CHAPTER 16
“Ay, sorry po Coach.” Sabi ko.
Nakakahiya talaga. Nakakatakot rin at the same time, baka kase mainit ulo ni Coach kase anong oras na wala pa rin yung team eh. Asan na ba kasi yun si Captain.
“O, iha, bakit andito ka?” tanong sakin ni Coach.
“Uhhhhhh.. uhhh, wala naman po, palabas na rin po ako.”
“Ah, buti naman. An gaga aga, inaabangan mo mga bata ko ah. Nauna ka pa sakanila dumating.” Coach smirked.
Grabe naman Coach. Hindi naman nag-aabang. Kasi naman po yung Team Captain niyo nawawala na. Kasama niya ako pumasok ditto.. iyan na talaga gusto ko sabihin eh.
“Sige po Coach. Sorry po uli.” Unti unti ko ng inayos ang gamit ko at chineck ang phone ko kung nagtext ba si Captain. Kaso, wala, so tuluyan na kong tumayo and walked opposite the way of Coach Pido.
Nang malapit na ko sa pinto, may mga nagsisigawang lalaki mula sa kabilang side ng gym. Nagtatawanan. Naghaharutan.
“Uy, Denise!” tawag sakin ni Captain.
Wow ha. Aga mo dumating. Pinalabas na nga ko ni Coach eh. Nakakahjiya na.
Lumingon ako at ngumiti sakanila. Andoon, kasama ni Captain si Aljon, Kim, Kevin, at Paulo. Kumaway lang ako sakanila.
“Magkakilala kayo?” sigaw ni Coach.
Oh noes. Ano ba gagawin ko? Babalik ba ko sakanila o tuluyan nang lalabas? Pag bumalik ako, nakakahiya naman. Pag umalis naman ako, nako, magtatampo naman yun si Captain.
Tumakbo papalapit sa akin si Captain at hinawakan ang kamay ko.
Bumulong siya sa akin at sinabing, “Saan ka pupunta? Ano ba nangyari?”
“You don’t wanna know.” Tumawa ako ng palihim.
Ngumiti naman siya na parang nang-iinis pa.
“Coach! Si Denise pala.” Sabi ni Captain kay Coach.
“Girlfriend mo?” sabi ni Coach.
“Soon, coach, soon.” Sabi niya. Alam kong nagblush ako nung sinabi yun ni Captain.
“Nako, bat di mo naman kase sinabi agad, dapat pinaupo ko na muna ditto. Pasensya na, iha. Eto kaseng si Fort, masyadong malihim e.”
“Okay lang po yun, Coach.” Sabi ko sakanya.
Hindi naman pala ganoon nakakatakot si Coach. Highblood lang talaga siya pag may game or siguro hard ang practice nila.
Biglang nawala si Coach sa paningin ko, siguro may kinuha sa locker, or.. I don’t know.
“Uy, guys, dito nga kayo.” Utos ni captain.
Lumapit ang buong team. Sobrang saya nilang tingnan. Para na silang magkakapatid kase naglolokohan lang sila. Too different when it is really game time.
“Mga bro, si Denise.” Sabi niya sakanila habang pinapakilala ako.
Nginitian ko lang sila at nag-hi naman sila.
“Nakanaman, matibay ah.” Sabi ni Aljon.
Hmm, alam kaya nito yung nagging gusot naming ni Captain? Siguro nga.
“Nako, Denise, wag ka magpapaloko diyan.” Biro sakin ni Kevin.
“Grabe tol, kakampi ba talaga kita?” sabi ni Fort.
Nang magsimula yung training, nawala lahat nung tawanan nila. Merong mga ngiti pero sobrang malimit lang. Serious talaga pag training.
JERIC’S POV
BINABASA MO ANG
Chasing the Unplanned Love
Fiksi Penggemar"Love is not always about compromise, sometimes it's a complete surprise." A story about falling in love, getting hurt and falling in love all over again.
