Chapter 2
Alice POVMabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko nga namalayan na bakasyon na pala. Yun naman din kasi talaga yung hinahanap ng katawan ko.
Naisipan nila Lolo Jhonas at Lola Amelia na magbakasyon sa probinsya. Mabuti na din yun para malayo muna sa pollution dito sa syudad.
Inayos ko na yung mga gamit ko kagabi pa lang. Halos di nga ako nakatulog. Nae-excite na ako kasi makakakita na naman ako ng magandang tanawin at makakalanghap ng sariwang hangin.
Lalabas na sana ako ng kwarto ng mag text si Josh. Pinapapunta nya ako sa park na malapit dito sa bahay. Parang ang oa naman ata nitong si Josh. May sasabihin daw sya kaya sya makikipagkita sa akin. Pwede naman na pagkabalik ko na lang galing probinsya. Babalik pa naman ako, kami nina lolo at lola.
May Isang oras pa naman bago kami umalis kaya pumayag ako na makipag kita sa kanya. Napatingin ako sa salamin saka pinagmasdan ang sarili. Napangiti ako ng tipid ng makita ang kwintas na suot ko. Snowflake ang pendant nito at matagal ko na itong iniingatan. Ito na lang ang natitirang alaala nila.
Nag bihis ako kaagad. Isinuot ko yung isa sa mga pinaka paborito kong t-shirt. Yung sky blue na may nakaprint na pink butterfly sa gitna. Nakamaong pants at black na converse. Pagkatapos magbihis ay nilabas ko ng kwarto ang malaking bagpack na gagamitin ko. Isinuot ko rin yung black sling bag ko.
Pagkababa ay naabutan ko si lola na nag aayos ng mga gamit na dadalhin.
"Ally may pupuntahan ka ba?"tanong sa akin ni lolo na nasa pinto.
Tumango ako. "Opo. Pupuntahan ko lang po si Josh sa park. Sandali lang naman po kami maguusap." Pag papaalam ko sa kanila.
"Sige...Puntahan mo na sya. Baka nag aantay na si Josh sayo,"ngumiti pa si lola ng nakakaloko.
Luh? Anyare kay lola.
Tumingin ako sa cellphone ko kung nag message sa akin si Josh. Pero pagharap ko ay nabangga ako ng nakasarang pinto. Akala ko naman kasi nakabukas pa kaya dumiretso lang ako. Si lolo naman! Ang sakit tuloy ng noo ko dahil sa pagkakabangga.
"Wala ka pa nga sa labas ng bahay ayan at nababangga ka na,"natatawang sambit ng aking lolo.
Napasimangot tuloy ako sa sinabi ni lolo. Hindi ko naman kasi talaga nakita. Binuksan ko na yung pinto at lumingon sa kanila.
"Ahm...alis na po ako."Pinilit kong ngumiti habang minamasahe pa rin yung noo ko.
"Sige, mag-iingat ka ah. Tsaka bumalik ka kaagad para makaalis na tayo,"sabi ni lola at tumango lang ako.
Lalakarin ko lang papunta sa park dito sa Wonder village. Malapit lang naman kasi. Maganda rin na makapaglakad-lakad ako para excercise na rin.
Habang naglalakad ako ay may nakita akong mga batang masayang naglalaro. Naghahabulan sila sa gilid ng kalsada. Wala namang mga sasakyan na dumadaan. Nabaling naman ang atensyon ko sa isang batang lalaki na madumi ang damit at nakatingin lang sa mga batang masayang naglalaro. Nakahawak sya sa kanyang tyan at napapayuko.
Nakaramdam ako ng awa para sa bata. Mukhang gutom na gutom na sya. Kaagad akong nagpunta sa bakery na malapit lang sa kinauupuan ng bata. Pumili ako ng malalambot na tinapay. Dalawa ang binili ko saka lumapit sa bata.
"Hello..Ahm..Heto oh."Yumuko ako ng kaunti at inabot ko sa kanya yung paper bag na may lamang tinapay.
Tiningnan lang nya ako at nakita ko ang lungkot sa mga mata nya. Para bang mas malalim pa ang pinagdadaanan nya kaysa sa nararamdaman na gutom. Huminga ako ng malalim at naupo sa tabi ng bata. Noong una ay ayaw nyang tanggapin ang hawak ko pero nilagay ko kaagad sa kamay nya ang paper bag.
"Tanggapin mo na iyan. Alam kong nagugutom ka na,"nakangiti kong saad sa batang lalaki.
"S-salamat po.."wika ng bata na halatang nanghihina.
Nginitian ko naman sya saka tumayo at nagpatuloy sa paglalakad.
Habang naglalakad ay mas magaan sa pakiramdam. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Masarap talagang magbigay sa iba kahit sa simpleng paraan lang. Minsan kasi talaga kailangan nating magbigay sa mga nangangailangan. Ibahagi sa iba yung mga blessings na natatanggap natin. Laging sinasabi sa akin ni lola na huwag maging madamot at dapat na mag share ng blessings sa iba.
Makalipas ng ilang minuto ay nakarating na ako sa park pero wala pa din si Josh. Naka ilang text at tawag na ako sa kanya pero hindi manlang sya sumasagot o nag re-reply. Napatingin na lang tuloy ako sa marble fountain na nasa bandang harapan. May ilang mga ibon ang dumapo roon.
Pero nakakapagtaka na wala manlang kahit isang tao ngayon na naglalakad dito. Madalas kasing may mga nag jo-jogging dito ng ganitong oras. Hindi naman kasi ganoon kaaga.
Napahikab ako bigla. Maaga pala akong nagising kanina kaya medyo inaantok pa ako. Humikab akong muli at sumandal sa bench. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng kakaibang bigat.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at isang puting kisame ang bumungad saakin. Naupo ako at pinagmasdan ang buong paligid. Lahat ng mahagip ng aking mga mata ay kulay puti. Mula sa pader, sa cabinet, mga nakadisplay at pati na rin ang kama na inuupuan ko ay kulay puti. Nabaling ang atensyon ko ng nakarinig ng isang sanggol na umiiyak.
Sinundan ko ang boses ng sanggol na umiiyak at nakita ko ang isang crib. Sinilip ko ang crib at nakita ang isang napakacute na baby. Naisip ko na isang itong babae dahil naka suot ito ng puting bestida. Napangiti ako ng makita ang sanggol na tumingin sa akin at tumigil sa pag iyak. Akma ko nang bubuhatin ang sanggol ng may nauna na sa akin kaya napaatras ako.
Nasa harap ko ang isang babae. Nakatalikod sa akin ang babae ng buhatin nito ang sanggol kaya hindi ko makita ang mukha nya. Ang haba ng buhok ng babaeng ito na hanggang tuhod. Maayos itong nakatirintas at may mga puting bulaklak na nakadikit sa kanyang buhok. Dahil sa mga nakadesign na puting bulaklak ay halatang-halata ang maitim na buhok ng babae na para bang kasing itim ng uling. Kasing puti naman ng nyebe ang kanyang balat. Suot nya pa ang isang napakahabang dress na hanggang talampakan at mahaba ang manggas na maluwag sa dulo.
Humarap sa akin ang babae. Tumambad sa akin ang maganda nyang mukha. Ang labi nya ay kasing pula ng dugo. Ang mata nya naman ay kasing kulay ng tsokolate. Tinignan ako ng babae at isang ngiti ang nakita ko sa labi niya. Isang ngiti na napakasarap pagmasdan. Patuloy nitong hinehele ang sanggol na kanyang buhat.
Parang kilala ko ang babaeng ito. Pero hindi ko matandaan kung saan ko sya nakita. Tumalikod muli sa akin ang babae at nag lakad papuntang pinto at lumabas ng kwarto. Buhat nya pa din yung sanggol.
Nakalabas na ang babae sa kwarto at naiwan ako. Nag tataka pa rin ako ngayon kung bakit ako nandito sa kwarto na ito. Sino ba yung babae na iyon?
Napabalikwas ako ng pagkakasandal ng makarinig ng kaluskos. Nananaginip na naman pala ako. Napabuntong hininga na lang ako saka umayos ng upo. Patuloy lang akong nag antay kay Josh.
Palingun-lingon ako sa paligid dahil sa kaluskos na kanina ko pa naririnig. Pero habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ang tunog ng kaluskos. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba dahil sa tunog. Wala naman kasing ibang tao rito sa park.
Muli akong nakarinig ng kaluskos at mas malakas na ito kaysa sa nauna. Kaya tumayo ako at sinilip yung nasa likod ng mga puno. Naalala ko bigla may mapuno ng parte pala rito sa park. Hindi lang ako sigurado kung gubat ba ito dahil hindi ko naman iyon pinupuntahan.
Ano bang meron at kanina pa ako nakakarinig ng kaluskos?
BINABASA MO ANG
Alice💠
FantasyTitle: Alice 💠 10 descriptions for Alice 1.Clumsy 2.Masiyahin 3.Clumsy 4.Madalas na nakakabangga 5.Clumsy 6.Madalas matumba 7.Clumsy 8.Masyadong Mabait 9.Lampa 10.Clumsy Napakalampa nya talaga at ang isang lampa na gaya nya ay mapupunta sa mundo n...