Chapter 1 - Not a fan

3.9K 21 3
                                    

CHAPTER 1

“Go USTe, Go USTe, Go USTe.. Go, go go!”

Iyan na lamang ang laging bungad sa unang araw ng PE. Medyo masaya nga naman kasi feel na feel mong Tomasino ka. Pero, dahil iyan lang ang alam mong cheer, nga nga ka nalang sa mga ibang cheer.

Marahil yung iba, kabisadong kabisado yung mga cheer naming. Siguro sadyang loyal lang talaga sila sa UST. Ako naman kasi walang kaalam-alam sa mga ganyan. I entered UST, at oo alam kong kasali kami sa UAAP, pero hanggang dun lang. Oo na, siguro ang boring nga ng buhay ko.

Ako nga pala si Denise.

Ako iyong tipo ng taong tahimik, pero you could go along with. Minsan lang talaga, wala akong pakealam sa mga bagay na di naman nakakaapekto sa akin—tulad nalang ng UAAP.

Oo, bukambibig ngayon sa school ang UST Growling Tigers. And I really don’t know why. Syempre, iba’t ibang kwento nalang naririnig ko, pero papasok at lalabas lang sa tenga ko. I hear some names like Teng, Fortuna.. pero by that ko lang sila kilala. Hindi ko maiaassociate mga pangalan nila sa mukha nila.

Nagkakagulo ang buong block naming kapag may game, at problemadong problemado kung pano kukuha ng ticket sa mga game. They even stalk the players’ profile, and I find it weird sometimes. Natatawa nalang ako, kase kulang nalang magka-subject kaming UAAP at mai-uno nila iyon. At for sure, baka mai-singko ko naman.

“Uy, may kilala ka bang nagbebenta pa ng ticket? Gusto ko talaga manood e.” Tanong sakin ni Sarah.

“Sarah naman, ako pa ang tinanong mo. Kita mong wala akong kaalam-alam sa ganyan e.” Ang sagot ko naman.

“Try mo kasi manood. Huling huli ka na sa balita. Para ka naming hindi Tomasino eh.” Sabi ni Sarah.

Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Sarah. May punto nga naman siya, parte ng pagiging Tomasino ang pagsuporta sa aming mga atleta, pero gets? Ano namang mangyayari sa buhay ko pag nagkandarapa at sinuportahan ko sila?

Lunes na naman.

Nakakatamad pumasok—estudyante rin naman akong tinatamad.

“Saan tayo kakain?” sabi ni Ana.

“Kahit saan.” Sabi ko naman.

Lagi na lamang ganito ang eksena namin. Kasi naman nakakapagod maglakad, tapos mahal naman ang ibang kainan sa carpark.

“Sa KFC nalang tayo kumain. Baka may players!” Sagot naman ni Ella na halatang halatang kinikilig.

Adik na adik rin ang mga kaibigan ko sa Growling Tigers, at wala talaga akong maiambag kapag nagkekwetuhan sila about sakanila.

Tuwing may dadaan na matangkad at naka-commerce uniform, magpapanic na iyang mga yan at bibilis na ang lakad. At madalas naman, false alarm.

Nang makahanap na kami ng table, nag-order na iyong iba. Hindi ko ata feel kumain ngayon sa KFC. Pero nakaupo na kami e, sayang naman.

“Bibili lang ako sa Mcdo, guys.” Paalam ko sakanila.

Tumungo nalang sila at pinagpatuloy ang pagkekwentuhan sa UAAP. Parang invisible talaga ako pag iyan ang topic.

Chasing the Unplanned LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon