Chapter 3 - Destiny

2.6K 17 0
                                    

CHAPTER 3

“HA? Sinakay ka niya sa kotse niya?!” Sigaw ni Ana.

“Shhhh! Kailangan talaga pinapangalandakan?!” sabi ko.

“Hellloooooo, Jeric Fortuna yun girl. JERIC FORTUNAAAA!!” sabi ni Taj.

Kung makapagpanic naman tong mga to. Hindi pa rin naman sakin nagsisink in na sumakay ako sa kotse niya.

“O siya, tara na nga.”

Para akong nasa hotseat buong araw dahil sa pang-gigisa nila sa tanong. Di ko na nga sinasagot yung iba eh.

“Sino ba yung dalawang kasama ni Fort nun?” tanong ko.

“Si Kim Lo at Aljon Mariano yun, o ano, mabango ba sasakyan ni Fort?” Sabi ni Ella.

Kala ko pa naman maiiba ko na yung topic..

“Denise!” May sumigaw ng pangalan ko. Lumingon ako para makita kung sino iyon.

Kumaway si Aljon sakin. Wait, paano naman niya nalaman pangalan ko? E ni hindi nga kami nagkausap nun. Yun pala kasunod niya si Fort.

Tumigil ako. At kinilig nanaman mga kaibigan ko.

“Hi Kim!” Sabi ni Ella.

Grabe girls. Ibang klase kayo.

Nag-hi naman si Kim.

“Uy, Aljon. Bakit? At, pano mo nga pala nalaman pangalan ko?” sabi ko.

“E kung paulit ulit ba namang lumalabas sa bibig ni Fort pangalan mo e.”

Siniko siya palihim ni Fort ng nakangiti.

“Ay, oo nga pala. Si Ella, Ana, Mitch, at Taj. Mga kaibigan ko.”

“Hiiiii!” Sabay sabay nilang sabi na nagbablush.

“May gagawin ka ba mamaya?” Tanong ni Kim sakin.

“Uh, wala naman. Pero hanggang 4 pa klase ko.”

“Ahhhhh.” Yan nalang sabi niya.

“O sige, mauna na kami ah.” Sabi ko.

“Huyyy, wag muna.” Bulong ni Taj.

Nagpaalam na ko at naglakad na papalayo. Sumunod naman mga kaibigan ko.

“Bat naman tayo umalis kaagad?” Nagtampo si Ella.

Wala na akong maisagot. Totoo, nakakailang talaga minsan. Lahat nakatingin sainyo.

Hindi ko man lang narinig magsalita si Fort kanina. Pero buti nalang ngumiti siya, okay na.

Ano ba tong mga pinagsasasabi ko? Wala akong gusto sakanya. Wala, wala, wala. Wala nga ba?

Tuwang tuwa ako nang sumapit na ang alas-kwatro. Lumabas na ako ng building dahil gusto ko na umuwi. Paglabas ko, may nakita akong sasakyan na nakaparada malapit sa building naming. Naalala ko, parang sasakyan yun ni Fort.

Dere-deretso lamang ako, nang pagkalagpas ko dun sa sasakyan, biglang narinig kong bumukas yung pinto.

Si Fort ba yun? Okay, feelingera. Bat ka naman niya susundan? Sabi lang naman niya sayo babawi siya nung nabangga ka niya. O, nakabawi na siya. Case closed.

Nagpatuloy akong maglakad, nang may biglang humawak sa balikat ko.

Napatigil ako at lumingon.

Si Fort nga.

Chasing the Unplanned LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon