Chapter 55
Alice POV"Wala kaming pakialam! Kung okay lang yun sa kanila pwes, sa'min, hindi! " Malakas na sigaw ng maikli ang buhok saka may inilabas sa kanyang bag.
Nilabas nya sa kanyang bag ang isang malaking suklay na kulay pink at nang hilahin nya ang ibabang parte nito ay nanlaki ang mata ko dahil isa pala itong kutsilyo. Napaatras ako ng bahagya tsaka iniharang ang sarili kay Shai. Ayokong madamay sya dito.
Nakangiti pa rin ang babaeng maikli ang buhok at hinagis sa'kin ang kutsilyo na hawak nya. Napakabilis ng pangyayari pero para bang bumagal ang lahat at nakita ko ang galaw ng kutsilyo at kaagad akong nakaiwas. Ang mga babaeng nasa harapan namin ngayon ay mag kasalubong na ang kilay at halatang iiritang-irita dahil sa ginawa ko.
Tsk! Ang dami pa naman nila, di ko naman kaya ng ako lang. Napalunok ako at patuloy na namumuo ang butil ng pawis sa'king noo. Sa totoo lang di ko na alam ang gagawin ko. Nakakapit naman sa'kin si Shai at halatang nag aalala na sya. May mga nilabas pa na patalim ang mga babaeng nasa harapan namin at akma na sanang lalapit nang makaramdam ng mainit na enerhiya sa aking dibdib. Inilabas ko ang snowflake pendant at nag bi-blink ito na tila ba Christmas lights.
Unti-unting lumiwanag ang pendant at kahit ako ay napapikit. Mabilis kong niyakap si Shaina na nakakapit sa'kin. Teka lang, parang nangyari na rin ito noong nasa Tierra Magica pa kami. Noong panahon na nagising namin ang mga Golem. Nakakasilaw na liwanag din ang nakita ko noon, ganitong ganito.
Bigla kaming nakarinig ng kalabog at saka lang nawala ang liwanag na mula sa pendant ko. Napakabilis lang ng pagliwanag ng pendant ko pero pakiramdam ko ay matagal itong umilaw at hinigop ang lakas ko. Kahit nanghihina ay kaagad akong tumayo at pinagmasdan ang paligid. Nakahandusay na sa sahig ang mga babaeng gusto akong saktan kanina.
"Buhay pa ba sila?" tanong ni Shaina saka mahinang sinipa yung paa noong babaeng maikli ang buhok.
"Mukhang buhay pa naman sila. Humihinga pa oh, " napansin ko na tumataas at bumababa yung bangs na nakaharang sa mukha ng babaeng nakapigil tail.
"Tara na, umalis na tayo bago pa sila magising. " Mabilis kong kinuha yung bag ko at itinago rin yung pendant sa suot kong uniform.
Pagkadating sa may gate ay nakita namin si Xylo at Theo. Maraming mga babae ang nakapaligid sa kanila at malamang na kung anu-ano ang tinatanong. Marami ring mga estudyante ang umuuwi na at napapatingin sa dalawang gwapong nag aantay sa gate.
Kumaway si Shai at nakita naman kami kaagad ni Xylo kaya kinawayan din kami. Inawat na ng mga bodyguards ni Theo yung mga babaeng nakapaligid sa kanila saka kami sumakay sa kotse. May groupings na naman at kaming apat ang mag kakagrupo. Sa pag kakatanda ko si Xylo lang yung kagrupo ko noong nag bilang para sa groupings pero sinabi ni ma'am na kaming apat na raw yung mag kakagrupo. As usual, gumawa na naman ng paraan si Theo para mag kakasama kaming apat.
Papunta pala kami ngayon sa bahay nila Theo. Natalo kasi sya sa maiba taya kaya sa bahay kami ni Theo gagawa ng business proposal. Dahil ABM ang strand namin, mostly business related talaga ang mga pinapagawa sa'min. Minsan naman pinapasayaw kami sa PE and may swimming lessons din which is nahihirapan talaga ako. Naalala ko rin pala na never pa akong nakapunta sa bahay ni Theo kaya nae-excite ako na makita ang bahay nila.
Mag katabi kami ni Shai sa may back seat habang mag katabi sina Theo at Xylo sa harapan namin. Yung driver naman ay yung isa sa mga bodyguard nya and as usual may ilan pang mga kotse ang nakasunod sa'min.
Medyo malayo pala ang bahay nila sa Wonder Village kaya pala hindi na gusto ni Theo na sa bahay nila kami gumawa pero dahil malakas kami sa kanya ay pumayag na sya. Ngayon ko lang narealize na kaya naman pala laging sa bahay namin sya nag aaya na gumawa ng projects kasi ang layo ng bahay nya. Pero habang bumabyahe ay napaka aliwalas naman ng paligid at talagang nakakarelax.
BINABASA MO ANG
Alice💠
FantasyTitle: Alice 💠 10 descriptions for Alice 1.Clumsy 2.Masiyahin 3.Clumsy 4.Madalas na nakakabangga 5.Clumsy 6.Madalas matumba 7.Clumsy 8.Masyadong Mabait 9.Lampa 10.Clumsy Napakalampa nya talaga at ang isang lampa na gaya nya ay mapupunta sa mundo n...