Alice POV
Tatlong araw na ang nakalipas magmula ng manatili kami rito sa Duvesshia tribe. Nakakatuwa silang kasama at tanggap nila kami rito. Hindi kami kaagad umalis dahil nabalitaan na ibang mga taga rito na pinapahanap ng kami ng mga kawal. May mga nakikita rin ako na nagpapatrolya na mga kawal sa himpapawid tuwing umaga. Nakasakay sila sa isang malaking agila na may paa ng buwaya. Nakakatakot pa ang huni ng mga agila na iyon kaya nagtatago ang mga batang lobo na nandito. Mabuti na lang talaga at hindi kami nakikita dahil sa invisible spell na nakabalot sa lugar.
Nakipagkwentuhan na ako kay Topaz habang narito pa kami. Masaya naman syang kasama pero kapag tumitingin ako sa mga mata nya parang may kalungkutan syang nararamdaman. Basta kapag nakatingin ako sa kanya kahit nakangiti sya parang hindi naman gano'n. Masaya sya kung tingnan pero kabaliktaran yung nakikita ko sa mga mata nya dahil ang lungkot nito. Tapos nakita ko pa na sigawan sya ng ilan nyang katribo. Gusto ko sana syang yakapin pero lumalayo lang sya sa'kin. Hindi ko na sya nakita kaninang tanghalian at walang nakakaalam kung nasaan sya.
Ngayon naman ay nasa tent na kami at inaayos ko na yung gamit ko. Nagpalit uli kasi ako ng damit. Kulay brown na ang suot kong dress at binigyan pa ako ng makapal na coat na gawa sa balat ng mabangis na hayop dito. Habang nag aayos ay hindi maalis sa isipan ko ang kalagayan ni Topaz.
"Nakailang-buntong hininga ka na Alice. Ano na naman ba ang problema?" Tanong ni Melody na nag anyong taong lobo.
Kulay puti ang tenga pati na rin ng buntot nya at katulad ng mga narito ay may suot syang na balat ng hayop. Tumingin sya sa akin at hinawakan ang balikat ko.
"Nag aalala kasi ako kay Topaz. Para kasing may problema sya. Kakaiba lang kasi ang mga mata nya parang malungkot kahit na nakangiti sya." Muli ko na namang naalala yung kapag nagkakausap kami.
Napaisip na rin si Melody. "Baka dahil sa kakaiba sya. Di ba nasisigawan sya rito?"
"Iyon din ang naisip ko. Baka kaya sya malungkot dahil sa mga katribo nya. Iba kasi ang pakikitungo sa kanya." Mas lalo na tuloy akong nag alala.
Lumipad naman si Darlina sa mukha ko. "Kung ganon nga kailangan natin syang kausapin."
"Gusto ko nga rin sana pero wala sya rito. Kanina ko pa sya hinahanap pero walang nakakita kung saan sya nagpunta." Wala rin namang makapagsabi kung nasaan sya.
May biglang pumasok sa tent namin at iyon ay ang apo ni Blanca ang pinaka matanda sa tribo. Madalas kasing natutulog si Blanca kaya hindi kaagad kami nakapagpakilala sa kanila pero sinabihan kami ni Elde na nais daw akong makilala ng kanyang lola. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang importante.
Kaagad naman akong lumabas at susundan na sana si Elde pero napansin ko si Topaz na may dalang makapal na lubid. Lumingon-lingon sya sa paligid at saka tumakbo. Sinundan ko naman sya papunta sa masukal na gubat. Hindi ako sigurado sa kung ano ang balak nyang gawin pero mabigat ng pakiramdam ko. Parang may hindi magandang mangyayari.
Ilang minuto syang tumatakbo at nakasunod lang ako sa kanya. Huminto sya sa isang malaking puno. Napakalaki ng katawan ng puno at napakataas. Nagtago lang ko sa maliit na puno at patuloy na nakasilip. Napansin ko na umakyat si Topaz sa itaas ng puno at kinabit yung makapal na lubid na dala nya. Nabaling naman ang atensyon ko ng mapansin ang mga kalansay ng mga kakaibang nilalang sa ilalim ng puno at may mga nakasabit din sa puno. Nanlaki ang mata ko ng magets ang gagawin ni Topaz. Mabilis akong tumakbo para makalapit at sumigaw.
"Teka! Wag mong gagawin yan!" Malakas kong sigaw mukhang nagulat naman si Topaz sa bigla kong pagsulpot kaya naman nabitawan nya ang hawak na lubid at naout balance sya at tuluyang nahulog sa puno. Mabilis naman akong lumapit at inalalayan syang maupo.
BINABASA MO ANG
Alice💠
FantasiTitle: Alice 💠 10 descriptions for Alice 1.Clumsy 2.Masiyahin 3.Clumsy 4.Madalas na nakakabangga 5.Clumsy 6.Madalas matumba 7.Clumsy 8.Masyadong Mabait 9.Lampa 10.Clumsy Napakalampa nya talaga at ang isang lampa na gaya nya ay mapupunta sa mundo n...