Kabanata 27

101K 1.9K 197
                                    

DUDA

Attracted? Ha? Buang ba siya? Ano ang akala niya sa akin? Magpapauto pa rin? Maniniwala ako sa kanya? Isa ba ito sa patibong niya? Imposibleng attracted siya sa akin ngayon dahil wala naman akong ginawang kaatrak-atrak. Hindi ko maiwasan ang magduda.

Tahimik lang kami pareho habang papauwi na kami. Hawak ko ang packaging ng pagkain na binili at kinain namin kanina. Nag-take out kasi hindi ko maubos.

"Gusto ba ni Amer ng burger?" biglang tanong ni Harry sa akin sa akin. Nakita ko na sumilip din siya sa labas at saka ngumuso. "Stop muna tayo. What is this place?"

Sinilip ko rin ang labas. "Moalboal," sagot ko sabay baling sa kanya. "At saka may take na tayo. Bakit ka pa bibili? Nagsasayang ka lang ng pera."

Ngumuso siya lalo at iniliko ang kanyang kotse upang makapag-park. "That's for you. I will buy another one for Amer."

Bumuntonghininga ako at napahalukipkip. "Alam mo, Harry. Mag-focus ka na lang sa anak ko. Bumawi ka kasi nagtatampo na iyon sa iyo. Wala nang ugnayan sa ating dalawa bukod sa may anak tayo."

At saka hindi ninyo ako masisisi. Natatakot lang ako na baka kapag nahulog ako ulit, babalik sa dati. Hindi ko nga alam kung nagbago na ba talaga itong si Harry kasi sa paningin ko ay parang hindi naman. Mukha na rin naman siyang maayos dahil ngumingiti na siya.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Tita Fely sa akin. I should save Harry. Bigla akong nakaramdam ng pait sa aking sarili. Tingin ko ay hindi na rin naman kailangan...

Maybe Ella did a better job saving him after all. Kasi hindi naman siya naging katulad sa sinabi ni Tita sa akin. Or if Ella didn't, maybe Harry saved himself. To not be like his past again.

Minahal ko si Harry. My love for him before was extreme, selfish, and I didn't even think about myself. I was desperate and because of my actions, I tasted my own medicine.

And now that I learned to love myself, to value myself, siguro ay maging careful na rin ako. Because not all the time, worth it ang risk.

Ngayong sinabi niya sa akin na attracted siya sa akin, hindi dapat ako agad maniniwala. I need actions, not words.

"Hindi mo pala narinig ang sinabi ko kanina?" tanong niya matapos ma-park ang kanyang kotse sabay baling sa akin. "Sobrang nagulat ka ba sa halik?"

Hindi ako sumagot ngunit halos hindi na ako makahinga habang ang tingin ko ay nasa bintana.

He chuckled. "Sa bagay, bakit mo naman ako paniniwalaan? Malupit ako sa iyo..."

Umawang ang labi ko at napalingon sa kanya dahil narinig ko ang pait sa kanyang boses. Hindi na nagsalita si Harry at pinagmasdan ko na lang siyang nagtanggal ng seatbelt.

Sa loob ng limang taon, nakaya ko na maging masaya sa piling ng anak ko. Sa loob ng limang taon na iyon, nakaya ko na mabuhay na walang Harry sa puso ko. Sa loob ng limang taon, nakalimutan ko ang sakit na pinaranas ni Harry sa akin. Napalitan ang poot ng saya simula nang isinilang ko si Amer. Sa loob ng limang taon, kailanman ay hindi sumagi sa isip ko ang buksan ang puso ulit sa isang lalaki.

Kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya sa akin.

Bakit ko naman siya mamahalin ulit? Worth it ba? May makukuha ba ako kung mamahalin ko siya ulit? Natuto na ako sa ginawa niya sa akin noon. He didn't care about me. He didn't love me. He was ruthless and heartless.

Akala ko ay lalabas na si Harry sa kotse ngunit napasinghap ako nang bumaling siya sa akin at kinuha ang packaging na dala ko. Akala ko ay iyon lang ngunit mas lalo akong napasinghap nang kinuha niya rin ang kamay ko at pinadaus-os kaya nagsalikop ang kamay naming dalawa.

Runaway #4: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon