CHAPTER 21
DENISE’S POV
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Bakit andito si Jeron, kasama si Alex?
“Sorry na. Eto kasing si Jeron eh, ang bagal.” Sabi sakin ni Alex.
Pero hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi pa rin nagsasalita si Jeron. Yung para bang mga mata lang namin ang nag-uusap. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko e. Inis, galit o ano ba. From what he did last night.. I just don’t know.
Eto naming si Alex, salita ng salita. Hindi ko naman siya masisisi kasi wala siyang alam.
“Uyy guys! Okay lang kayo? Nakakita ng multo? Oo nga pala Denise, sinama ko na si Jeron ah. Wala naman daw siyang gagawin eh. Nakalimutan ko lang sabihin sayo, nakakatamad kasing magtext eh. Okay lang naman diba? Di ba? Hindi naman magseselos si Jamie at si Captain MO eh...
“Hello guys? Ano naaaaa….
..Ayy wait! Teka, dyan lang kayong dalawa ha. May titignan lang ako sa taas. Wait lang.” Biglang sabi ni Alex.
Alex, sasama ako.” I insisted. Ayoko nga maiwan dito kay Jeron. Baka magtitigan at mag-iwasan lang kami the whole time. Nakakairita talaga.
“Wag na. Dyan nalang kayo ni Jeron habang may upuan. Sandali lang ako promise.” Pangungullit ni Alex.
“Pero Alex.”
“Later!!!”
At biglang hindi ko na nakita si Alex.
Makukutusan ko talaga tong babaeng to eh. Dapat pala kinwento ko na sakanya kung anong nangyari para naman kahit papaano napagsabihan niya yung kaibigan ng Thomas niya.
Uminom lang ako nung Caramel Frappe ko. Napansin ko nawala si Jeron, bumili rin pala siya ng Frappe niya. Umupo siya sa harap ko, pero hindi ko talaga siya tiningnan. Kunwari nalang may kinakalikot ako sa iTouch ko, para hindi na niya ako istorbohin.
“Masyado na nagiging memorable ang Starbucks satin ah..” Pagsisimula ni Jeron.
Grabe. So, ang lakas talaga ng loob nito magsalita despite what happened last night a. Pero siyempre, hindi ko naman inaalis ko sa isip ko na magkaibigan kami nitong si Jeron, but, gets, alam naman niya yung samin ni Captain diba?
“Denise, kausapin mo naman ako oh.” Pagmamakaawa ni Jeron.
“Eto na, nag-uusap na tayo.”
“Galit ka ba?”
“Sa tingin mo Jeron? I don’t want to be mad at you kase alam mo namang kaibigan kita; kaibigan ka ni Alex. Hindi ko naman basta bastang babalewalain ang pinagsamahan natin just for what happened last night, but.. alam mo yun, bakit mo ba yun ginawa? Hindi ko talaga maintindihan motibo mo dun eh.”
Hindi sumagot si Jeron. Parang nagpaprocess pa lahat ng sinabi ko sakanya.
Then he finally said, “Alright, I’m sorry.”
“I hope so. Jeron, alam mo namang mahal ko si Captain diba?”
“Alam ko naman yun eh. Kaya nga ang swerte niya sayo. He’s one lucky guy to have someone like you and I warned him to take good care of you. I don’t know what’ll I do if anything happens to you.”
“Why won’t you just trust him? Jeron, alam mong malapit ka sa puso ko, you’re one of my good friends and I assure you if anything happens to me, you’ll be the first to know and I believe that Captain won’t hurt me.”
“He better do, kase baka mas mapatunayan kong mas mahal kita kaysa sakanya.”
Ano na bang tama nitong si Jeron? At kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
Chasing the Unplanned Love
Fanfiction"Love is not always about compromise, sometimes it's a complete surprise." A story about falling in love, getting hurt and falling in love all over again.