Chapter 18Alice POV
Kasalukuyan kami ngayong naglalakad palabas ng illusion forest. Nakatago na naman si Prinsesa Melody sa cloak na suot ko. Si Darlina naman ay nakatago lang sa bag na dala ko. Nakaupo lang sa may bag hindi sya nasa loob mismo. Ramdam ko ang takot sa kanilang dalawa. Sino ba naman ang hindi matatakot kung ganito kadilim yung lugar na dinadaanan?
Halos wala ng makita at ang lamig pa ng simoy ng hangin. Ramdam kong malamig kahit makapal na itong sout kong brown na cloak.
Nauuna namang maglakad si Theodore at nakasunod lang kami. Si Xylo naman ay chill lang sa tabi ko. Nagawa pa talaga nyang pagbasa ng libro. Ang angas talaga ng isang 'to dahil kaya nyang hindi madapa kahit na hindi nakatingin sa daanan. May hawak naman syang lampara kaya sa tingin ko kita nya naman yung libro na binabasa nya.
Panay ang lingon ko sa paligid dahil natatakot ako sa huni ng mga kakaibang hayop na narito. Mas tumayo ang mga balahibo ko ng makarinig ng mga tinig na bumubulong sa tenga ko.
"Hindi ka na makakaalis dito.."
"Mamamatay ka na..."
"Wala kang kwenta. Lagi ka namang nadadapa."
"Lampa ka ..."
"Hindi ka na makakauwi.."
"Malas ka at sobrang lampa...."
Napatakip na lang ang ng tenga dahil sa mga tinig na naririnig ko. Ang dami nilang bumubulong sa tenga ko. Parang mga bubuyog. Ang lakas ng loob manlait. Hindi ko na lang papatulan baka bawian pa nila ako.
Napahinto ako ng tumigil si ginoong Theodore sa paglalakad saka humarap sa'kin at nagsalita. "Huwag mong papansinin ang mga boses na iyong naririnig. Hindi ka dapat matakot. Kapag ipinahalata mo na natatakot ka, lalo lang silang bubulong sayo."
Tumango naman ako sa sinabi nya. Tinanggal ko na rin yung kamay ko na nakatakip sa tenga ko. Palingon-lingon pa rin ako sa paligid dahil parang may mga nakatingin sa amin. Umiling-iling na lang ako at inisip nasa illusion forest ako. Puro ilusyon lang ang nandito.
Nagpatuloy kami sa paglalakad pero may nararamdaman akong kaba sa bawat paghakbang ng aking mga paa. Hindi lang maalis sa isipan ko yung mga napapanood ko sa mga horror movies. Paano kung makita ko yun bigla rito?
Natigilan ako sa paglalakad ng biglang may humawak sa paa ko. Napapikit ako at sumisipa-sipa na ako pero mahigpit talaga yung nakahawak sa paa ko.
Dahan-dahan akong lumingon sa bandang paa ko at nakita ang isang duguang kamay. Duguang kamay ng isang babaeng sunog ang mukha.
Nanlaki ang mata ko saka malakas na sumigaw habang nakatingin pa rin sa babae.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanginginig na ako at sobrang kaba ang nararamdaman dahil sa itsura ng babae. Hindi ko mapigilan na higpitan ang pagkakakapit sa bag na dala ko. Para kasi syang nasa isang horror movie na napanood ko. Mahaba ang itim nyang buhok. Yung kutis nya naman ay nababalutan ng putik at mukha syang galing sa hukay. Sobrang sunog pa ang mukha nya na hindi na makilala. Pero mas natakot ako ng makita ang pares ng itim nyang mata.
Nalagyan na tuloy ng dugo ang paanan ng cloak ko. Lalo akong natakot ng makitang nilalapit ng babae ang ulo nya sa paa ko. Para bang gusto nyang kunin ang mga paa ko.
Napansin ko na lumapit sa akin sina Ginoong Theodore at Xylo. Nag cast ng spell si Xylo pero hindi pa rin bumitaw ang babae. Lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakakapit sa paa ko. Lalo akong nakaramdam ng takot ng higpitan ng babae ang pagkakakapit sa paa ko.
BINABASA MO ANG
Alice💠
FantasyTitle: Alice 💠 10 descriptions for Alice 1.Clumsy 2.Masiyahin 3.Clumsy 4.Madalas na nakakabangga 5.Clumsy 6.Madalas matumba 7.Clumsy 8.Masyadong Mabait 9.Lampa 10.Clumsy Napakalampa nya talaga at ang isang lampa na gaya nya ay mapupunta sa mundo n...