CHAPTER 14
“Deniiiiiiise!! Deniiiiseee!!”
Grabe naman kung makakatok yung nanay ko sa pinto ko. Kulang nalang sirain niya.
“O?!” sabi ko.
“Late ka na kayaaaa!”
Tiningnan ko ang orasan. 8:00 na. At 7am ang first class ko. Ay shet.
Dali-dali akong bumangon, naligo at nagbihis. Hindi pa nga ako nagsusuklay pero lumabas na ako.
“Bye, Mi!” sabi ko kay mommy.
“Bye. O ano nangyari sa mata mo? Bat namamaga?”
“Wala, wala. Bye!”
Nako, buti nalang nagmamadali ako at hindi ako nainterrogate ng nanay ko. At ayun nga, absent ako sa una at pangalawang klase ko. 9am na kasi ako nakarating sa school.
“Anyare sayo?” sabi ni Mitch.
“Obvious ba, late nagising, e di late. Absent sa dalawang subject.”
“Alam namin yun girl, yung mata mo tinutukoy namin.” Sabi ni Pam.
OH. Oo nga pala. Maga ang mata ko kakaiyak.
“Wala, wala yan. Wag niyo pansinin.”
“Panong di papansinin, e kala mo, isang drum ng luha naiiyak mo kagabi eh?” sabi ni Ella.
Ewan ko ba dito sa mga to, kung ano ba gusto nila mangyari eh.
“Ano ba nangyari sainyo ni Fort?” tanong ni Taj.
“Oo nga. Wala siya kagabi paglabas nung team e, so I presume kasama mo siya.” Singit ni Ella.
“Nagkita ba kayo?” tuloy ni Ana.
“Sinaktan ka ba niya?” tanong ni Mitch.
Iyan ang mga tanong na ayokong sagutin. Ayoko na nga umiyak e, pero pinapaiyak pa rin nila ako. Grabe na to.
Nang biglang nagsigawan ang mga babae sa tabi namin.
“AAAAAAAAAAH!! Fort!!!!!”
Why now. Why. Bakit.
Nakangiti lang sina Fort, Teng, Aljon at Kim nung nagsisigawan ang mga fans nila. Dumaan sila sa amin. Nauna sina Kim, Aljon at Teng.
Nahuli dumaan si Fort. At nang katapat ko na siya, tumigil siya.
Nakayuko lang ako, at katabi ko ang mga kaibigan ko. Ayoko siya makita at iiyak nanaman ako. At lalong mas ayokong makita niya ako na namamaga yung mata ko. Unti-unti ng dumarami ang taong nakpaligid sa amin, at ang mga gustong magpapicture kay Fort. But he never entertained them. He was standing in front of me, ng mga 30 seconds, pero, sapatos niya lang nakikita ko. I never looked at him.
Then suddenly, he grabbed me and we ran towards nowhere.
Hindi ko na napansin ang mga taong nakapaligid samin. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa mga kaibigan ko. Hindi man lang ako nakapag-explain sakanila.
He held my hand tight, and then we were on our way to his car where it is parked.
Nang makita kong wala ng tao sa paligid namin I suddenly stopped running.
Napatigil rin siya pero hawak pa rin niya kamay ko.
He faced me pero hindi ko siya tinitingnan. He gently lifted my face up to his and said, “Look at me.”
E di wala na ko nagawa kundi tingnan siya. The moment I looked up to his beautiful face, tears ran down my face. And ang sakit sakit na ng mata ko.. ang sakit sakit na ng puso ko. This man would never be mine. So please, destiny, stop playing with us. It will never be. Ano bang nagawa ko at bakit kailangan pa uli kami pagtagpuin? I said my part. I’ve let go of him. Hindi pa ba sapat yun? Hindi pa ba sapat na hindi niya ko mahal?
BINABASA MO ANG
Chasing the Unplanned Love
Fanfiction"Love is not always about compromise, sometimes it's a complete surprise." A story about falling in love, getting hurt and falling in love all over again.