Alex's POV
Sana T nalang ako… para I’m always next to U
Favorite subject mo ba Geometry? Kasi kahit anong angle maganda ka. J
Sana gumuho na yung bahay mo… para dito ka nalang titira sa puso ko
Araw-araw akong nakakatanggap ng mga cheesy pick-up lines, ang clueless ko naman kung sino yun. Natotouch ako kasi ang effort naman kung sino man yung gumagawa nito, pero naiinis ako kasi bakit ba hindi siya nagpapakilala sakin.
2 hours break na naman dahil sa T-Th sched ko. Naisipan kong tawagan si Ella kasi ang alam ko, may 1 hour break pa siya before yung next class niya.
“Ella, kita tayo 2 hours yung break ko. May gagawin ka ba?”
“Sorry I can’t, nasa lib ako ngayon. Puro research kami. “
“Aw yeah, sure sure. Ingat ka nalang.”
Naglakad na ako papunta ng carpark. Ikakain ko nalang ‘to since paghahanap lang ng upuan at pagkain ay macoconsume ko na yung isang oras ko. Teka, itetext ko na nga lang si Kiefer. Wait, wait wait, hindi ko mahanap yung phone ko. Ang lalim kasi ng bag ko eh. Patuloy kong hinahanap yung phone ko until…… ouch!!!!
May bumangga sakin. Nahulog tuloy yung librong hawak ko.
“Uy Alex. Sorry, hindi kita napansin.” Pagkatingin ko, si Aljon pala yun.
Ganun na ba ako kaliit para hindi mapansin -___-“
“Tss. Oo na. Sige, una na ako.”
“Teka, sorry na nga eh. Libre nalang kita. Break ko naman eh.”
“Wag na, okay lang.”
Then nagsimula na akong lumakad palayo. Hindi naman sa badtrip ako dahil nabangga ako, badtrip ako kasi ang clumsy ko kahit kelan.
Napansin kong may tumabi sakin habang naglalakad ako
“Sorry, basta sasamahan kita.”
“Ang kulit mo talaga forever eh no?”
“Forever na kasama ka? Not bad.” Sabi niya
“Ha?”
“Wala. Bonchon nalang tayo.”
Swerte siguro si Aljon kasi pag ako nagpupunta dun laging puno. We decided na dun nalang umupo sa may dulo malapit sa pintuan, yun lang naman kasi bakante tska medyo comfortable din yung upuan dun.
Nilibre na naman niya ako ng pagkain. Nakakahiya na, pero ayaw naman niya. He don’t take no daw, ang arte hahahaha.
“Sometimes I wonder, bakit ba wala kang girlfriend?” I started
“Chismosa mo. Kumain ka na nga lang.”
“Ikaw talaga, ang sungit mo sakin.” Then I frowned. Hindi ko ginalaw yung pagkain ko para mapansin niyang naiinis ako.
“Oy, kumain ka na.”
“Ayoko nga.” Then inirapan ko siya “Bakit ba ayaw mong sabihin?”
“Oo na nga. Ikekwento na. Ganito kasi yun, may gusto akong babae ngayon, pero hindi pwede. Gets?”
“Ha? Bakit hindi pwede?” Medyo naging interested ako dun sa kwento niya ah.
“Basta, complicated. May mahal kasi siyang iba. Alam mo yung love from a distance? Okay na sakin yun.”
BINABASA MO ANG
Chasing the Unplanned Love
Fanfic"Love is not always about compromise, sometimes it's a complete surprise." A story about falling in love, getting hurt and falling in love all over again.