Chapter 35

80 29 0
                                    

Chapter 35


Alice POV

Nagtaka ako ng biglang tumakbo paakyat ng hagdan si Kapitan Minari. Ni hindi nya ako nilingon ng tanungin ko sya. Ano kaya yung meron sa labas?

Naupo na ako ng maayos at muling tumingin sa mga kasama ko. Gusto ko sanang tingnan kung anong meron sa labas pero  kapag tumingin ako  baka mapahamak lang ako. Hindi pa naman ako marunong makipaglaban gaya nila. Kumpara sa kanila mahina ako.  Napabuntong-hininga ako at napansin ang usok mula sa bibig ko. Malamang na dahil ito sa sobrang lamig. Niyakap ko na lang ng sarili at pumikit. Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng init sa aking dibdib. Kaagad akong dumilat at napansin na nagliliwanag ang suot kong kwintas na snowflake ang pendant.  Nakakapagtaka naman. Bakit bigla na lang  nagliwanag 'to?




Sa pagkakatanda ko nag liwanag din ito ng mapunta ako sa Rabbit Castle. Hindi ko naman alam kung paano ito titigil sa pagliwanag. Humina ang pag liwanag ng kwintas pero para naman akong hinihila nito sa kung saan. Napatayo tuloy ako ng wala sa oras at napahakbang papalayo dahil sa pwersa nitong kwintas.





"Uy Alice, saan ka ba pupunta?" Halata sa boses ni Clyde na nagtataka sya sa kilos ko.




Bago ako lumingon ako sa kanya ay hinawakan ko ang kwintas. Para naman hindi nya mahalata na hinahatak ako nitong kwintas na suot ko. Para na akong sinasakal. Ngumiti naman ako kay Clyde at kaagad na nag-isip ng palusot.





"Ahm...Pupunta lang ako sa banyo...Tama! Sa banyo nga," pagsisinungaling ko at napangiti pa ako ng alanganin.




Pinaningkitan nya ako ng mata pero kaagad din na tumango. "Sige bilisan mo lang. Pinapabantayan ka sa'kin ni kapitan." Sumenyas pa sya na umalis na ako.



Ngayon pa lang nakokonsensya na ako. Kakasabi ko lang kanina na hindi ako aalis do'n sa pwesto ko pero heto ako at nagsinungaling pa. Mukhang naghinala sa'kin si Clyde dahil nga hindi ako magaling sa pag sisinungaling. Pero ok na dahil pinayagan nya naman ako na umalis.  Sumabay ako sa diretsyon na gustong ituro nitong kwintas.   Sumilip-silip pa ako sa paligid bago tuluyang makalabas.





Napayakap ako sa sarili ng maramdaman ang labis na lamig. Grabe na talaga! Para akong nasa Antartica sa super lamig. Malabo na rin ang paligid dahil sa hamog.  Madilim pa at wala akong makita kaya dahan-dahan lang ang lakad ko. Pagdating ko sa unahang bahagi ng barko ay may nakita akong ilaw kaya naman kaagad akong lumapit. Pero nagtago kaagad ako sa mga bariles ng biglang lumingon sa'kin si Adrian. May hawak syang isang lampara na punong-puno ng mga alitap-tap kaya pala maliwanag.





Nasa tabi nya si Xylo na halatang busy. Patuloy nyang ikinukumpas ang kamay at may kung anong salita na ibinubulong. Napatingin ako sa gilid ng barko. Nanlaki ang mata ko ng makitang unti-unting lumulutang ang barko. Si Theodore rin ay tumululong kay Xylo.





"Akin na muli ang teleskopyo," utos ni kapitan Minari. Inabot naman ni Sean ang telescope.




Sumilip si Kapitan Minari sa telescope saka tumingin sa hawak nyang notebook. Paulit-ulit syang tumingin sa notebook.



"Ano kapitan? Pwede bang Daungan muna sandali ang isla na iyon?" Nasasabik na tanong ni Felip.


"Hindi ko sigurado. Pero nais ko iyong makita para naman malaman kung ano ba talaga ang isla na iyon. May nais lamang akong kumpirmahin," seryosong saad ni Kapitan Minari saka sinuot ang maliit na bag.




Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon