you might put unecessary things and fail, so sleep now." He said at hindi na ko nag-inarte at tumaas na ko at agad akong nakatulog. The next day ay agad akong nag-prepare for school at ng bumaba ako ay naabutan kong nakain si Kevin, as usual. Agad kong naalala na pinagawa ko sa kanya yung thesis kaya nahihiya akong umupo sa harap niya.

"A-ahm Kevin... Yung ano ko pala..." Di ko maituloy ang sasabihin ko dahil bigla akong nahiya sa kanya. Lasing na lasing kase ako sa antok kagabe kaya yan pinag-gawa ko siya.

"It's done. I already finished it, it's already printed and also saved at a usb. I'll get it later, it's still in my room." He said sa isang matigas na ingles. Kahit kelan ingleserong-inglesero tong lalaking to. Hindi na ata to marunong magtagalog eh.

"Talaga? Natapos mo? Thank you!" Sabi ko at tuwang-tuwa talaga ako. Babasahin ko nalang mamaya para pag may tinanong ang prof ay may maisasagot ako. So I ate at natapos siya agad at tumaas na din para kunin ang thesis ko. Hanggang sa nasa kotse na kame at nasa tapat ng school ay tsaka niya pa lang inaabot ang thesis ko.

"Here. No need to worry, I made some guide answers if ever your professor will ask you some questions. I made a copy of your thesis saved here" he hand me a usb. "And I also print it." The he gave me a folder. Everything that I need is here. Goodness!

"Thank you!" I said at nagmadaling pumasok. Pumasok agad ako sa room at agad nireview ang ginawa ni Kevin na thesis. Halos mapanganga ako dahil sobrang ganda at paniguradong mahirap hanapan ng butas tong ginawa niyang thesis. I just need to review para sa mga questions na itatanong ng prof. Halos mangatog pa ang tuhod ko sa kaba dahil sa pagdating ng prof namen. Kada-blockmate kong nagrereport ay nahahanapan ng butas at kinakabahan ako dahil strikta ang prof namen na ito.

"Ms. Ty" agad akong tumayo at tumungo papuntang unahan at binigyan ng copy ang prof ko sa gilid at nagsimula na kong magreport. I tried my best na ngumiti para hindi masyadong halata yung kaba ko.

"Good job Ms. Ty, sobrang ganda ng pagkakagawa at pagkakareport mo sa thesis mo. I can't find something wrong from your thesis, expect to pass my subject. Class dismiss." She said and I sighed when she got out of the room. Agad naglapitan saken ang blockmates ko ang binati ako.

"Wow Denise! Congrats pasado ka na!" Sabi ni Jen.

"Grabe yung defense mo sobrang wala talagang mahahanap na mali." Sabi pa nung iba at iba-iba pang papuri ang natanggap ko hanggang sa naglabasan na kame. Agad kong kinuha ang phone ko at tinext ko ang isang taong naging dahilan for this success.

To: Kevin
Hey Kevin! Mind if we go out for dinner later? My treat! I owe you a lot. :)

-
Hey guys! Sorry for my slow update. Busy na ko, malapit na prom namen actually sa saturday na so busy talaga. Maybe fast updates na starting next week. Thanks for the support guys xoxo

This Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon