Chapter 12

144 50 0
                                    


Chapter 12




Alice POV

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng mga alulong ng lobo.

"Ahhh!"Malakas na sigaw ni Prinsesa Melody saka yumakap sa paa ko.

Lalo akong nakaramdam ng natakot na pasukin ang gubat dahil sa nakakatakot nitong itsura. Pero kailangan ko talagang pumunta dahil gusto ko ng umuwi. Kailangan naming makita si ginoong Theodore. Kung sino man sya.

"I-ikaw na ang mauna Alice,"natatakot na sambit ni Melody. Saka ako pilit na itinutulak para mauna.

Pumikit ako sandali at huminga ng malalim. Inisip kong nag aalala na sila lola saakin. Inisip ko rin na magiging ok lang ang lahat. Makakabalik ako sa amin. Basta ang kailangan ko lang gawin ngayon ay pasukin ang gubat na ito tapos bahala na yung maghahatid sa akin. Muli kong idinilat ang aking mata saka ihinakbang ang aking mga paa.

Bago pa tuluyang maihakbang ang paa sa kagubatan ay muli akong sumulyap sa karatula. Napansin ko na may bahid ito ng dugo. Napalunok ako bigla. Paano kaya kung may mga lobo nga sa loob ng gubat na ito? o kaya naman ay mas malala pa sa lobo? Mas mabangis pa na hayop. Umiling-iling na lang ako. Hindi dapat ako nag iisip ng mga ganitong bagay.

Ekis yan ekis. Think positive dapat. Tsaka ang sabi nga illusion forest ito ang lahat ng makikita sa kagubatang ito ay ilusyon lang. Kaya kung mag iisip ako ng mga bagay na nakakatakot ay baka yun na nga ang makita namin nitong si Prinsesa Melody na halatang takot na takot.

Muli akong humakbang at tuluyan na kaming nakalayo sa liwanag.

Lalo akong napakapit sa bag na dala ko. Kahit pa makapal na ang cloak na suot ko ay ramdam ko pa rin ang malamig na simoy ng hangin.

Hinayaan ko na lang si Melody na nakakapit lang sa binti ko. Bale nasa loob sya ng cloak na suot ko pero kita nya pa rin naman ang dinadanan namin.

Habang naglalakad kami ay nararamdaman kong may mga mapupulang mata ang nakatingin sa amin. Hindi ko na lang pinansin kasi nasa illusion forest nga kami.

Mas nakakapanindig-balahibo ang mga hiyaw na naririnig namin habang naglalakad. Mga humihingi ng tulong, may naririnig akong umiiyak, may mga huni ng mga nakakatakot na hayop at kung anu-ano pa. Lalong kumakabog yung puso ko sa mga naririnig dahil para silang totoo.





Umiling-iling na lang ulit ako at itinuon ang sarili sa paglalakad.


Maya-maya pa ay nakita kong naglabasan na yung mga lobo sa pinag tataguan nila kaya naman napaatras ako. Lalo pang kumapit si Melody sa paa ko.




Yung totoo? mga nag aadik ba yung mga lobo na yan? Ang pupula naman kasi ng mga mata nila.



Lumingon ako sa likuran at may umalulong pang mga lobo. Hala! Mukhang nag tatawag pa ng mga katropa nya para pagfiestahan kami.





Dahan-dahan silang lumalapit kaya naman nataranta ako sa isipan. Mukhang gutom na gutom ang mga lobo na 'to.




"A-alice anong gagawin natin?"Natatakot na tanong ni Prinsesa Melody. Nanginginig na rin ang mga kamay nyang nakakapit sa binti ko.




Hindi ko alam kung tama ba 'tong gagawin ko pero susubukan ko lang naman. Kaagad kong binuhat si Prinsesa Melody saka umatras ng kaunti. Huminga muna ako ng malalim saka tumakbo ng mabilis.




Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero natalunan ko yung isang malaking lobo na nakaharang sa daanan.




Nakayakap lang ng mahigpit sa akin si Prinsesa Melody habang natakbo ako. Mukha ngang runner na ako ngayon. Akalain mo yun ang bilis ko talagang tumakbo. Ganoon talaga siguro kapag nasa life or death situation ka na.





Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon