Chapter 46

146 22 0
                                    

Chapter 46

Alice POV

Marahan kong iminulat ang aking mga mata at nakita ang isang batang nakaupo malapit sa bintana. Nakasuot sya ng kulay puting bestida. Nilibot ko ang paningin lahat ng makita ng aking paningin ay kulay puti. Mula sa kama, sa cabinet sa mesa at mga dingding. Bigla kong naalala yung panaginip ko dati bago pa ako makarating sa Tierra Magica. Yung panaginip na nakita ko yung babaeng malasnow white. Ito yung kwarto na iyon. Lalapit sana ako sa batang babae na nakatalikod sa akin ng may magsalita mula sa likod ko.

"Prinsesa, narinig kong nag uusap ang mga tagapagsilbi kakain na daw po kayo,"wika nya saka ako nilagpasan.

"Ayoko kumain wala akong gana," malungkot na saad ng batang babae.

Nasa harapan ko lang yung batang mukhang lobo. Hindi nga lang ako sure kung lobo nga talaga sya. Nakasuot sya ng kung anong balat ng hayop at may puti syang tenga at buntot . Maikli rin ang brown nyang buhok na hanggang balikat. Nakapaa lang sya at may mga suot syang mga kakaibang bracelet. Hindi ko makita ng maayos yung mukha nya kaya mas lalo akong lumapit. Mukhang hindi naman nila ako nakita o napapansin dahil sigurado ako na ipapadakip nila ako sa mga kawal nila dahil nandito ako sa kwarto ng walang pahintulot.

Habang nandito ako sa gilid ng batang lobo ay napansin ko na may nakabaliktad na tatsulok sa magkabila nyang pisngi malapit sa ilalim ng mga mata nya. Kulay lila ang mga ito kaya naman mukha syang maangas tingnan. Napansin ko rin ang kulay dilaw nyang mga mata. Para bang nakita ko na ang mga mata na iyon noon. Pero di ko na matandaan. Baka naman sa mga movie ko lang nakita. Nakakawili kasi manood ng mga vampires at werewoves na movies.

Ngumiti lang sya at umiling-iling. "Magugutom ka ng husto at manghihina ka kung hindi ka kakain."

Hindi manlang sya pinansin ng batang babae. Patuloy lang syang nakatingin sa bintana. Lumapit na sa kanya ang batang lobo na sa tingin ko ay magkasing edad lang silang dalawa. Niyakap ng batang lobo yung batang babae na nakaputing bestida. Itim ang kanyang buhok na hanggang siko at may pulang laso pa sa nakalagay sa kanyang ulo. Hinaplos naman ng batang lobo ang buhok ng batang babae saka ko lang napansin na unti-unting lumalabo ang lahat



Sa muling pagdilat ay ibang lugar ang nadatnan ko.  Sa tingin ko nasa loob ako ng isang tent na gawa sa makapal na tela. Nakahiga naman ako sa banig. May nakalagay pa saaking damit na mukhang galing ba sa balat ng hayop. Napahawak naman ako sa ulo ko na kumikirot sa sakit. Hindi ko na matandaan kung anong nangyari. Wala rito sina Melody ganoon din si Darlina. May nakabalot pala na tela sa ulo ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko napapanaginipan yun.




"Gising ka na pala," wika ng babaeng  kakapasok lang dito sa tent.

"Teka, nasaan ako?" Tanong ko sa babae.


"Nasa parteng Erde ka. Ang lugar na ito ang tirahan ng Duvesshia Tribe. Matagal na panahon na rin kaming naninirahan sa parteng ito ng Erde pero hindi iyon alam ng karamihan." Paliwanag nya.

Oo nga pala, wala rito ang mga kasama ko. "Nasaan na ang mga kasama ko?"

"Huwag kang mag alala. Nagamot na ang mga sugat nila. Maayos ang kalagayan nila ngayon." Lumapit sa akin yung babae at mas lalo kong nakita ang mukha nya.

Kulay orange ang kanyang mga mata at may matalim din syang pangil. Yung mukha nya ay may mga kakaibang itim na marka pati sa braso at paa nya.  May kulay itim din syang  tenga at buntot. Kapag tinitingnan ko sya para talaga syang taong lobo. Nakasuot sya ng kung anong balat ng hayop pati sa bandang paa nya may nakabalot na balat ng hayop. Patuloy nyang pinapahiran ng kung anong dahon ang noo ko. Medyo masakit kaya napapaatras ako.

Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon