Chapter 25: Second Chance

1.8K 12 6
                                    

Chapter 25

DENISE’S POV

Unti-unti kong binuksan ang mata ko. Narealize ko na nakatulog na pala ako after I tweeted Alex. Tiningnan ko yung orasan, it’s just 3 :00 in the morning. Kaya naman pala ang dilim pa. Tiningnan ko yung phone ko.

WALA PA RING TEXT SI CAPTAIN.

Parang binagsakan ako ng langit ang lupa kakatingin sa phone ko. Yung feeling na nag-aantay ka na bigla nalang na may mag-pop na message from Captain. Yung message na sasabihing miss ka na niya. Yung message na sasabihin niyang hindi niya rin ako matiis, pero wala.

Kulang nalang i-flood ko na siya ng messages, pero nakakapagod rin pala noh? Sabi nga it takes two to tango, at talagang wala kaming mapapala dito kung ayaw rin niya ako makausap.

Matutunaw na yung ceiling namin kakatitig ko dun kase hindi ko na alam gagawin. Gising pa kaya yun? Baka hindi na. Hello, sino ba namang gising pa ng 3:00 am? Iniisip rin kaya niya ako? Hay.

Natatakot rin akong mag-make ng move. Baka naman kasi, pag kinulit ko siya mainis siya. Tapos pag nagalit or nainis naman ako, e di mas malala pa. Okay, itutulog ko na nga lang to.

I finally woke up at 6:00 am. Mamaya pa namang 8:00 ang pasok ko. Pero hindi ko talaga feel ang pumasok. Sobrang nakakatamad. Ngayon ko nalang uli to naramdaman since nagkakilala kami ni Captain. Tapos ngayon, hindi kami naguusap.

Sumakay na ako ng jeep, at bumaba sa kanto ng Laong Laan at Lacson. Nakakainis naman tong jeep, hindi pa lumiko ng Lacson, ang haba haba tuloy ng lalakarin ko. I walked silently at sinilip ko ang phone ko, wala pa ring text. Ang sarap na itapon ng phone ko, wala namang katext.

Ano na ba Denise? Itetext ko na ba? Ang lutang ko talaga ngayon. Kulang nalang mabangga ako sa mga poste sa daan. Sa sobrang bagal ko maglakad, naunahan na ko nung mga nasa likod ko. Pero infairness, meron ring ka-pace ko lang maglakad. Tiningnan ko siya, nacurious ako bat babagal bagal rin siya eh. Siyempre di ko pinahalata, sinilip ko lang saglit, then I found out si Captain pala yun.

Hindi niya ata ako nakita eh. Deretso lang ang tingin niya. Tatawagin ko ba siya? O tapos, pag tinawag ko siya, anong mangyayari?

Unti-unti ng namumukhaan ng mga studyante na si Jeric Fortuna siya. Nginingitian niya lang lahat ng mga nakakasalubong niya. So, ano ako dito, invisible?

Pero...

Sige na nga, tatawagin ko na nga.

“Fort.” Sabi ko.

It is very unusual na tawagin ko siyang ganoon. Bakit ba yun sinabi ko? For formality sake.

Lumingon naman siya ng nakangiti.

Okay, nakakatunaw yung ngiti niya. Nakakahawa pa.

“Uhhh.. hi. Goodmorning. Ingat ka.” Sabi ko. Ang labo nung mga salitang lumabas sa bibig ko. Pagkatapos kong sabihin yun, bigla kong binilisan yung lakad at inunahan na siya. Hindi ko na uli siya nilingon.

When I arrived sa classroom, wala pang prof. That’s a good thing, kala ko malelate ako eh.

“Nakita ko si Fort, Denise!!” Sigaw sakin ni Ana.

Tumango lang ako.

“Magreact ka naman, girl.” Sabi ni Ella.

“Uhm, ano gusto niyo sabihin ko?” I asked sarcastically.

“Taray. Di ka ba niya susunduin mamaya?” sagot ni Taj.

“Hindi. Ewan. Malabo eh.”

“Yung mga ganyang sagot, alam ko yan. Anong nangyare?” singit ni Ana.

Chasing the Unplanned LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon