CHAPTER 33
DENISE’S POV
Nakauwi na ako ng bahay at around 5am. Grabe, mag-uumaga na. Nakakapagod, emotionally. It was indeed a night, a night that I don’t want to go back to. But just like what Captain said, No regrets.
Magliliwanag na, ako matutulog pa lang. Tiningnan ko muna yung phone ko bago ako tuluyang matulog. Umaasa pa rin naman ako na isang malaking kalokohan yung kanina, and Captain would just text, I miss you already. Kaso, wala. Nangangarap nalang ako. Namimiss ko ng nakikita yung pangalan niya sa inbox ko, yung ibang messages nga hindi ko na naooopen. Nagtext pala ‘tong si Alex. Ano naman kayang kailangan nito? Or... ako ata ang kailangan siya.
From: Alex
Den, usap naman tayo bukas, Please? Need your company. Thanks.
To: Alex
Sorry I just read your text. Sure. Actually, I need you too.
Hindi ko na inexpect na magreply siya ng ganung oras. I just fell asleep and went to dreamland. That’s the reason why I’m fond of sleeping lately, kase my dreams are better than reality. Sa panaginip ko, ako ang author, ako ang director at producer. But sa reality, we just can’t control it.
Nagising ako ng mga 12nn na. Oo nga pala, wala si mommy at daddy. Sariling sikap sa pagkain. I turned to my phone again.
From: Alex
Sige, after lunch it is? Uhhhh, san tayo?
To: Alex
Aleeeeeexxx!!! Kakagising ko lang. Lunch nalang, wala kong pagkain ditto samin eh!! :(
From: Alex
Aga mo gumising, girl! :) O sige, greenhills, G ka?
To: Alex
Kahit san. See you :-)
Dali-dali akong naligo at nagprepare. NagMRT ako papuntang Greenhills. As usual, ang dami pa ring tao sa MRT kahit hindi naman rush hour. No choice na eh, mas mabilis yun. Halos alas-dos na rin nang makarating ako dun. I am so dead. -__-
Nang magkita na kami ni Alex, aba siyempre, sermon na naman inabot ko.
“Grabe, Denise. Tagal mo. Gutom na ako.” Sabi niya.
“Sorry naaaaaaa. Libre nalang kita.”
“Ay, buti naman naisipan mo.”
Pasalamat talaga tong si Alex may budget ako. At, pasalamat siyang kaibigan ko siya. Oo nga pala, bat nga pala ako kailangan nito ngayon? Might as well, tanungin ko siya.
“Alex, bat bigla ka palang nagyaya lumabas? Are you okay? It’s so naive na bigla kang magyayasakin, lalo na ngayong tapos na ang UAAP basketball.”
Okay, UAAP. Ayoko na nga tong alalahanin pero pinipilit pa rin ng tadhana. Tama na, please, stop.
“Uh, actually no.” Sabi ni Alex.
“Oh, bakit? What happened? Ano na ba? Susugurin na ba natin si Kiefer? What the hell did he do to you? Tell me!”
Grabe, nakakahighblood yung mga ganito. I’m really overprotective of my friends. I don’t want to see them like that. Lalo na kung common friend naming yung guy, it’s just irritating, nakakaloka lalo.
BINABASA MO ANG
Chasing the Unplanned Love
Fanfiction"Love is not always about compromise, sometimes it's a complete surprise." A story about falling in love, getting hurt and falling in love all over again.