Kabanata 8

149K 2.6K 652
                                    

PUTIK

Nagpapasalamat ako na hindi nagtanong ang anak ko patungkol kay Harry dahil nasisiguro ko na wala akong masasagot. May karapatan si Harry sa anak ko ngunit wala siyang karapatan sa akin. Hindi ko ipagkakait sa kanya si Amer kung gusto niya itong makilala ngunit hindi ko siya papayagan na kukunin niya sa akin ang anak ko.

Hinayaan ko siya na ihatid kami sa amin. Hinayaan ko siya dahil alam ko na pag-uusapan namin ang tungkol kay Amer. Iyon ang kinakatakutan ko dahil mapera si Harry. Kaya hindi ko siya makapagkatiwalaan kung ano man ang kasunduan namin.

"Aba, Bea, nakatulog si Amer," ani Tiya Elena na hindi yata napansin si Harry na kalalabas lang ng kotse niya. Ibinigay ko sa kanya si Amer na nakatulog sa balikat ko. Hindi ko masabi kay Tiya pero alam ko na napansin niya si Harry kaya tumigil siya sa pag-alis.

"M-May bisita ka?" tanong ni Tiya at kita ko ang panlalaki ng mata niya.

Sinenyasan ko siya na mauna na sa loob. Mabuti at mabilis niyang na-gets kaya hindi na ako nahirapan.

Nang nakapasok na sa loob ng bahay si Tiya Elena ay umusbong muli ang kaba sa aking dibdib. Pinagsalikop ko ang aking pawisan na palad at unti-unting nilingon si Harry. Nahuli ko siyang nakatingin sa relo niya.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. "So, pag-uusapan natin ang tungkol kay Amer—"

"May pinakilala ka ba sa kanya na ama?" pagputol niya sa sinabi ko sabay angat ng tingin sa akin. "That Oliver dude?"

Pumikit ako para pakalmahin ang sarili. Wala akong oras para patagalin ang pag-uusap namin. Kailangan ko lang siyang sabihan na hindi madaling sabihin kay Amer lalo na't hindi naman palatanong ang anak ko. Bukod pa roon, mukha naman siyang kontento sa akin dahil kahit kailan, wala akong narinig kay Amer na hinahanap niya tatay niya.

Bumuntonghininga ako bago nagmulat ng tingin. Tiningnan ko siya. "Wala akong pinakilalang ama sa kanya," malamig kong sagot sa tanong niya. "Hindi niya rin naman kailangan kasi sapat na ako sa kanya."

Tumaas ang kilay niya sa sinagot ko. Humalukipkip siya at mahinang natawa. Nilagay niya pa ang kanyang kamay sa kanyang ilalim ng baba niya at pinagmasdan ako.

"Are you sure? I know you still need me..."

Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng disgusto sa sinabi niya.

"Hindi ako nakipag-usap sa iyo para hingian ka o anuman. Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko para matugunan ang pangangailangan namin. Sinasabi ko lang na hindi na kailangan ng ama ng anak ko dahil narito naman ako. Kaya ko siyang buhayin."

Ramdam na ramdam ko na ang pamamawis ng kamay ko dahil sa tensyon. Hinanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng ilalabas ng kanyang bibig.

"What?" Dumilim ang tingin niya at nalukot ang mukha. Tila na-offend siya sa sinabi ko. Ma-offend ka lang.

"Bingi ka ba—"

Mahina akong napasinghap nang marahas niya akong hinila at sinandal sa kanyang kotse. Nilagay niya ang kanyang isang kamay sa ibabaw ng kanyang kotse at inilapit ang mukha sa akin. Namilog ang mata ko at halos hindi na makahinga. Niliitan niya ako ng mata at kinorner ako lalo.

"You're so full of yourself." Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Na parang hindi ka nagmakaawa sa akin na mahalin ka rin."

Nanigas ako sa aking puwesto. Hindi ko akalain na isusumbat niya iyon sa akin. Parang may matulis na bagay ang sumaksak sa puso ko. Parang pinaalala niya ulit sa akin ang kagagahan ko noon habang nasa puder pa niya ako.

Nangilid ang luha sa akin mata at hindi na makatingin sa kanya. Siya na. Siya na ang panalo. Ano pa ba ang gusto niya? Bakit umabot sa gano'n ang usapan? Ang anak ko lang dapat pag-usapan! Bakit kailangan niya pang ipaalala sa akin?

Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon