CHAPTER 26
Ang tagal ng biyahe namin papuntang Paranaque, hindi ko alam kung marami lang talagang sasakyan or mabagal lang talaga tong magdrive. Peace tayo, Captain.
“Sure ka talagang magsstay ako sainyo?” tanong ko sakanya.
“Oo naman, ayaw mo ba? Sabihin mo lang.”
“Hindi naman sa ganon, e kasi hindi naman ako prepared. Hindi man lang ako nainform.”
“Okay lang yan, kailangan rin ng mag-aalaga kay Sam.”
“Ay grabe. Yaya pala hanap mo eh.”
“Joke lang, eto naman! Ang gandang yaya naman oh.”
Nagtatawanan lang kami buong biyahe at nag-aasaran. Sobrang traffic na kasi rush hour na rin. Daldal ng daldal si Captain at kung ano-anong kinekwento, I do try my best na sumagot sa kanya baka naman kase magtampo. Oo jan, ngiti diyan. Pero hindi ko na kaya, inaantok na ako. Ayun, natuluyan, nakatulog na rin ako.
Naramdaman kong may humalik sa buhok ko at naalimpungatan ako.
“We’re here.” Bulong niya sakin.
The next thing I knew, nasa bahay na niya kami. Grabe, ang laki rin pala ng bahay nila. Ibang klase. Nginitian ko lang siya pero at the same time bigla akong kinabahan. Ano naman kayang sasabihin sakin ng family niya? Baka naman gusto nila athlete rin para sakanya.
Tiningnan ko yung orasan, at 10pm na rin pala. Sana tulog na mga tao diyan sa loob. I’m not really ready for interrogations right now. Naglakad na kami papasok ng bahay nila, at may nagbukas ng pinto na lalaki.
“Aynako, ang tagal mo naman, kanina ka pa hinahanap ni Sam.” Isang lalaki ang bumugad sa amin. And if I am not mistaken, kapatid niya si Captain, magkamukha sila eh.
Nagulat tuloy yung guy na may kasama si Jeric na girl kaya biglang naglie-low yung boses.
“Louis, si Denise nga pala. Denise, si Louis, kapatid ko.” Sabi samin ni Captain.
“Hi.” Sabi ko. Nginitian niya ako na hindi ko maintindihan tapos tiningnan niya si Jeric. Nagbungguan pa sila na parang nag-aasaran. Ang cute nila.
Hinatid na ako ni Fort sa guestroom nila at inabutan ng mga damit, kumot at towel.
“Thanks.” Sabi ko.
“Magsabi ka lang kung anong kailangan mo ah. Feel at home.” Sabi niya sa akin.
“Sige, asan nga pala Mama at Papa mo? E si Sam? Diba may isa ka pang kapatid?”
“Si Miguel?” sabi niya.
“Ayun, oo.”
“Baka nakakulong sa kwarto, nagcocomputer. Si Sam, tulog na ata. Si Mama at Papa, baka nasa kwarto na rin.”
“Baka naman magulat silang andito ako ah.”
“Dibale, sasabihan ko po. :)”
“Salamat dito ah. Tulog ka na.” Sabi ko.
“Okay ka lang diyan?”
“Grabe ka naman, malaki na ako. Kaya ko sarili ko. Hahaha.”
“Hindi mo man lang ba tatanungin kung okay lang din ba ako?” pang-aasar niya.
“Wag na, malaki ka na rin. :)”
“Grabe naman! Sakit! Pwede dito muna ako?”
“Bahay mo naman to eh.”
BINABASA MO ANG
Chasing the Unplanned Love
Fanfiction"Love is not always about compromise, sometimes it's a complete surprise." A story about falling in love, getting hurt and falling in love all over again.
