Chapter 36

94 30 0
                                    

Chapter 36


Alice POV

Ilang sandali pa ang nakalipas ay nakarating na kami sa dalampasigan. Binuhat ako ni Theodore papunta sa puting buhanginan dahil masyadong malamig ang tubig kapag tumapak ko. Sa isang iglap ay nakarating na kaagad kami ni Theodore sa buhanginan. Yung pag takbo nya mas mabilis pa sa cheetah. Hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa kanya.

Lahat ng mahagip ng aking paningin ay kulay puti dahil sa nyebe. Ang mga nagtataasang puno at kahit pa ang buhangin na nandito ay nahaluan na ng nyebe. Wala akong nakikitang kahit anong nilalang sa paligid o ibon na lumilipad. Sobrang tahimik lang ng lahat. Sa aming paglalakad ay narating namin ang mga kabahayan. Nababalot ng makapal na hamog ang paligid na nagmumuka ng makakapal na ulap. Hindi na namin masydong makita ang paligid kaya itinaas pa namin lalo ang mga dala naming lampara.  Natigilan naman kami ng makita ang  istatwa na isang anyo ng tao. Lumapit doon si Sean at kinatok ito ng paulit-ulit.

"Kapitan, mukhang matagal nang nakaukit ng estatwang ito," patuloy na pinagmasdan ni Sean ang istatwa.

"Mukhang hindi yan estatwa," wika ni Theodore saka umabante.

Inangat ni Theodore ang kanyang kamay at ito'y iwinasiwas na parang isang pamaypay. Dahil sa ginawa nya ay unti-unting nawala ang hamog na nakabalot sa paligid. Sa pagkawala ng hamog ay mas lalo naming nakita ang kabuuan ng paligid.

"Hindi lamang basta estatwa ang mga nasa paligid. Sila ang mga nakatira sa islang ito. Ito na nga ang nawawalang isla," wika ni Kapitan Minari habang nakangiti at pinagmamasdan ang paligid.

"Nakasisiguro ka ba dyan kapitan?" Tanong ni Wilfred habang pinagmamasdan pa rin ang paligid.

"Ganitong-ganito ang nakasaad sa librong hawak ko. Nakasisiguro ako na ito na nga ang islang sinasabi rito sa libro. Isang islang nababalot ng yelo na bigla na lamang susulpot sa karagatan. Ang islang ito ang nais na makita ni ama ngunit hindi nya na nagawa pa. Mabuti at nakita ko ito. Halika, libutin natin ang paligid at baka may mahanap tayo." Nilahad ni Kapitan Minari ang kanyang palad sa harap ko kaya naman inabot ko iyon at patuloy na naglakad.

Pumasok kami sa loob ng pinakamalapit na bahay sa pwesto namin kanina. Kinuha ni Wilfred at Sean ang mga gamit na maari pang mapakinabangan. May mga ginto, pilak at mga alahas pa na mukhang mamahalin ang nasa loob ng  magarang bahay na napasok namin.  Kami naman ni Theodore ay nagtingin-tingin lang. Sinabi kasi ni Theodore na baka mas masira ko pa ang mga gamit kung ipapahawak sa'kin. Grabe talaga!


Sa paglabas ng bahay ay sumalubong sa amin ang isang napakagandang karwahe. Ito ay kulay itim na may mga puting crystal na disenyo. May dalawang puti na unicorn din ang humihila rito. Nasabi ko na unicorn dahil  may isang sungay ito sa bandang noo. Napatulala pa nga ako dahil mula pagkabata ay gusto ko ng makakita ng unicorn. Hindi ko inaasahan na makakita ng mga ganito. Pero dapat lang na masanay ako dahil mundo ito ng mahika. Siguradong mas maraming mga kakaibang nilalang na makikita.

Nagbalik ako sa wisyo ng umabante sina Sean at Wilfred para protektahan kami kung sakaling may sumugod bigla mula sa karwahe. Nakakapagtaka lang dahil wala kaming nakitang kahit sino rito tapos biglang may sasalubong sa amin na karwahe.

Nakangiting tumingin sa amin ang kotsero at itinaas pa ang kanyang itim na sobrero. "Maligayang pagdating sa isla ng Crystales."


"Kahina-hinala naman ang lalaking iyan," bulong ni Sean habang sinasamaan ng tingin ang lalaki. "Sa tingin ko kapitan kailangan na nating umalis," dagdag pa nya.

Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon