So eto na nga, tinext ako ni Denise to confirmed she already have the tickets. Lower box, section B. Wow ah. Di ba malapit na din yun sa courtside? Ano ba naman yan L
Pero ano pa ba magagawa ko? Okay, this is the moment. Face your fears, Alex. You can do it.
August 4, 2012. Yan ang exact date ng game. At August 1 ngayon. Wow first day of August!!!
Pumunta agad ako sa mall, gusto ko magshopping, bumili ako ng mga bagong damit. Feeling ko kasi lahat yun nasuot ko na hindi ko alam kung nagpapaimpress ba ako or what. Pero bakit naman ako magpapaimpress at para kanino naman? Kay Thomas?!
Time flies so fast. This is the day. Tinext ko agad si Denise that I’ll meet her sa MOA na since I’ll be driving alone and she’s with Taj.
“Mommy, alis na po ako ah”
“Saan ka naman pupunta?”
Etong si Mommy, painosente pa. parang di alam.
“Magkikita po kami nila Denise”
“Yun lang?”
Oh diba, huling huli.
“Okay Ma. Alam mo naman eh. Manunuod ako ng game.”
“Anong game?”
Bakit ba pinapahirapan ako ni Mommy. Grabe na to ah. Tumutusok na sa dibdib ko. Isang tanong nalang mang iindian na ako.
“Ust vs La Salle.”
“Okay, ingat ka ha.” Sabay ngiti ng pangiinis.
Hay nako si Mommy kahit kelan talaga. Buti nalang nakapaghanda na ako ngayon.
1:40 pm na ng nakarating ako sa MOA. Ang traffic kasi, tapos ang hirap pa humanap ng parking. Tinext ko agad si Denise since nasa kanya yung ticket ko.
To: Denise
Saan na kayo? Dito na ako sa may Bonchon.
From: Denise
Dito na sa may Arena. Antayin ka namin. Blue gate tayo ah J
To: Denise
Okay. Omw now. See you. J
From: Denise
See you too and Thomas! Oops. Kidding. ;)
Wow ha. Supportive friend talaga tong si Denise. Sasaktan ko talaga to pag nakita ko.
So since malapit na ang Bonchon sa Arena, 5 minutes lang andun na ako. (Please do consider the fact na umuulan.)
“Alex!!!”
“ANO!” Pasigaw kong nasabi.
“Eto naman highblood agad. Easy ka lang. di pa nga nagstart yung game eh.”
“Halika na nga pumasok na tayo!”
“Naks, nagmamadali. May lakad? May gustong makita?” Sabat naman ni Ella
“Wala. Gusto ko lang pumasok. Lumalakas ulan.”
“Okay boss.”
Nagwawarm-up na ang mga Tigers at Archers nung pumasok kami. Medyo malamig ang MOA compare sa Araneta, infairness.
BINABASA MO ANG
Chasing the Unplanned Love
Fiksi Penggemar"Love is not always about compromise, sometimes it's a complete surprise." A story about falling in love, getting hurt and falling in love all over again.
