Chapter 13

138 46 0
                                    


Chapter 13

Alice POV

Puro na lang talaga kamalasan ang dala ko. Nakakainis! Nadamay ko pa sa Prinsesa Melody sa kamalasan ko.

Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha na nagbabadya ng pumatak. Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi para pigilan sa pagpatak ang mga luha. Hindi dapat ako mawalan ng pag asa kaso hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayokong mamatay sa ganitong paraan. Gusto ko pang makita sina lolo at lola.


"Uy Alice..."Tawag sa akin ni prinsesa Melody.


Pero hindi ako lumingon sa kanya. Ayokong makita nya na umiiyak lang ako. Kasalanan ko naman din kasi itong nangyayari.


"M-may paparating ulit!"Sigaw nya sa akin at halata sa boses nya ang panghihina.


Huminga ako ng malalim at umiling-iling. Hindi dapat ako nag da-drama ng ganito. Makakabalik ako! Tiwala lang talaga!



Tumingin na ako sa ibaba at nag-aantay kung meron ngang dadating.



Maya maya ay may dumating na isa pang lalaki na nagbabasa ng libro habang nag lalakad.







"Tulong!"Sabay na sigaw namin ni prinsesa Melody.




Tumigil yung lalaki sa paglalakad at lumingon-lingon pa sa paligid nya.



"N-nandito kami sa taas!" Kahit nanghihina ay pinilit kong sumigaw.


Kaagad naman na tumingala ang lalaki at nagulat ng makita kami. Kinusot nya pa ang mata nya. Heto na naman. Akala nya siguro ilusyon lang kami.


"T-totoo kami. Kaya pakisusap tulong!" Sigaw ni Prinsesa Melody.

"Sige, sandali lang ah!"Sigaw ng lalaki saka may nilabas na isa pang libro sa kanyang bag at kaagad itong binuklat.






"Obstringere!"

May sinabi syang salita na di ko ma-gets saka nya iwinasiwas ang mga kanyang kamay.



Lalong humigpit yung kapit ng baging kaya napasigaw kami ni prinsesa Melody. Napapapikit ako kasi parang babaliin na yung mga braso ko sa sobrang higpit.


"Hala! Maling spell ata yun. Sandali lang!"Natatarantang sambit ng lalaki saka nya nilipat sa ibang page yung libro na hawak nya.








"Aufer Colligationem!" Malakas na sigaw ng lalaki.

Sa pagkakataong ito ay kumalas na yung pagkakapulupot ng banging sa  aming dalawa ni Prinsesa Melody. Kaso mas lalo akong nakaramdam ng kaba ng maalalang mataas pala ang kinalalagyan namin ni Prinsesa Melody.



"Ahhhh!"Malakas na sigaw namin ni Prinsesa Melody dahil unti-unti na kaming nahuhulog pababa.


Nakita kong natatarantang tumakbo ang lalaki sa direksyon namin. Malapit na talaga kaming mahulog sa lupa kaya naman napapikit ako at tinakip ko pa ang dalawa kong kamay sa aking mukha . Dumadagundong na ang puso ko at inihahanda ang sarili na mahulog sa matigas na lupa. Mukhang mababalian pa ako bago makabalik sa amin.


Maya-maya pa ay kinalabit ako ni Melody. Dahan-dahan kong tinanggal ang mga kamay na nakatakip sa mukha ko at tumingin ako sa inuupuan ko. Nakita yung lalaking nagligtas sa amin. Naku! Inuupuan ko na pala sya!




"Ay sorry po," dahan-dahan akong umalis sa likod nya at nag bow ng paulit-ulit.



"Ayos lamang iyon," nakangiting wika ng lalaki saka tumayo at pinagpag ang kanyang damit.


Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon