Chapter 57Alice POV
Tahimik naman ng paligid namin makalipas ng ilang araw. Wala na akong nararamdaman na kakaiba at hindi ko na rin napapansin na nakatingin sa'kin yung mga kaschoolmates namin. Siguro nakalimutan na nila yung nangyari na pagkabangga namin ni Ms. Venus. Pero kagaya nga ng sinabi sa'min ni Theo, hindi dapat kami mag pakampante dahil baka muling bumalik yung mga nagtangka akong saktan at idamay pa pati si Shai. Sinabihan kami ni Theo na kahit tahimik ang mga nangyayari ay dapat na maging alerto kami lalo pa at hindi naman mga wizard o witch ang maaari naming makalaban ngayon. Nag aalala rin naman ako para sa kaligtasan namin dahil nabanggit ni Theo na baka mga kaaway ng kanyang ama sa negosyo ang mga may balak na manakit sa'kin at baka lahat pa kami ay saktan nila.
Isa kasi sa mga malalaking companya ng wine ang Dionysus Vineyard na pag mamay ari ng ama ni Theo. Hindi nakapag tataka na marami talagang ibang kompanya ang nais itong pabagsakin.
Iba talaga ang nagagawa ng inggit sa mga tao. Nakakagawa ng mga bagay na hindi tama dahil dito.
"Miss McGarden ito na po yung order mo, " nakangiting wika ng waitress saka inabot sa'kin yung iced coffee at slice ng lemon cake .
Inabot din kay Xylo at Shai yung mga order nila. Kaming tatlo lang ngayon ni Shai at Xylo dahil may ibang gagawin pa raw si Theo kaya nauna na syang umuwi. Napaisip tuloy ako kung ano ba yung mga gagawin nya. Nitong mga nakaraan kasi parang napapadalas yung mga gawain nya at di namin sya nakakasama.
Nasa isang cafe kami na malapit lang sa school. Niyaya lang kami bigla ni Shai kasi nag ca-crave daw sya sa strawberry short cake kaya eto sinamahan na namin sya.
Nag kukwentuhan lang kami sa mga bagay bagay. Nakaupo malapit sa bintana si Shai at nasa tapat nya ako habang katabi nya naman si Xylo. Nag tatawanan kami ng biglang may babaeng sumulpot sa may gilid ko. Nagulat kami sa kanya kasi naman nahulog nya yung hawak nyang map at nang lingunin ko ay nakatakip sa kanyang bibig habang nakatulala kay Xylo.
"Anak! " Malakas nyang sigaw saka lumapit at niyakap ng mahigpit si Xylo.
Gulat na ekspresyon ang makikita sa mukha ni Xylo habang nakayakap sa kanya yung babae na mga nasa late 40's na.
Nagkatinginan pa kami ni Shai saka muling ibinalik ang tingin kay Xylo at doon sa babaeng nakayakap sa kanya. Umiling-iling si Xylo at tinapik ang balikat ng babae.
"Ahm...ahh...Sorry po, pero sino ka po?" Nagtatakang tanong ni Xylo doon sa babae.
Panay ang punas ng babae sa mga luha na patuloy na umaagos sa kanyang pisngi. Huminga sya ng malalim saka muling tumingin muli kay Xylo. Mag sasalita pa sana yung babae pero kaagad na lumapit yung lalaking manager ng cafe.
"I'm so sorry, ma'am and sir kung ginugulo kayo nitong janitress namin," nag bow pa sa'min yung manager at hinila ng marahan yung babae papalayo.
"Teka lang, please... Gusto kitang makausap. Mamaya after ng shift ko, " lumuluhang sambit ng babae.
Kagaya nga ng pakiusap ng babae ay inantay namin sya. Mga tatlong oras din kaming nag aantay hanggang sa muli syang lumapit sa'min.
Habang nakaupo sa tabi ko ay ramdam na ramdam ko ang pananabik na parang isang ina na gustong mag kwento sa kanyang anak ng magandang balita. Nandito kami ngayon sa park malapit sa bahay namin. Ang sama na kasi ng tingin ng manager sa kanya kaya naisip ko na ilayo na muna sya sa cafe.
Nag kwento sya tungkol sa mga bagay bagay gaya ng paboritong place ng anak nya itong park, na madalas silang narito at kung ano ano pa.
Tumikhim muna si Xylo bago mag salita. "Sorry po, pero hindi po ako ang anak mo. "
BINABASA MO ANG
Alice💠
FantasyTitle: Alice 💠 10 descriptions for Alice 1.Clumsy 2.Masiyahin 3.Clumsy 4.Madalas na nakakabangga 5.Clumsy 6.Madalas matumba 7.Clumsy 8.Masyadong Mabait 9.Lampa 10.Clumsy Napakalampa nya talaga at ang isang lampa na gaya nya ay mapupunta sa mundo n...