Chapter 45Alice POV
Gabi na at napagpasyahan namin na ipagpatuloy ang paglalakbay. Mahirap kasi kapag sa umaga pa kami mag patuloy dahil baka makita pa kami ng mga kawal. Nanatili na muna kami sa bahay na nagagawang patubuin ni Xylo. Bale yung puno na nasa gitna ng Illusion forest, yun din yung bahay na tinulugan namin kahapon at kanina. Ang galing lang kasi kaya nyang kontrolin kung gaano kalaki at kataas yung puno na bahay nila pero hindi naman nagbabago ang itsura nito sa loob. Gano'n na gano'n pa rin.
Nasabi ko na rin pala kay Xylo yung nakita kong pulbos na ipinakalat ng babae. Iyon daw ay ang Blominación powder. Ang sabi nya sa'kin delikado raw ang pulbos na iyon dahil ipapakita nito ang mga nais mo. Halimbawa mga mahal sa buhay na matagal ng wala sa mundo, kayamanan o mga bagay na gustong gusto mong makuha. Pero pwede ring ipakita nito ang pinaka kinatatakutan mo na maaari mong ikamatay. Naisip ko rin na kaya naging gano'n ang naging asal ni Theodore ng magkaharap kami dahil talaga sa ilusyon na ipinakita ng pulbos.
Hawak namin ang mga lampara habang patuloy na binabagtas ang masukal na kagubatan. May mga naririnig akong huni ng mga kakaibang hayop at may ilang mga kakaibang insekto akong nakita. Maingat ang bawat paghakbang namin dahil baka may mga patibong sa paligid. Nasa likod namin si Theodore habang nasa harapan naman si Xylo. Medyo malayo pa kami sa Lumieré Castle dahil may isang kaharian pa kaming dadaanan pero sinabi ni Theodore na hindi na kami papasok sa loob ng Edre, ang tahanan ng mga nilalang na lupa ang kapangyarihan . Baka raw kasi naipakalat ang balita na mga kawatan kami kaya sigurado na maghihigpit sila sa pagpapapasok.
"Masaya ako na nandito ka na. Mahal kita..."
Nanlaki ang mata ko ng muling marinig 'yun sa utak ko at paulit-ulit na nag echo. Lumingon ako kay Theodore pero seryoso lang syang nakatingin sa daanan. Mariin akong napapikit at umiling-iling. Imagination ko lang iyon. Hindi naman talaga nya sinabi sa'kin ng mga bagay na iyon. Dahil lang iyon sa pulbos. Nag ha-hallucinate sya ng mga oras na iyon kaya di nya alam yung ginagawa at sinasabi nya. Tsaka dapat lang na tumigil ako sa pag iisip ng mga ganitong bagay dahil sigurado akong naririnig ni Theodore ang isipan ko. Muli akong lumingon ng bahagya kay Theodore kaya naman hindi ko napansin yung malalaking baging na nasa harapan ko na pala.
"Alice, ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Melody.
"Ahh..oo n-naman," nakangiti kong wika saka binagpag yung dark green dress na ibinigay sa akin ni Cassandra.
"Sigurado ka ba? Para kasing wala ka sa sarili mo," wika pa ni Xylo tsaka tumingin sa'kin kaya naman napakurap-kurap ako.
Napangiti ako ng alanganin bago magsalita. "Ahh..Oo naman okay lang."
"Bilisan na natin. Para matapos na ang misyon natin at ikaw naman Alice pakiusap lang tumingin ka sa dinadaanan mo," seryosong wika ni Theodore tsaka kami muling naglakad.
Sa paglalakad ay narating namin ang isang ilog. Tatawid na sana kami kaso tumigil si Xylo at sumenyas sya na huminto muna kami. Nagtago naman kami sa likod ng puno saka ako dahan-dahang sumilip. Napakurap ako ng makita ang tatlong cyclops. Malalaki ang kanilang mga katawan at patuloy lang silang lumulundag sa ilog. Para silang mga bata na naglalaro sa tubig. Dahil sa pagtalon nila ay nakakagawa sila ng malalaking splash.
"Ako ang pinakamataas lumundag!" Sigaw ng cyclops.
"Anong ikaw? Ako kaya!" Sabi pa ng isa.
"Sa ating tatlo ako ang pinaka mataas lumundag!" Tawa pa ng isa.
Dahil sa cyclops na tumatawa ay nagalit yung dalawa pang cyclops at dinambahan ito. Mas lalo silang nakagawa ng malaking splash sa tubig. Mas nagulat ako sa sumunod na nangyari dahil hinagis nila sa ere yung cyclops na tumatawa kanina. Bumagsak yung cyclops sa puno na pinagtataguan ni Xylo. Kaya naman hinanap ng paningin ko si Xylo pati na rin si Melody kasi sa pagkakatanda ko magkatabi silang dalawa. Nakaupo lang sya sa gilid ng natumbang puno. Dahan-dahan pa syang umatras pero nanlaki ang mata ko ng tumingin yung cyclops na bumagsak sa puno at kunin sya. Gusto ko sana syang lapitan pero pinigilan ako ni Theodore. Umiling-iling sya sa akin. Oo nga pala, kahit pa lumapit ako ay wala rin naman akong magagawa para matulugan si Xylo. Napakagat na lang ako ng ibabang labi. Puro na lang talaga kamalasan ang dala ko. Nakakainis!
BINABASA MO ANG
Alice💠
FantasyTitle: Alice 💠 10 descriptions for Alice 1.Clumsy 2.Masiyahin 3.Clumsy 4.Madalas na nakakabangga 5.Clumsy 6.Madalas matumba 7.Clumsy 8.Masyadong Mabait 9.Lampa 10.Clumsy Napakalampa nya talaga at ang isang lampa na gaya nya ay mapupunta sa mundo n...