CARE
Marrying Harry Salazar was once my dream. He was my dream. I admired him until now. Kaya kahit sobrang ayaw niya sa akin ay masaya pa rin ako. Binigyan kasi ako ng Diyos ng pagkakataon na mapatunayan ang sarili ko sa lalaking mahal ko. Blessing ang bata para sa akin na kahit ayaw ni Harry ay bubuhayin ko pa rin ito. I will make sure that Harry will accept his baby.
Isang buwan na ang nakalipas simula nang ikinasal kami. Walang pagbabago, ayaw niya pa rin sa akin. Pero kahit gano'n, hindi ako sumusuko.
"Hija," malungkot na tawag sa akin ni Manang Helen habang pinagmamasdan akong nagluluto.
Binalingan ko siya saglit bago ibinalik ang atensyon sa niluto.
"Good morning, Manang!" maligaya kong bati at napahaplos pa sa tiyan ko. "Lulutuan ko na naman ng agahan si Harry."
Sa gilid ng mata ko, kita ko ang panlulumo niya. Bumuntonghininga na lamang ako at hindi pinansin iyon.
"Hija, buntis ka," paalala niya sa akin. "Dapat ay nagpapahinga ka ngayon. Hindi naman din kakainin ng asawa mo ang niluluto mo," malungkot na sambit ni Manang na nagpakirot ng puso ko.
Ngumiti ako ng tipid at nilingon siya.
"Hindi ako susuko, Manang," determinado kong sambit at hinain na ang niluto.
Nagtimpla rin ako ng kape dahil ito naman ang iniinom ni Harry tuwing umaga.
Nang nakita ko si Harry na papatungo sa dining area ay excited ko siyang sinalubong. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo dahil sa ginawa kong pagharang sa kanyang daanan.
I smiled at him sweetly. "Kain ka na. Nagluto ako ng agahan!"
Kunot-noo lang niya akong tiningnan bago ako nilagpasan. Bumuntonghininga ako at saka sinundan siya hanggang sa nakaupo siya upuan. Agad-agad akong lumapit sa kanya para pagsilbihan siya.
"Nagluto ako ng agahan. Bacon, eggs!" maligaya kong wika sabay pakita sa kanya sa mga niluto ko kanina.
Nag-angat siya ng tingin sa akin saglit bago itinulak palayo ang pinggan na may niluto kong ulam. Tamad niya akong tiningnan bago bumuntonghininga.
"Manang, cook me some breakfast!" he demanded.
Uminit ang puso ko dahil sa kanyang ikinilos. Hindi ko maiwasan na masaktan kasi ayaw niyang kainin ang niluto ko.
"B-Busy si Manang, Harry. Masarap naman itong niluto ko," pagpipilit ko pa at ibinalik sa kanya ang pinggan ngunit napasinghap nang bigla niya itong hinawi dahilan ng pagkahulog at pagkabasag nito sa sahig.
Natulala ako saglit dahil sa ginawa niya. Ito ang unang beses na ginawa niya ito. Napalunok ako at nang nilingon siya ay kita ko rin na parang nagulat din siya sa kanyang ginawa. At dahil din sa nangyari, biglang nagsidatingan ang ibang kasambahay para iligpit ang basag na pinggan.
"G-Gusto mo lutuan k-kita ng b-bago?" I tried again.
Kahit sakit na sakit na ako sa ginawa niya. Kung susuko akko, parang wala lang itong effort ko. Wala lang.
Padabog niyang hinampas ang kamay niya sa lamesa at tumayo. Napatalon ako sa gulat pati na rin ang mga kasambahay na nakasaksi.
He glared at me. "Huwag na huwag mo na itong gagawin, naiintindihan mo?"
Napasinghap ako. "P-Pero asawa mo ako, kahit sa pagluluto mapasaya l-lang k-kita..."
"Hindi ako masaya and I will never be hangga't nakikita ko ang pagmumukha mo!"
Akmang tatalikuran na niya ako pero dali-dali akong naglakad patungo sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay na agad niya namang iniwaksi.
"Ano ba ang kailangan kong gawin para mahalin mo rin ako?" halos pagmamakaawa ko.
BINABASA MO ANG
Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)
RomanceStarted: February 10, 2021 Finished: August 13, 2021