Alex’s POV
School day na naman. Puro boring subjects ang humarap sa akin ngayon, pero I feel better, much better. Maaga kaming dinismiss ng prof kasi may emergency meeting daw sila. Buti nalang kasi magkikita kami ni Denise ulit after last last night, atleast mapapaaga uwi namin.
To: Denise
Meet me @ Q Pav. Papunta na ako.
Madali naman akong nagpunta ng Q Pav, wala namang tao kaya tumabi nalang ako dun sa mga guards. At infairness, super approachable nila.
“Eto nga pala para sayo to, may nagpapabigay.” Tapos may inabot sakin si manong Guard
Nagulat naman ako kay Kuya Guard. Bigla nalang nagsalita, may inabot pa saking blue na papel. Binuksan ko yung papel at ito yung nakasulat… isang banat.
Ang buhay ko parang seesaw. Pag wala ka, down ako. <3
Ang cute nung banat. Pero kanino kaya to galing? Kay Kiefer kaya? Okay assumera, blue lang yung papel, kay Kiefer agad galing? Kasi naman tong si Denise eh, ang tagal tagal kung anu- ano na tuloy naiisip ko. Maya maya may nakita akong lalaking paakyat ng Q Pav… si Aljon Mariano
“Uyy hi.” Bati niya sakin
“Hello.” Sabi ko
“Mag-isa ka lang?”
“Inaantay ko si Denise eh.”
“Samahan kita? Wala pa naman siya eh.”
“Kung gusto mo.” then I smiled
Then tumabi siya sakin. Ang kulit din nitong si Aljon eh. Maloko, tska madaldal ang daming kwento.
“Andyan na si Fort oh.” Sabay turo kay Captain na paakyat na din. As usual, dinudumog na naman ng mga babae. Kasama niya si Tata na obviously inaantok pa.
“Dumadamoves ka bro ah.” Sabi ni Tata kay Aljon
“Hoy tigilan niyo yang si Alex ah. Ikaw lang?” tanong ni Captain na nakangiti
Nako Captain, yang mga ganyang tanong na yan, alam ko ng may patutunguhan. Alam ko namang hinahanap lang niya si Denise eh, especially knowing kung ano yung nangyari sa kanila.
“Inaantay ko si ----. And speaking of Denise, ayun na siya oh.” Sabay turo
Nakita kong nagtama yung mata ni Fort and Denise. Eto namang si Fort, umiwas agad. Biglang nagyaya kela Aljon na umakyat na.
“Fort, mahal mo ba si Denise?” tanong ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya tapos humarap siya sakin
“Sobra pa sa sobra. Sa sobrang apaw nga, nasasayang na.”
“Don’t be too hard on her, Captain. I know she loves you too pero alam mo yun, hindi talaga sakto yung timing. Kilala ko si Denise, hindi naman yan manhid para hindi maramdaman yun. Basta, only time can tell.”
“I’m patiently waiting, Alex. Maghihintay ako kahit minsan feeling ko wala akong inaantay. Nakakapagod, pero no, I won’t give up.”
Pagkasabi niya nun, bigla siyang tumalikod at nagmadaling umakyat. Masyado ng mabigat ang pinagdadaanan nila. Kung ako siguro nandun sa lugar nila, hindi ko kakayanin. Swerte lang nilang dalawa, hindi napapagod si God sa love story nila. Pinipilit na ayusin yun ni Papa God kahit anong mangyari.
Matagal akong nakatitig sa hagdan ng maalala kong nandun pa pali si Aljon sa tabi ko.
“Uy akyat ka na rin. Baka masapok ka ni Coach.” Biro ko kay Aljon
BINABASA MO ANG
Chasing the Unplanned Love
Fanfiction"Love is not always about compromise, sometimes it's a complete surprise." A story about falling in love, getting hurt and falling in love all over again.
