Chapter 26

120 37 0
                                    

Chapter 26

Alice POV

Nakaupo kami ngayon sa isang mesa na gawa sa kahoy. Dalawa ang mesa na narito na sa tingin ko ay pang waluhan.  Nasa bandang kaliwa na mesa kami at katabi ko si Xylo sa bandang kanan habang nasa kaliwa ko naman nakaupo si Melody. Si Darlina naman ayaw nyang lumabas ng kwarto mukhang natatakot pa rin sya dahil mga pirata ang kasama namin.



Yung babae palang nakita namin kagabi ang kapitan ng barko na maghahatid sa amin sa Amare. Kapitan Minari ang pangalan nya at may  mga kasamahan sya pero hindi ko pa nakikilala.







Pinagmasdan ko ang paligid dahil kakaiba sa pakiramdam na makasakay sa barko ng mga pirata. Cream ang kulay ng mga pader at may parihabang hugis na bintana sa may harapan namin banda. Kaya kitang-kita ang kalmadong dagat. Nakakarelax ang naman kapag ganito.




Namangha talaga ako sa pagpasok namin kagabi sa loob nitong barko. Kasi sa labas mukha na itong lumang barko. Itim ang mga kahoy at hugis swan ang unahan ng barko. Pagpumasok naman sa loob ay akala mo isang hotel at napakalinis. Halos makita mo na yung repleksyon mo sa sahig.



Pakiramdam ko ay pirata na rin ako dahil sinuot ko yung damit pang-pirata na nakalagay sa puting aparador sa kwarto namin. Isinuot ko kasi yung  puting polo na nakatack-in sa kulay brown na pants at pares ng makapal na boats.  Mas komportable naman ako na suot ito kaysa sa dress. Nakatirintas ang buhok ko na nakahawi sa kaliwa kong balikat at nilagyan pa ni Darlina ng berdeng bulaklak na disenyo sa bandang kanan ng ulo ko.





Muli akong lumingon sa gilid kung saan nakaupo si Xylo. Sa isang iglap ay nasa tabi na nya si ginoong Theodore. Ang bilis naman naman nya. Para syang hangin sa bilis kung kumilos. Hindi ko rin sya nakita kanina. Hindi naman kasi namin sya kasabay na magpunta dito sa hapag-kainan.




Nagulat naman ako ng biglang kumalabog yung pinto. Napalingon kami sa pinto at nakita yung tatlong lalaki na nag-uunahan na pumasok. Dahil sabay-sabay sila ay hindi na sila magkasya sa pinto.



"Uy ano ba paunahin mo naman ako!" Sigaw ng lalaking nakaitim.

"Bakit ikaw? Ikaw kaya yung pinaka maliit sa atin. Tsaka gurang ka na dapat kami na mga bata yung pinapauna mo," sambit ng isang lalaki na dark blue yung buhok.


"Tama tama! Dapat kami ang mauna!" sigaw  naman ng lalaking nasa gitna na ang lalim ng boses at orange yung buhok.


"Aba kayong dalawa pinagtutulungan nyo ko!" Sigaw na naman ng lalaking nakaitim.



Umatras  yung lalaking dark blue yung buhok kaya natumba yung dalawang kasama nya. Mabilis syang tumakbo papunta sa kanang lamesa. Sinundan naman sya ng dalawa saka nagbangayan ulit. Sa totoo lang ang iingay talaga nila.


Biglang hinampas ni ginoong Theodore yung lamesa kaya naman nagulat ulit ako. Parehas kami ni Xylo at Melody na halos mapatalon. Napahawak pa ako sa dibdib ko. Ang lakas kasi talaga ng paghampas ni ginoong Theodore sa lamesa buti na lang hindi nasira.





"Manahimik nga kayo riyan," madiin na wika ni ginoong Theodore saka binigyan ng nakamamatay na tingin yung tatlong lalaki sa kabilang lamesa.


Nanahimik naman silang tatlo at kaagad na umayos ng upo. Mukhang natakot talaga sila kay ginoong Theodore. Kung sa bagay, nakakatakot naman kasi talaga ang presensya nya.



"Magandang umaga," nakangiting wika ni Kapitan Minari na kakarating lang saka sya naupo sya sa harap namin.



"May ginawa na naman bang kalokohan ang mga bata na iyan?" Walang ganang tanong ni Kapitan Minari saka itinuro yung mga nag uunahan sa pinto kanina.



Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon