Chapter 30: My Captain

1.7K 15 10
                                    

CHAPTER 30

DENISE’S POV

Ang agad naman na hinanap ng mga mata ko ay si Captain. Nagkakagulo na ang mga tao sa Araneta. Umaapaw na ang mga tao. Ayun na nga, hindi ko na nagamit yung ticket ko.

Hindi ko naman siya maitext dahil nga naiwan ko yung phone ko. Marami pa ring studyante, particularly Thomasians, ang nag-aabang sa players. Pero, pinapaalis na nga sila ng guard dun dahil naiipon yung tao.

Naisip kong magtanong nalang sa guard kung saan na ba lalabas ang players, kasi parang puro Atenista lang lumalabas e.

“Kuya, san po ba lalabas players ng UST?” tanong ko,

“Nako, hindi ko rin alam e. Pero try mo dun sa carpark, andun kasi nag-aantay mga bus nila.”

“Ah, san po yun?”

“Kanan ka lang diyan, tapos dere-deretso, sa dulo, kanan uli. Makikita mo na yung carpark.”

“Salamat po.”

Ginawa ko lang yung sinabi ng guard. Kala ko nga maliligaw pa ako kase, parang hindi naman ako patungong carpark. Pero, nakita ko rin eventually. Pagdating ko dun, andoon na yung ibang fans ng Tigers. Pero walang nag-iimikan. As in, ang tahimik ng atmosphere. Nakita ko na sina Kevin, Aljon at Kim. Hindi maipinta ang mga mukha nila. Ayoko namang sabihing, “Okay lang kayo?” Kase, malamang hindi. Tinititigan lang rin sila ng fans nila, na tila apektadong apektado rin.

I looked for Captain, pero wala siya. Siguro nasa loob pa yun.

I decided to approach the Tigers.

“Kevin.” Tawag ko.

Lumingon lang siya. Nginitian ko siya and he half-smiled. Yung napipilitang ngiti kumbaga.Pero naiintindihan ko naman siya.

I mouthed the words, Si Fort?

At tinuro lang ni Kevin ang carpark, meaning nasa loob nga.

Unti-unti ng dumadami ang taong nakapaligid sa carpark.Picture doon, picture diyan. May mga Thomasian pa ngang nagpapapicture sa kabilang team. Oh well.

Nakita ko si Louis na nag-aantay rin. Kinawayan ko lang siya at ngumiti naman siya.

“Sabay sa inyo si Jeric?” tanong ko kay Louis.

“Hindi e.”

Kapansin pansin na ang daming dalang pagkain ni Louis. May Mary Grace, Napoleones, JCo.. At naka-address yun lahat kay Jeric Fortuna.

Ilang minuto pa ay naghiyawan at nagkumpulan na yung mga babae sa tabi ko. Tiningnan ko kung ano yung pinagkaguluhan nila..

Si Jeric Fortuna, lumabas na.

Nakangiti pa ring lumabas si Captain despite of their loss. Ang daming nagpapapicture. Ang daming humahabol. Ang daming tao ang nakapaligid sa kanya. At ayoko na rin makipagsabayan dun. For sure, hindi rin ako makikita ni Captain.

Sinabi ko sa sarili ko na, uuwi nalang ako. Itetext ko siya. My sincerest apologies. Ayoko na makipagsabayan sakanila, sobrang pagod na rin ako at hindi ko na kaya.

I walked passed the UST bus, at biglang may humablot sa kamay ko.

Si Kim.

“Sabay ka na, tara.” Sabi niya.

“Ha?”

“Nako, yang mukha mo di na rin maipinta. Daig mo pa kaming natalo eh.”

Hindi na ako makasagot. Bilib naman ako dito kay Kim. Nararamdaman pa pagod ko. Psychic lang?

Chasing the Unplanned LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon