Chapter 3

189 65 19
                                    

Chapter 3

Alice POV

Sinisilip yung likod ng puno para malaman kung ano ba yung kanina ko na naririnig na kaluskos. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang grey na pusa lang pala. Mabilis naman na tumakbo ang pusa papalayo. Pero bigla akong kinilabutan ng maramdaman na parang may kung ano na nakatingin sa akin at  nasa likod ko.

Napalunok ako saka dahan-dahang humarap. Nanlaki ang mata ko ng makita ang dalawang lobo na naglalakihan ang ngipin. Mayroon silang itim na balahibo at pulang nanlilisik na mga mata na nakatutok lang sa akin.

Dahan-dahan silang lumalapit sa akin habang ako ay umaatras. Hindi ko na magawa pang sumigaw. Para bang nanuyo ang lalamunan ko. Umiiling-iling na lang ako. Baka naman panaginip lang 'to. Sana isa lang 'to sa mga weird kong panaginip. Kinurot ko pa yung braso ko pero nakaramdam ako ng sakit.  Oh no! This is not a dream!

Hindi inaalis ng dalawang lobo ang nanlilisik na mata nila sa akin. Nilingon ko ang mga punong sinisilip ko kanina. Mukhang wala na akong choice kundi ang pasukin ang gubat na ito kung gubat nga. Mabilis na lumapit sa akin yung dalawang lobo kaya naman bumwelo ako saka tumakbo ng mabilis.

Tumakbo lang ako ng tumakbo. Ngayon ko lang napatunayan na gubat nga ang nasa gilid ng park. Grabe! Kakaiba sa pakiramdam ang gubat na 'to kasi madilim dahil sa mga naglalakihang puno na tinatakpan ang sinag ng araw.

Mabilis ang takbo nang dalawang lobo kaya naman mas lalo ko ng binilisan ang takbo. Ayokong lapain ako ng dalawang lobo na yun. Patuloy lang ako sa pagtakbo. Diretso lang ang tingin sa harapan. Hindi na ako muling lumingon pa. Natatakot ako na kapag lumingon akong muli ay biglang dambahan ako ng dalawang lobo na humahabol saakin.

Sa pagtakbo ay sumabit ang sling bag ko. Naku! bakit ba kasi ngayon pa sumabit ito?! Pinipilit kong maalis yung sling bag ko sa pagkakasabit pero ayaw talagang mataggal. Dahil ayaw kong maabutan ng mga lobo kaya iniwan ko na lang ang sling bag ko na nasabit sa maliit pero makapal  na sanga ng puno.

Patuloy lang ako sa pag takbo. Lumiliko-liko ako sa mga puno. Nagbabakasakaling mailigaw ko ang mga lobo na humahabol saakin. Ng tuluyan kong maramdaman na wala nang lobo na nakasunod sa akin ay lumingon na ako sa likuran ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala na yung dalawang lobo na humahabol sa akin. Sana nga wala yung mga lobo na gusto akong lapain.

Dahil sa sobrang pagod ay tumigil na ako sa pagtakbo at napahawak  sa malaking puno  saka huminga ng palalim para pakalmahin ang sarili. Grabe! Ang layo na rin ang natakbo ko. Ngayon ko lang nalaman na fast runner pala ako. Sumali na kaya ako sa mga running competitions? Ay wag na lang pala baka madapa lang ako kahit hindi pa nag uumpisa sa pagtakbo .

Maya maya pa ay  nakarinig na naman ako ng kaluskos. Kaya na naman kaagad akong naging  alerto. Mahirap na baka yan na naman yung mga lobo kanina na gusto akong lapain. Lumingon-lingon ako sa paligid. Ng sumilip ako sa likurang bahagi ng puno ay napanatag ang loob ko ng makitang rabbit lang pala. Napakaputi ng balahibo ng rabbit na yun na para bang nyebe. Lumilitaw ang kulay puti nyang balahibo sa madilim na paligid. Pero may kakaiba sa rabbit na yun. Dahil nakasuot sya ng golden tiara at pink na skirt. Siguro kasi princess sya?

Hindi ko alam pero sinundan ko yung rabbit. May kung ano sa loob ko na gustong sundan ang rabbit. Ang bilis ng takbo nang rabbit. Kaya tumakbo rin ako ng mabilis para makasabay sa kanya. Sa pagtakbo ay napansin ko na parang nag iba ang paligid. Mula sa  masukal na gubat ay nakikita ko na ang nagtataasang mga bushes. Sa tingin ko ay isa itong bush labyrinth. Ganito yung itsura ng mga napapanood ko sa movie. Medyo ang creepy lang dahil walang ibang tao ang nandito.

Patuloy pa rin ako sa pag sunod sa rabbit. Ang dami nyang nililikuan pero hindi ko inaalis ang mata sa kanya. Dahil nakatutok lang ang tingin ko sa rabbit ay hindi ko pansin yung   nakaharang na ugat ng puno. Nadapa na naman tuloy ako. Agad akong tumayo para sundan ulit yung rabbit pero bigla syang nawala sa paningin ko.

Iniisip kong papaano ako makakalabas sa lugar na ito. Tumingala ako at nakita ang kulay lilang kalangitan. Pagabi na ba? Parang umaga lang kanina ah. Umiling-iling na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.


Sa ilang minutong paglalakad ay dinala ako ng aking mga paa sa dulo ng labyrinth at bumungad sa akin ang isang napakalaking puno. Kakaiba ang kulay ng dahon ng puno na ito. Dahil ang mga dahon nito ay kulay pink na parang isang sakura tree.

Napalingon ako sa likod at nakita ang labyrinth. Napailing ako. Ayoko ng bumalik doon kahit pa alam ko na hindi ito ang daan pauwi. Siguradong hinahanap na ako ng mga lobo kanina kung babalik pa ako. Malakas pa naman ang pang amoy ng mga lobo base sa mga nababasa kong libro. Sana lang talaga di ako maabutan ng mga lobo na yun dito.

Napabuntong hininga na lang ako saka napaupo sa ilalim ng puno. Nakakapagod na ang pagtakbo at kanina pa ako palakad lakad. Minasahe ko ng dahan-dahan ang paa ko dahil sumasakit na.

Napapikit ako dahil sa kulay rosas na dahon na nahulog sa mukha ko. Pinagmasdan ko  ang mga nahuhulog na dahon sa puno. Napangiti ako dahil sa ganda. Ang cute kasi ng mga pink na dahon na nahuhulog. Panandalian nitong napawi ang pagod na nararamdaman ko.

Gusto kong ipikit ang mata ko at matulog pero naalala ko yung mga humahabol sa akin. Ayoko naman na  lapain lang ako ng mga lobo na yun. Naalala ko na naman yung nanlilisik nilang mga mata sa akin na para bang gusto na akong kainin ng buo. Napahawak ako sa ulo ko dahil hindi ko na alam ang gagawin. Alam ko na nag aalala na sa akin sina lolo at lola. Pero hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Tumayo ako at sinilip ang paligid.  Natigilan naman ako ng makita ko ang napakalaking butas sa likod ng puno. Kasya siguro ang isang tao kapag nahulog sa butas na iyon.


Kumuha ako ng bato at hinulog sa butas para malaman kung gaano ito kalalim. Nag antay ako na tumunog ang bato na hinulog ko pero halos ilang oras na akong nag aantay at wala pa rin na  natunog. Siguro nga napakalalim ng butas na ito.

Muli akong tumingala at ganoon pa rin ang kulay ng kalangitan. Kulay lila pa rin parang hindi nagbago. 

Muli akong tumingin sa butas. Lumapit ako ng kaunti at sinilip ko ito. Napakadilim nito na halos hindi mo na makita ang nasa ilalim. Dapat ay aatras ako pero na out-balance ako at tuluyang nahulog sa butas. Ngayon alam ko na talaga na kasya ang isang tao dahil nag kasya ako sa butas na ito.

Napapikit na lang ako at sumigaw ng malakas. Alam kong wala na akong magagawa dahil tuluyan na akong nahulog sa butas. Nakakaiyak naman itong nangyayari sa akin ngayon. Para bang aalis na yung puso ko sa sobrang kaba dahil sa mga naiisip ko na pwedeng mangyari sa akin.

Bigla kong naisip  na baka may matutulis na bagay sa pinaka ilalalim ng butas at yun ang maging dahilan ng makawala ko sa mundong ibabaw. O di naman kaya may mga nilalang na nag aantay lang sa ilalim at inaantay ako para lapain. Hala! ayoko pang Mamatay!


Umiling-iling na lang ako at itinigil ang pag iisip ng mga bagay na maaaring mangyari sa akin sa dulo ng butas. Umaasa ako na mabubuhay pa ako. Nag aantay pa sina lolo at lola sa akin. May bakasyon pa kami sa probinsiya.




Dahan-dahan akong napadilat ng may maramdaman akong lumulutang sa tabi ko. Nakita ko ang mga  na kandila pumapalibot saakin. Kahit papaano dahil sa ilaw ay lumiwanag ang paligid.

Nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng isang dolphin at isang unggoy na nag lalaro ng Chess. Teka?! Ano ba itong mga nakikita ko. Nag ha- hallucinate na ata ako. Kinusot ko pa ang mga mata para makasiguro sa nakikita ko pero hindi talaga sila nawawala. Seryosong-seryoso sila sa paglalaro. Nakatuon lang ang atensyon ng dophin at unggoy sa paglalaro ng chess.

Napaiwas naman ako ng makita ang mga musical instruments na nagliliparan papunta sa direksyon ko. Habang nahuhulog sa butas ay kung anu-anong kakaibang bagay ang nakita ko hanggang sa umalis na yung mga kandila na nakapalibot sa akin. Kaya muling dumilim ang paligid.

Napatingin ako sa bandang paanan ko at nakita na parang may liwanag doon. Siguro ito na ang dulo ng butas. Lalo akong kinabahan dahil sa maaari kong makita sa dulo.

Napapikit akong muli habang nararamdaman ang kaba sa aking dibdib. Napayakap pa ako sasarili habang patuloy na bumabagsak.

Ng maramdaman ng sahig ay dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata para makita ang paligid. Pero nagtaka ako kasi naman.

Bakit parang baliktad ang lahat?
















Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon