Chapter 53

121 6 0
                                    

Chapter 53

Alice POV

Napagkasunduan namin na Theo na lang ang itatawag ko sa kanya. Hindi naman kasi ako sanay na Matthew yung itatawag sa kanya. Nadudulas pa rin kasi ako at Theodore yung nababanggit ko. Nasabihan ko na rin sya na hindi dapat kami madalas na magkasama kasi nga syempre baka mapagkamalan pa kaming mag jowa. Ayoko naman ng gano'n lalo na at napakarami na nyang fangirls sa school. Baka masabunutan pa ako ng mga yun. Magmula naman kasi ng magtransfer sya sa school halos sya na ang bukang bibig ng mga girls. Minsan nga kahit mga lalaki pinag uusapan din sya at kinakainggitan.



May mga time pa na inabangan si Theo sa gate dahil nga nahuhumaling na sa kanya yung mga kababaihan sa school kaya sinubukan syang patumbahin ng mga mukhang gangster. Akala naman nila di papalag si Theo eh ayaw n'un ng inaapi sya. Tsaka di naman talaga tama na daragin mo yung tao dahil nga naiinggit ka sa kanya. Wala na syang magic kaya normal human na lang si Theo at madalas na nag rant sa'kin about sa powers nya. Mas maigi pa raw kasi na ikubli nya na lang ang sarili sa mga nakapaligid sa kanya dahil hindi nya raw gusto ng atensyon na nakukuha nya. Ang dami kasi talagang inggetero sa school, sana magka character development na sila at wag umastang gangster dahil hindi bagay sa kanila.




Ayun na nga, di ko pa rin alam kung bakit wala ng magic si Theo at kung bakit pinadala sya ni Starlia para sa isang misyon. Pala isipan pa rin sakin yung mga pangyayari. Lalo na ngayon na magkasama na naman kami ni Theo sa mall na bumibili ng materials para sa project. Kakatapos lang namin gumawa ng project last week tapos sunod-sunod naman yung groupings at lagi kaming mag kagrupo.


"Siguro talagang sinasadya mo 'to no? " naiinis kong tanong kay Theo habang nakasunod sa kanya sa pag lalakad.

"Ha? May sinasabi ka ba?" Nag tataka nyang tanong kaya napabuntong hininga na lang ako at umiling.


Ganyan din sya madalas magmula ng magkita kami parang wala sa sarili. Kapag kinakausap ko minsan hindi sya nakikinig. Ayaw ko man gawin pero binabatukan ko na lang sya para matauhan. Nakakainis na kasi sya madalas. Parang wala akong kasama kasi di manlang sya naimik.

"Alam mo nag dududa pa rin  ako kung ikaw ba talaga si Theodore. " nakakunot-noo kong wika saka humalukipkip.

Lumingon naman sa'kin si Theodore at lumapit sa'kin. Sobrang lapit nya. Siguro isang dangkal na lang ang lapit nya sakin.

"Tingnan mo nga ako at sabihin mo na di ako 'to. " Ngumiti pa sya ng bahagya.

Umiwas naman ako ng tingin at umatras ng bahagya. "Kakaiba lang kasi ang kinikilos mo. Hindi na ikaw ang dating seryoso na kilala ko, minsan nag bibiro ka na tapos madalas kang nakangiti. Ang weird lang para sa'kin. "

Bumuntong hininga sya at tumawa ng sandali. " Hindi lang ikaw ang nawi-wirduhan. Kahit ako, para sa'kin weird din talaga. Pero ayoko naman kasi na malungkot sya kapag nakikita akong seryoso at mukhang lugmok. "

"Huh? Sinong sya?" Pag tataka kong tanong.

"My mom, she's been taking care of me ever since I woke up. I don't treat her as my mom at first kasi syempre di naman sya ang nakagisnan kong nanay. Kaso lang narinig ko silang nag uusap ni dad at umiiyak si mom. Kahit na hindi ako ang anak nila, gusto ko pa rin na makasama sila. Di lang talaga ako sanay na may nag aalala para sa'kin. " Napakamot pa sya ng batok habang nakangiti ng tipid.

Mabilis ko syang niyakap ng mahigpit dahil sa mga sinabi nya. Sa matagal na panahon hindi nya naranasan na may nag aalaga sa kanya kaya siguro hindi sya sanay.

Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon