Chapter 41

132 27 0
                                    


Chapter 41


Alice POV

"Pasensya na sa ginawa ng aking kasama. Heto kunin mo ito bilang kapalit sa mga nabasag nya," may inabot na gold coins si Theodore doon sa Minatour na ngayon ay kumikinang na ang mga mata.

Ibinaba na ng Minatour ang kanyang kamao saka kinuha ang gold coins na nasa kamay ni Theodore. Bago pa tuluyang umalis ang Minatour ay binigyan nya ako ng masamang tingin. Hinawakan naman ni Theodore ang kamay ko saka muling naglakad. Hindi ko maiwasang tingnan ang kamay ko na hawak nya. Pakiramdam ko talaga ligtas ako sa tabi nya. Siguro dahil na rin sa ilang beses na nya akong nailigtas sa kapahamakan. Kahit kelan talaga pahamak ako.

"Pwede ba sa susunod mag iingat ka na. Mapapahamak ka sa ginagawa mo. Dapat diretso lang ang tingin sa daan at tumingin ng maayos para naman hindi ka matapilok at matumba o kaya naman makabangga ng kahit sino. Kahit kailan talaga lampa ka," panenermon nya may kasamang panlalait.

Napasimangot na lang ako dahil sa panenermon nya. Tiningnan ko naman ng masama si Xylo dahil tinatawanan nya ako. Pag ako talaga nainis kakaltukan ko sya–Ay hindi pala dapat. Di ko talaga pwedeng gawin yun. Behave dapat ako. Baka mas lalo akong masermonan ni Theodore.

Binitawan na ni Theodore ang kamay ko ng makalayo ng konti saka kami patuloy na naglakad. Nakarating kami sa isang store ng mga armas. Si Theodore lang ang pumasok sa loob kaya nag-antay lang kami ni Xylo sa labas. Naupo lang si Xylo sa gilid ng pinto habang ako naman ay nakatayo. Kapansin-pansin na maraming mga mamimili at nagsisiksikan na sila sa mga tindahan. Ang ganda ng pagkakagawa ng mga bahay dito para talaga akong nasa mga fantasy o kaya historical movies. Yung itsura ng mga bahay parang sa miedeval period. Karamihan sa mga nakatayo na bahay o tindahan ay gawa sa kahoy pero may ilan din naman na gawa sa mga bricks.



Paglingon  ko sa kaliwang banda ay nakita ko ang isang matandang babae nasa kabilang dulo sya at nasa tapat ng tindahan ng mga damit. Nakaupo lang sya at nakatingin sa'kin. Lumingon naman ako kay Xylo na nakapikit lang. Mukhang inaanok pa dahil maaaga pa kaming gumising kanina. Muli akong lumingon doon sa matanda at nakatingin pa rin sya sa'kin. Eto na naman yung pakiramdam na dapat akong lumapit. Umiling-iling ako at tumalikod muna. Pero muli akong humarap at pinagmamasdan ang matanda. Bakit gano'n? Parang tinatawag nya ako?



Hindi naman sa nag aasume pero mukha naman kasi talagang nakatingin sya sa'kin.  Pakiramdam ko talaga kailangan kong lapitan yung matanda. Dahan-dahan akong umatras at tumawid ako para lapitan sya. Patuloy kong iniwasan ang  mga namimili na naglalakad. Nang makalapit na ako ay ngumiti sya sa'kin. May suot syang mahaba at itim na damit at brown na balabal na nakalagay sa kanyang ulo.




"Binibini, maari ba akong makahingi ng tubig?" Tanong ng matandang babae. "Kanina pa kasi ako nanghihingi sa mga nilalang na narito ngunit ni isa sa kanila ay walang lumapit upang ako'y bigyan."


Kumirot naman ang puso ko dahil sa sinabi ng matanda. Nakakalungkot na walang tumulong sa kanya.  Naalala ko  tuloy sa kanya si Lola Amelia. Matanda na rin kasi si lola kaya tumutulong ako sa kanya sa paraan na hindi ako makakasagabal.




"Meron po akong tubig." Kaagad kong hinalungkat yung bag na dala ko.


Kaso wala ng laman yung lalagyan. Teka nga, kakalagay ko lang ng tubig dito bago ako umalis ng barko. Hinanda ko lahat ng mga gamit ko. Napakaimposible naman na bigla na lang nag evaporate yung tubig.


"Ahm....Pwede po ba na magantay po kayo sandali? Kukunin ko lang po sa kasama ko yung tubigan. Wala na po kasing laman yung akin." Kaagad namang tumango ang matandang babae.


Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon