Kabanata 4

151K 3.1K 550
                                    

UMUWI

Akala ko ay hindi ko kakayanin na walang Harry sa buhay ko. Akala ko ay hindi ko malalagpasan ang lahat ng paghihirap ko. Pero akala ko lang pala iyon.

Limang taon na ang nakalipas at naging maganda ang takbo ng buhay ko. Payapa at walang masyadong pinoproblema. Sa tulong na rin ni Tiya Elena ay napalaki ko ang anak ko na mabait ngunit masungit. Mature na rin minsan ang pag-iisip. Sobrang nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinatuloy niya kami ng anak ko sa bahay niya at ngayon ay pati na rin siya ng buhay namin.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na ni-request ni Mayor ang luto natin. Sa nagdaang taon ay nag-improve ka talaga, Bea," manghang sabi ni Tiya sa akin at ngumiti.

Tumango ako habang inaayos ang mga gulay na pinalengke namin kanina. Sa limang taon ko na paninirahan dito ay na-adapt ko na rin ang buhay dito. Masagana ang Badian sa dagat kaya maraming stock ng isda sa palengke tapos malakas din ang mga tourist spots nila.

"Sayang nga lang at hindi kita masasamahan. Ito kasing kumare ko ay magpapasama sa akin!" Umiling siya at tumayo na.

"Iiwan muna kita rito. Magdidilig muna ako ng halaman." At nilisan ang kusina.

Tumango ako at tinapos na ang gawain. Nang natapos ay tinawag ko na ang anak ko na naglalaro sa bakuran mag-isa, dala-dala pa ang robot na binili ko noong birthday niya.

"Ame!" tawag ko nang nakalabas. Ngumiti ako sa anak ko nang lumingon siya sa akin. "Halika! Magmemeryenda tayo!"

Sumimangot ang anak ko at nagpatuloy sa ginagawa. Hindi ko maiwasan ang maalala si Harry sa kanya. Sobrang sungit pero ang pinagkaiba ay mabait ang anak ko. Snobber nga lang at hindi nakikipaglaro sa ibang bata.

Bumuntonghininga ako at tinahak ang labas para lapitan ang anak ko.

"Anak, ayaw mo bang kumain?" marahan kong tanong at umupo sa kanyang tabi. "Magluluto ako ng pancake."

Ngumuso siya. "Aalis ka na naman kaya ka naglalambing."

Umawang ang labi ko sa sinabi ng anak ko. Hindi ko maiwasan ang malungkot para sa kanya. Maiiwan na naman kasi siya dahil magtatrabaho ako. Taga-luto kasi ako sa isang local restaurant dito sa Badian at ngayon, isa ako sa kinuha ng mayor para ipagluto siya at ang kanyang mga bisita. Ayaw ko namang tumanggi dahil panigurado na pera na iyon. Gusto kong isama ang anak ko pero hindi puwede.

"Anak..." Hinaplos ko ang basa niyang buhok, siguro dahil sa pawis. "Pasensya ka na, ah, pero para sa atin din naman ito. Hindi ba, gusto mo mag-aral?"

Mas lalong sumimangot ang anak ko at unti-unting nanubig ang kanyang mata. Kumirot ang puso ko dahil sa nakita. Agad-agad kong hinila ang anak at niyakap. Humikbi na siya kaya napapikit ako.

"M-Ma, 'd-di na lang ako mag-aaral," garalgal niyang sabi habang umiiyak. "B-Basta huwag mo lang akong iiwan."

Parang may punyal na sumaksak sa dibdib ko. Hindi ko akalain na sa anak na mismo nanggaling na wala akong masyadong oras sa kanya.

Mas lalo kong niyakap ang anak ko. "Anak, intindihin mo muna si Mama, ah?" Kumurap ako para hindi tumulo ang nanunubig kong mata. "Hindi ba at gusto mo ng maraming robot? I-Ibibigay ko iyon sa iyo, anak."

Sa huli ay nakumbinsi ko ang anak ko. Nagpaiwasan siya kay Crisanta, pamangkin ni Tiya Elena na ubod ng bait. May anak na rin siya kaya ang anak niya ang kadalasang kalaro ni Amer kahit hindi naman pinapansin ng anak ko.

Sakay lang ng service van, nakarating kami sa mala-mansyon na bahay ng mayor malapit lang sa lungsod ng Badian. Lima kaming pinadala rito habang naka-uniporme. Hindi ko maiwasan ang kabahan dahil mukhang malaki ang gaganapin na party at sosyal ang mga bisita.

Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon