Chapter 5
Naglakad na kami papalayo sa Q Pav. Ang dami na namang nakatingin samin. Nakiusap ako, na huwag niya muna hawakan kamay ko dahil ayoko pa makuyog ng fans niya. Darating rin ang tamang panahon para dun. He’s very considerate naman of that.
Habang naglalakad kami, sari-saring bulungan na ang naririnig ko. Hindi ko nalang ito pinapansin. Tiningnan ko si Captain, pero parang wala lang rin siya. Nakangiti lang siya habang naglalakad. Sabagay, sanay na siya.
Habang bumabiyahe kame, nagtanong ako sakanya.
“Buti di ka naiilang na lagi ka nilang pinagbubulungan?”
“Hindi naman, nasanay nalang siguro. Naiilang ka ba?”
“Medyo. Pero, hayaan mo na.”
“Ops, wag magseselos.”
“Hala, hindi nga. Nagtanong lang eh.” Tumawa nalang kami pareho.
“Goodnight Captain.” Sabi ko pagkatapos niya ako pagbuksan ng pinto.
“Goodnight. Bukas ah, wag ka mawawala.”
“Yes sir!”
UST won by 5 points against NU. At, totoo palang sobrang saya ng crowd every game. Lahat nagsisigawan at naghihiyawan na kala mo wala ng bukas. Syempre ako rin, napapahiyaw. Dun ko narealize na, ang dami pala talagang nagkakandarapa kay Captain. Well, medyo nabother ako dun, pero, gaya nga ng sabi niya, walang dapat ikaselos.
Nilapitan ako ni Fort after ng game, at tumabi sa akin.
“Congrats! The screams were all worth it!” sabi ko sakanya.
“Chineer mo ba ako?”
“Uhhhhhhm. Hahaha. Ofcourse. Kaya nga kayo nanalo e.” I bragged.
Ngumiti nalang siya at kinausap mga kaibigan ko sa tabi ko.
“Pwede bang mahiram muna tong kaibigan niyo?”
“Uh, o sige Captain. Congrats pala! Galing niyo.” Sabi ni Taj.
“Thanks. Galing niyo magsupport eh.” Sabi niya sakanila.
Mga linyang ganyan nga naman. Jeric Fortuna na Jeric Fortuna. Hinawakan nya ang kamay ko, at lumabas na kami ng Arena. May second game pa kase, kaya sinusulit nung iba yung ticket nila.
Pagkalabas naming ng arena, nakasalubong naming si Jeric Teng.
“Uy, bro. Di ka man lang nagpapakilala.” Sabi ni Teng sakanya.
Tumawa si Fort at sinabi, “Denise, Jeric. Jeric, Denise.” Okay ang awkward at pareho silang Jeric. And whoaaah, ang tangkad niya. Grabe. Nginitian ko si Teng and he seems really nice. At mukhang close talaga ang buong team.
“Sige, una na ko bro.” Sabi ni Teng.
“O sige, ingat.” Sagot ni Fort.
Kasunod ni Jeric Teng, nakita ko naman si Jeron Teng.
“Diba taga- lasalle yun?” tanong ko kay Fort kasi wala namang game ang DLSU ngayon e.
“Oo, si Jeron. Kapatid ni Jeric.” Matipid niyang sagot sa akin.
“Uy paps!” Sigaw ni Jeron kay Fort.
“Uy! Musta?”
Habang papalapit si Jeron sa amin, tsaka ko lang napansin na may babae siyang kasama. I analyzed her, hindi naman nila kamukha so probably not her sister. So, baka kaibigan. Syempre, ayoko naman agad mag-conclude. Then, seconds later, Jeron pulled her nearer and held her waist. No way, di niya yun kaibigan.
BINABASA MO ANG
Chasing the Unplanned Love
Fanfiction"Love is not always about compromise, sometimes it's a complete surprise." A story about falling in love, getting hurt and falling in love all over again.
